Chapter 23

27 1 0
                                    

AN: Hi I'm so sorry if ngayon lang nakabalik. Madami ng nangyari sa buhay ko at mukhang nakalimutan ko yatang may ginagawa pa pala akong kwento. Anyways, konting kembot nalang at matatapos na din 'tong kwentong 'to. Salamat sa inyong mga magbasa nito at sa mga bumoto especially dun sa mga nag abang. Sana tangkilikin nyo pa din ito at MAGCHAT KAYO SA AKIN KAKAUSAPIN KO KAYO PROMISE.

*EDWIN'S POV*

Maaga akong nagising. Kinusot ko ang mga mata ko, pagkatapos ay nagulat ako nang makita ko siya sa aking tabi.

Totoo ba 'tong nakikita ko?

Hindi ba ako nananaginip?

Seryoso?

Totoo nga ba na ang babaeng nasa tabi ko ay yung babaeng napaka sungit, yung babaeng walang araw na hindi ako binubulyawan, yung babaeng halos araw-araw ako kung sapakin.

Yung babaeng, dati pinapangarap ko lamang...

Si Stephanie del Puerto nga ba ito??

Tinitigan ko siya habang mahimbing pa siyang natutulog.

Ang amo ng mukha niya. Parang isang batang walang muwang sa mundo. Napaka maaliwalas.

Napangiti lang ako. Hindi ko lubos mailarawan ang saya na aking nararamdaman ngayon.

Hays. Yung bestfriend ko dati.

Fiancé ko na ngayon.

Dahan dahan akong bumangon upang 'di ko maistorbo si Steph, at dumiretso ako sa banyo upang maghilamos. Pagkatapos ay naghanda na ako ng agahan namin.

Syempre, espesyal yung agahan! Unang araw niya ata dito sa condo ko ano!!!

Hindi naman sa pagmamayabang ano? Pero masarap ata akong magluto. NYAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!

Nagluto ako ng Scrambled Eggs, Hotdogs and Bacon. Nag fried rice na din ako..

Luto.

Luto.

Luto.

Nasa kalagitnaan ako ng pagluluto, nang marinig ko ang pangalan ko...

"Edwin?"

"OH GOOD MORNING BABE!" ^_^

"Bakit parang may nangangamoy sunog?"
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●●

*STEPH'S POV*

Nagising ako bigla galing sa himbing ng aking pagkakatulog dahil may naamoy akong di kaaya aya...

Bumangon ako bigla, at nagtungo agad sa kusina. At doon, natagpuan ko si Edwin na nagluluto.

WHAT?! SI EDWIN NAGLULUTO?! KELAN PA?!

"Edwin?"

"OH GOOD MORNING BABE!!" galak na galak siyang batiin ako animo'y di niya napapansin na nangangamoy sunog na sa buong kusina.

"Bakit parang may nangangamoy sunog?!"

"Huh?" Tumingin siya sa paligid at napasigaw siya nung makita niyang nasusunog ang mga niluto nya...

Hay naku Edwin. Anong nakain mo at nagluto ka? Eh 'di ka naman marunong jusko...

"HALA YUNG NILUTO KO!! HUHUHUHU" hagulhol niya habang hawak hawak niya ang frying pan at yung caserole.

"Anong nakain mo at nagluto ka?! Di ka naman marunong magluto !" Sabi ko sakanya habang pinipigilan yung tawa ko.

"Marunong naman ako! Hindi ko lang napansin na nasusunog na! Magsasaing palang kase ako eh"

Lucky I'm in love with my Bestfriend (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon