AFGD ♥ Chapter Thirteen

108 2 0
                                    

Chapter Thirteen: FAN LETTERS..

2 months passed..

December 24,2011

5 pm

Yerumi's Pov

Nakakabagot! Nasa palengke pa sila mama at papa eh, namamalengke para bukas. Christmas na bukas e.

Ako ito, fangirling lang ang peg sa bahay. Nasa mga syota nila yung mga kuya ko e. XD

Tutal wala naman akong magawa at mag-isa lang sa bahay. Magdodrawing na lang ako.

Errrr! Boring pa rin..

Magsulat na lang kaya ako? Tutal writer naman talaga ako! Eto nga e oh. Nagsusulat ako sa wattpad. Charot.

I got my laptop and doon, nagtype ng kung ano-ano.

Ting! Christmas bukas diba? Ano kaya kung mag-isip ako ng regalo para kay tronobabes? Oo! Ganyan na tawag ko sa kanya.. Masyadong charming kaya ayun. Nainlab ang lola mo!

2 months ko na siyang crush. Haaaaaaaaaaaaay. Ano kaya mangyayari sa lovelife ko nito?

And so, dahil nga sa kabagutan ko dito sa bahay. Nakaisip ako ng regalo kay tronobabes. And dahil poor ako, XD, letter na lang. Mahilig kaya ako magloveletter. Bwahaha! Charot. Saka mas sweet naman yun noh! I just think so..

Ewan ko pero para kasing ang gaan sa pakiramdam kapag nakakatanggap ka ng ganung stuffs. Parang ang romantic kasi kung titingnan mo diba? Nag-effort siya magkawit ng kamay kakasulat. Kaya ayun. Though, hindi pa ko nakakatanggap ng mga ganun. Parang ang sarap sa feeling. Kailan kaya ako nuh? HAHA! UMASA!

I started writing.

"Uhmmm. Hi po kuya Julian.. Merry christmas po. Sana po maenjoy niyo yung christmas niyo. Uhmm. Ako po pala si Yerumi. Taga-Pasig, fan niyo po or should I say, Julianator. Lagi ko po kayong pinapanood sa TV. Wala naman po akong balak pahabain tong sulat kaya ayun po. Merry christmas po. Salamat sa inspirasyon. God bless po.

~YerumiL"

Haaaaay, kelan ko kaya siya makilala at makikita?

For sure naman di ko to maibibigay sa kanya bukas kasi di ko alam address niya. :(

Lately, umiiyak na ko because of him. Kayo rin ba, matanong ko, kapag ang gusto niyong makasama, hanggang pangarap niyo lang? Masakit din naman diba? Yung tipong umaasa ka kahit na magkabilang mundo kayo? May iba't-ibang uri ng ganito, either bestfriend mo sya tapos may gf pala tapos mahal na mahal nung bestfriend mo gf niya at masaya sila together, or yung classmate mong hatest ka to the highest level at wala kang pag-asa sa kanya kahit na mahal mo sya ng bonggang bongga, or artista na taga-northpole mahal mo tapos ikaw, ngangang ordinaryong simpleng taga-south pole na taga-hanga niya. At ito ang sitwasyon ko..

Punyeta diba? LASLAS FRE!

Sabi nga ng ilan, unfair ang pag-ibig kahit sang anggulo mo to tingnan. Masasaktan ka na parang namatay pamilya mo, sasaya ka na para ka ng tanga kakangiti mo, kikiligin ka na halos maihi ka na, magsasakripisyo ka na kahit sarili mo pinabayaan mo na, aasa ka hanggang sa mamatay ka na wala ka pa ring napapala.

Tanga ba tawag dun? Or pag-ibig lang talaga?

Haaaaay.

Hanggang ngayon, umaasa ako kay kuya Julian. Yung kahit makita ko siya kahit sa mall shows lang. Yung kahit ako na lang makakita ng patago. Heaven na yun!

Yung ibang julianators kase, nakakapunta ng MNG. Wala eh, mapera eh? But I know yung iba dun, pinag-ipunan naman nila yun.

Ako? HAHA! Nga-nga! Walang pera. Subsob sa pag-aaral. Hindi kasi ako lakwatsera. Natatakot ako mag-isang gumala.

A Fan Girl's Dream [a Julianator's story] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon