AFGD ♥ Chapter Twenty- Six

89 3 0
                                    

AFGD ♥ Chapter Twenty- Six

Chapter Twenty Six: Be With You

Wednesday...

2 more hours left. Dismissal na.

And 2 hours left, Im gonna see.Julian na! :))))

Biglaan ba?

Kahapon kasi tumawag sakin yung isang Julianator na punta daw kami ng BodyRock, panoorin si Julian magturo ng sayaw, eh pwede daw. Ahehehe. Saka diba scholar ako? Edi may allowance, kaya 400 dadalhin ko mamaya. Astig ba?

Ang kaso eh.. di ko alam pano pumunta ng Quezon City.

Pero still... sabi nung Julianator, sunduin nya ko sa LRT. Yipeeeeee!

Ako na yata ang pinakamasayang fangirl sa buong galaxy! Hehe. Pagbigyan niyo na ko.

"Uwaaaaaaaaaaa!!!!!!"

"Yerumi?"

Tae! Bat nga pala ako sumigaw. Sa utak ko lang dapat un eh. Haaaay biggest engot ever, Yerumi.

"Sorry Maam. I was just overthinking.. Sorry."

"Its okay. You may sit now."

Umupo na ako. Medyo natawa pa ung iba kong kaklase.

Ano ba naman kasi ginawa ko? Sumigaw mag-isa ng walang visible na dahilan sa kanila. Hayy ang engot mo!

Napasapo ako sa noo ko.

Kaya ayoko na Julian eh, kaya ayoko na. Kasi sobrang nababaliw na ko. Pero, wala ka pa rin talaga sakin.

Pakisugod na nga ako sa mental hospital.

Pero mamaya, masaya to! Julian, finally!!!! :)

15 minutes na lang talaga.

Teacher, pakibilisan.

10 minutes..

Haaay wala na kong maintindihan sa sinasabi ng English teacher namin. Si Julian na yung nasa isip ko.

Kahit yung mga sinusulat ng teacher namin eh, JULIAN TRONO nakikita ko, yun ang nasa paningin ko. Nakakabaliw diba?

"Pst. Yerumi, okay ka lang?"

"H-ha? Ano yun?" eh kasi naman Ahleli, bigla bigla ka nagsasalita.

"Baliw ka na nga, bingi ka pa."

"Anong sabi mo? Taekwondohin kita dyan eh."

"Biro lang naman. Sabi ko kung okay ka lang?"

"Ahh oo naman. Napasigaw lang talaga ako kanina. Shungaaa ko talaga."

"Agree! Hahahahaha!"

Tawa pa tong isang to! Giyegyerahin ko talaga to mamaya.

Eh kasi naman nawawala talaga ako sa sarili ko kapag naiisip ko sya eh. Mahal na nga siguro talaga kita, Julian Trono. Wala na kong ibang bukambibig kundi ikaw. Wala na kong ibang hinanap sa buhay ko kundi ikaw. Wala na kong ibang pinangarap kundi ang makasama ka.

Bigla ko tuloy natanong ang sarili ko, 'mamaya kaya pag nagkita tayo, maging masaya ka?' o kaya, 'pag nakita kita mamaya, ganito pa rin ang tibok ng puso ko para sayo?'

Haaaay. Leshe. Ang hirap ng sitwasyon ko...

*Krrrriiiinnnngggggggggggg!!!*

Dismissal na!

"Okay, class dismissed! See you tomorrow guys! Bye!"

Dali-dali akong nag-ayos ng gamit ko pagkabyebye ni Maam. Hala, sige!

Bumaba agad ako sa locker ko.

Punta sa banyo, oo dun na ko nagbihis.

Palda lang ang hindi ko inalis. Yung blouse ko kasi mainit eh. Nagpalit lang ako ng tshirt.

Balik sa locker. Wala naman assignment eh. Iniwan ko yung notebooks at kung ano pang di kailangan sa pupuntahan ko. Cellphone? Dadalhin syempre. Wallet, syempre. Isang notebook pala, kyaaaaaa~ pang-autograph. Hihi.

Anong oras na? 2:30 na. Uwaaaa! 3pm daw dapat andun na ko sa LRT na paghihintayan nya.

TAKBOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO!

- - -

After 5 minutes, andito na ko sa pila sa LRT Santolan.

Maya-maya naghihintay na ko ng train. Patay! Siksikan.

Ooops. Haha! Mawaaah poise ka na Yerumi, pero kahit anong mangyari, kailangan andun ka sa Cubao inless than, 10 minutes. Huhu.

Nakapasok naman ako. Nakatayo nga lang dun sa gitna.

Hala, Anonas na. Ang bilis ng oras.

Whoooooo! Ganito ang pagfafangirl. Ganito kapag nangangati. Nangangating makita ang idol niya.

Idol nga ba talaga? O mahal ko na?

Haaaaaay pating. Yerumi naman! Nasa...

ARANETA CENTER-CUBAO NA!!!

So, bumaba na ko. 5 minutes na lang. Pababa na ko sa stairs.

Calling....

*Julianator1*

"Hello.."

"Hello po ate, opo. Andito na po ako sa LRT Araneta-Cubao."

(Sorry medyo nalate. Hehe. Andyan na din ako, papunta na. See you!)

"Sige po.."

Habang naghihintay ako, kumain muna ko ng Master Siomai. Nakakagutom yung adventure ko ha? Para lang akong nasa movie. WEH?!

After 3 minutes.

Kanina pa ko tingin ng tingin sa relo ko, wala pa kong nakikitang naka-dougie shirt dito, si ateng Julianator tinutukoy ko.. Haaaaynako. Mukhang di ako matutuloy ah? Ano na kaya nangyare kay ate Julianator? :(

Haaay, 3 more minutes, Yerumi. Magkikita na din kayo. Haaaay. Kung alam ko lang talaga pano pumunta ng Tomas Morato, kanina pa siguro ako nandun.

After 5 minutes.

Ateng Julianator! Wala po akong load. Kanina ko pa kayo hinihintay dito, asan na ba kayo?

Haaaay. Mukhang naudlot ang pag-asa ko. Napakawalang kwentang araw! Ano nangyari?

Nasaan na ateng Julianator? Ilang minuto na ko dito, eh. Di ko pa alam saan ako napadpad.

Anubayan. Ang duwag ko kase eh. Ang engot engot ko. Masyado ka kasing umaasang magkikita kayo ni Julian, eh sinabing never yun mangyayari.

Plok. Plok. Plok.

Peste! Tapos umuulan pa. Haaaay. Sinasabayan talaga ako ng langit sa pagkadismaya ko.

Nagsialisan yung mga nasa paligid ko, pumunta sila sa waiting shed. Ako, narito, naghihintay, lumuluha, at nagagalit sa sarili ko.

Arrrrgggghhhh!

Hanggang kelan ba ko aasa?

Kelan ba ko magsasawa?

Kelan ba kita makakasama?

Tumingin ako sa itaas, sa langit.

I can feel my tears rolling down my cheeks.

Poor me.

Julian, I just wanna be with you...

Is that too much to ask for?

A Fan Girl's Dream [a Julianator's story] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon