AFGD ♥ Chapter Twenty

98 2 0
                                    

Chapter Twenty: Minahal na Kita, At Mahal Kita...

Paul Moresco's POV

Andito lang ako sa labas ng music room.

Hinihintay sya, maybe?

Sigh. Yerumi. Yerumi. Yerumi.

Ano ba meron sayo? Eh ang sungit sungit mo. Daig mo pa ata menopause. Parang araw-araw, meron yun.

Tapos ang moody. Minsan tatawa, minsan malungkot. Bigla na lang umiiyak. Tapos kapag tinanong mo naman, sasabihin wala.

Pero dahil sa pag-iyak niyang yun, nakita ko yung tunay niyang ugali. Yung tunay na sya. Yung totoong Yerumi Lardizabal.

*flashback**

Ako na lang mag-isa sa music room! Late ako talaga nakakauwi kasi ako ang chairman dito sa Guitar Session. Sobrang galing ko daw maggitara eh. Hehe.

Binuksan ko yung pinto sa exit pero...

"Aray!!!!!!---"

"Sorry Miss."

Ha? Anong ginagawa nya dto?

"What are you doing here? Ha? Hinihintay mo ko ano?" biniro ko sya.

"Ang kapal naman ng mukha mo! Sinong gunggong ang maghihintay sayo? Pwe! Mukha kang pwet! Nakakabanas! Dyan ka na nga! Panira ka ng araw!"

At boom. Binato niya ako ng notebook niya.

Pinulot ko ito para ibigay sa kanya, pero pagkalingon ko, tumatakbo na sya palayo. Malayo na sya sakin. Tapos ayun parang nawala na ata.

Grabe naman ung babaeng yun! Ako ata hatest nun dito. Arrrgh. Pero okay lang yun, the more you hate, the more you love. *evil grin*

Itatapon ko na sana yung notebook niya ng parang may napansin ako na picture.

Duh! Sino to? Julian Trono?

Ahh okay. Tapos?

Ahhh. *ting*! Naalala ko na. Ito yung nasa picture na kinababaliwan niya dati na halos halikan na nya at kulang na lang eh maging tunaw na ice cream sa sobrang pagtitig niya sa picture.

Parang biglang may kung ano sakin na nagtulak sakin para basahin yung laman nun.

Natauhan na lang ako na naiiyak na pala ako.

Habang binabasa ko kasi yun, nalaman ko ang mga problema niya. Yung kay Julian, yung sa mga kaibigan niya. Yung about sakin, na medyo kinainisan ko pero natawa rin ako at the same time. Marami pa. Saka yung sa sakit sakit. Basta, hindi precise masyado ung sa sakit part.

Ang madami dun, yung kay Julian Trono.

Dun ko na-realize na, every smile she fakes, is sadness inside her; every laugh she tries to make, are

tears of her.

Naawa ako. At the same time, napahanga.

She has the spirit of a fighting person. Hindi sya ganun kabilis sumuko.

Kinabukasan nun, napansin ko na parang wala syang tulog saka galing lang sa iyak.

Napailing na lang ako.

I wrote on a sticky note, "Cheer up, sevol!"

Nagreply naman sya. "Sevol?"

Natawa ako. Haha. Akala ko ba matalino at top student sya, eh bakit hindi niya alam ung word na un. Hahaha. Kayo alam niyo?

"Haha. Secret."

She didnt reply naman, kaya tahimik na lang din ako. Ang hirap kasi ng korean eh. Yung hangul writing kasi nila, walang equivalent sa English alphabet.

*end of flashback**

Tapos nun, naging magbestfriends kami. Siguro kasi bumait ako. Bumait ako sa kanya simula nung umiyak sya sa harap ko. Alam niyo ba na ang hirap makita na malungkot o in pain yung taong mahal mo? Mahirap. Sobra. Binigyan ko sya ng panyo nun.

Hindi naman na din sya masungit sakin, I mean di na 'ganun' kasungit tulad ng dati.

Our friendship is getting better.

And sana, if I got the chance.

I would court her.

Para na din makalimutan na niya yung Julian Trono na yun.

Kami ang magkamundo, hindi silang dalawa.

Nakakainis ka Ye! Bakit ba ko nahulog sayo?

Tapos iba naman gusto mo.

Ang problema, artista yun eh.

Edi may pag-asa ako.

Meron nga ba?

A Fan Girl's Dream [a Julianator's story] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon