AFGD ♥ Chapter One

495 10 2
                                    

a-fan-girl's-dream-1 //

June 4, 2011. Tandang-tanda ko pa noon kung paano ako unang na-attract sa isang artista. Napakabihira para sa akin eh. Hindi ako 'yung maituturing na fangirl.

"Irene! Patayin mo na nga yang TV! Pambata pinapanood e," irita kong sabi sa kapatid kong si Irene na  five years old. Kay aga-aga, ang ingay ng TV! May nakaka-lss pang kanta. Hindi ako maka-focus sa ginagawa ko.

"Mama oh! Si Ate!" Aniya habang itinago niya yung remote.

Hindi niya na ako pinagbigyan at dahil parehas kaming hindi patatalo, nag-away kami. Patibayan ang nangyari kaya siyempre, lamang ang bunso.

"Ikaw Yerumi ha! Pabayaan mo na yan si bunso. Natural pambata panonoorin niyan. Bata yan, e!"

Umirap na lang ako sa kawalan habang kinakalma ang sarili ko. Maya-maya ay inutusan ako na bumili ng rekado at pag-uwi ko ay ganoon pa rin ang set-up sa sala. Nanonood ng litsing matabang candy na 'yan. Irita ko na lang na sinamahan si Irene manood ng pinapanood niya sa TV dahil nababagot rin ako sa bahay. 

"Tropang Potchi. Tropang Potchi. Sali ka na kapotchi!" Kanta pa ni Irene na lalong ikinangiwi ko. Why am I even irritated? Hindi ba ako ganito noong bata ako? Noong kasing edad niya ako? 

Sakto naman akong napalingon sa screen ng TV at dumapo ang mata ko sa isang lalaki doon. Maputi siya, maganda ang ilong at parang inaantok pa ang mata pero kung ngumiti ay parang nasa langit ka na. Bigla akong nakaramdam ng kabog sa dibdib ko. This feeling again. I am very aware of this.

Pero hindi pwede, 'di ba? Kasi artista 'tong taong ito, at kung sakali mang mahulog ako sa kanya ay dapat paghanga lang ang maramdaman ko. Paghanga lang, hindi paghangad. Kailangan kong itatak iyon sa isipan ko.

"Kuya Julian," sabi no'ng babae doon sa TV doon sa lalaking kanina ko pa pala pinagmamasdan. 

Julian? Really? Maganda rin pala ang pangalan niya. Lalong kumabog ang puso ko. Hindi ko alam na makakaramdam pa ako nang ganito ulit. Nakakapanibago kahit na sobrang tagal na noong nagmahal ako. Yerumi, paghanga lang. Paghanga, hindi paghangad.

Natapos ang palabas na nagpagulo sa utak at damdamin ko. Parang gusto kong magtagal pang lalo ang palabas upang masilayan ko siya kahit sa telebisyon lang. Napailing ako habang nakaukit ang ngiti sa aking mukha.

This guy surely has an effect on me. A greater impact and I couldn't handle it. 

jul19-15

A Fan Girl's Dream [a Julianator's story] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon