AFGD ♥ Chapter Thirty- Four

73 3 2
                                    

Chapter Thirty- Four: Revelations

A/N: Hi sa iyo! Salamat kasi binabasa mo pa rin tong cornyng story na to. =)) XD

*

Yerumi's Pov

Pagkauwi ko, walang tao sa bahay.

Madilim.

Hindi nakalock ang pinto kaya nakapasok agad ako.

Dumiretso agad ako sa kwarto ko.

"Bakit ganun, Lord? Anong nangyayari? Can you give me signs so I'll know."

Ang dami ko ng problema.

Lumabas ako ng kwarto para bumaba sana at kumuha ng tubig dahil pagod na pagod na ang aking lalamunan.

Napansin kong may nakausli ns parang envelope sa taas ng ref.

Familiar na envelope.

Yung nakita ko na may pangalan ko.

Bigla akong kinutuban.

Binasa ko ang laman nito..

(Yerumi Barcelo Lardizabal.

March 20, 2008...

Found brain tumor...)

Gumuho ang mundo ko.

Brain tumor?

Nabitawan ko agad ang papel na yun.

Hi-hindi pwede...

Ba-bakit ako pa?

Bakit ngayon ko lang to nalaman?

Narinig ko na bumukas ang pinto.

Hindi pa rin ako makaalis sa kinatatayuan ko.

"Yerumi, anak...." halata kong gulat si mama.

"Anak. Patawarin mo ako.." patuloy niya

Napaiyak na ko. Patuloy lang sa pagtulo ang mga luha ko.

"Anak. Sasabihin ko naman sayo talaga yan eh. Kaso, nag-iipon pa kami ng papa mo, gumagawa pa kami ng paraan para mapagamot ka..."

"MA NAMAN! KARAPATAN KONG MALAMAN TO. MA, BAKIT KAYO NAGSINUNGALING SAKIN? KAYA BA AKO NAHIHIMATAY AT HALOS ARAW ARAW NAHIHILO? HA? MAMA? MA, ANO?"

"O-oo anak. Patawad talaga, Yerumi. Hwag kang mag-alala, ipapagamot ka namin...."

"MA! WALA TAYONG PERA, MA..."

"Meron anak. Kaso nangangalahati pa lang kami ng papa mo. Pero, wag ka mag-alala, pareho na kaming nagtatrabaho para sayo. Para gumaling ka. Para hindi mo kami iwan..."

"MAMA. TAMA NA. MA, A-ANONG STAGE NA KO?"

"Yerumi..."

"MA! ANONG STAGE NA!?"

Napaupo si mama sa upuan sa kusina.

"ANO MA?"

"Anak. Stage...3 na halos."

Napahawak ako sa anit ko ng mariin.

Napaupo na ko sa sahig.

"MALAPIT NA BA KO MAGLAHO, MA?"

"..."

"MA NAMAN. WAG NYO NAMAN AKO PAGMUKHAING TANGA..."

"Oo anak. Anak, ayaw ka namin mawala ng papa mo. Diba may mga pangarap ka pa? Diba may nais ka pang matupad? Susuko ka ba? Ha, Yerumi anak?"

Hindi ako makasagot.

Nagkaroon ng katahimikan panandalian.

"Ma, si Dra. Gamboa po yung doktor ko diba?"

Tumango si Mama.

Tumango din ako.

Nagpunta ako sa kama ko.

Kinuha ang private box sa drawer ko.

Tinignan ko ang mga nakalagay dito isa-isa.

Nakakaiyak.

Mas lalo akong nawalan ng pag-asa.

So, ito pala ang sakit ko na itinago sakin simula elementary ako? Kaya ba ko nahimatay sa hagdan dati nung grade 6 ako?

Ilang taon nila akong napaglihiman.

Ilang taon ako nangangarap.

PANGARAP.

Ano nga ba ang pangarap ko sa buhay?

Napatingin ako sa mga litratong hawak ko ngayon.

Si Julian Trono.

Ang lalaking nagpatibok sa puso ko. Lalaking bumighani sa damdamin ko. Lalaking maituturing kong naging dahilan kung bakit ako nagsisikap. Kung bakit ako nangangarap. Kung bakit nananatili akong naghihintay.

Ang lalaking natutunan ko pano magmahal ng tunay- maghintay, magpasensya, maunawaan ang sitwasyon.

Ang lalaking laging laman ng isip ko. Kasama ko sa panaginip ko. Kapiling ko sa mundo ng internet.

Dahilan bakit ako ngumingiti. Dahilan bakit patuloy akong umaasa na balang araw, makikilala mo rin ako. Makakasama din kita. Makikita din kita.

Ikaw..

Ikaw ang pangarap ko, Julian Trono.

This is my dream.

To be with you, to spend even just a few seconds with you.

Napaluha ako lalo.

Sa dahilang hindi ko matanggap na wala na talagang pag-asa.

At sila, silang mga kaibigan ko.

Kung sabihin ko ba ito, may magbago kaya?

Kung sabihin ko kaya ito, may pakialam kayo sakin?

Paano na lang kaya bukas?

Lord, kayo na po bahala.

A Fan Girl's Dream [a Julianator's story] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon