AFGD ♥ Chapter Thirty- Six

106 2 2
                                    

Chapter Thirty- Six: Pain and Satisfaction

Sa buhay natin, may times na gigive-up tayo. Kasi hindi sa lahat ng pagkakataon, eh ikaw ang bibida at mangunguna.

Behind all the satisfaction, I felt pain at the same time.

Feeling ko hindi pabor ang tadhana sa mga gusto ko sa buhay.

Simple lang naman ang pangarap ko eh.

Nung kinder ako, wish ko sana maging architect ako.

Nung elementary, masundan si Julian Trono sa showbiz.

Ngayong highschool, ay makita at makasama ang taong nagbigay ng lakas ng loob sakin at nagpapasaya sa puso ko bawat araw...

na maabot at mahawakan yung taong minamahal ko...

Maisayaw man lang sya..

Kahit ano, basta makasama ko sya.

Dati, tinatatagan ko ang loob ko. Sinasabi ko sa sarili ko na dreams do come true if you believe. O kaya naman, nothing is impossible.

Minsan lang talaga, hindi gumagana yun. Sa mga taong tanga tulad ko.

All the while, I was asking myself bakit sya pa.

Kailangan kong gumising sa katotohanan...

Dahan-dahan kong kinuha yung mga letters ko para kay Julian...na kahit kailan ay hindi ko naibigay.

Marami-rami din ito..

Pero kailangan ko na itong sunugin.

Sobrang naiiyak ako sa ginagawa ko..

Gusto kong maging malaya sa sakit na natatamo ko sa kanya..

Doon sa sakit na umaasa ako sa wala.

Isinunod ko yung daan-daang litrato nya.

Yung naka-amerikana sya, para sa pictorial nya.

Yung mga may cap siya.

Yung nasa kotse siya.

Yung sa Party Pilipinas.

Yung birthday nya.

Yung nasa Baguio sya.

Yung naka-fedora sya.

Yung stolen shots sa kanya ng fans nya.

Yung silang dalawa ni Krystal...

Sumasakit na naman ang ulo ko..

Tinawag ko si Mama.

"Anak... ano bang pangarap mo?"

"W-wala na Ma. Hindi ko na po yun matutupad..."

"Anak... D-dadalhin ka namin sa Japan... Magpapagamot ka dun.."

Imbes na magulat ay nalungkot ako..

"Ma. Mahina na rin ako.. Hindi ko na ho kinakaya yung sakit. Ma, hwag na po kayo umasa pa. Mama, t-tanggap ko na po kung ano ang kahihinatnan ko.. S-sana ganun din po kayo, Ma..."

"Ayaw mo bang gumaling?"

Nakita ko ang pagpatak ng luha ni Mama.

"Ma, hwag ka na umiyak.. Ma, ginawa ko po ang lahat para maging katanggap-tanggap ako sa langit.. Hwag na po kayo malungkot..."

Magsasalita pa sana si Mama nang nagring yung telepono.

Sinagot ito ni Mama.

Hindi ko alam sino yung kausap nya..

Ilang linggo na rin ang nakalipas...

Pebrero na..

Matagal na rin akong umaabsent...

At balita ko eh, may prom daw kami..

Gustuhin ko man pumunta, hindi maaari.

Makakasagabal lang ako sa iba.

"Anak, binilhan kita ng dress mo... Kulay violet.. Diba paborito mo iyon?"

"Ma, p-para saan pa?"

"Gusto kong maranasan mo ang prom, anak..."

"Ma..." I tried to straighten my voice.

"Anak, please...." Namumuo na naman ang luha sa mata niya..

"Kahit ito lang, pabayaan mo kaming bumawi sayo... Gusto ka namin makaranas ng mga magical na bagay sa pagiging highschool. Hindi ko kasi naranasan yan, pero anak.. Sana kahit ikaw na lang ang makaranas..."

Naluluha ako..

Sumasakit na naman ang ulo ko..

"Anak, h-hindi nga natin marahil maabutan ang paggraduate m-mo... Kaya sana, kahit ito lang... Alam ko naman na gusto mo din ito pero iniisip mo lang na bawal na... Anak, pakiusap..."

Napahawak ako sa ulo ko..

Tulo nang tulo ang mga luha ko.

Dahan-dahan akong tumango.

"Anak, salamat.. B-bukas, pupunta tayo dun sa school nyo..."

Ngumiti ako ng mapakla at tumango..

"Uhmm, anak..."

"Bakit Ma?"

"S-sana mapatawad mo na si Eunice..."

"H-ha? H-hindi naman po kami nag-away.."

"Wala ka mang sabihin sa kin anak, malalama't malalaman ko rin..."

Napansin ko na nakadungaw sa pintuan yung mga kapatid ko...

"Irene... kuya.." sambit ko.

Pumasok sila at tumabi kay Mama.

Alam ko na mas madadagdagan lang ang bumabalot na lungkot sa kwartong to kaya sinabi ko na lang na matutulog na ako.

Magigising pa kaya ako?

Lumabas na sila Mama sa kwarto ko at hinayaan na ako mag-isa.

Tumingin ako sa labas, sa may bintana, kung saan kita ko yung mga bituin...

"Napakahirap nyo abutin... Tulad nya, hindi ko sya maabot... Sana, bukas, makawala na yung puso ko sa sakit na nadama ko sa kanya... Julian, salamat kasi naging parte ka ng buhay ko... S-stage 4 na ko.. Sobrang kaunti na lang ng oras ko dito sa mundo.. Sapat na sakin yung nakikita kita sa TV. S-sana, maging masaya ka...."

Humiga na ako.. At ngumiti for maybe the last time...

"Kasi magiging masaya lang ako kapag masaya ka..."

A/N: Last chapter plus the epilogue.. Yey! :)

A Fan Girl's Dream [a Julianator's story] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon