CHAPTER 1
"Dave!!"
"Dave!!"
"Dave!!" Yan ang paulit-ulit kong tawag kay Dave.
Bakit ba kasi ang gwapo mo, Dave?! Yan tuloy nababaliw na ako sayo! Ewan ko ba, Nakakainis ka, Pero nakakainloveee!
Nandito ako ngayon sa isang restobar at nakikipagtuusan sa fans ng OOS. May nakita kasi akong tarpaulin sa taas ng restobar na 'to at nakita kong kakanta sila dito ng 5PM. Sakto nga at pauwi na ako nun kaya dumaan na ako dito, Die-hard fan at solid as in solid crush ko si Dave! Kahit hindi siya ang vocalist, Love na love ko siya! Alam ko namang kumakanta siya paminsan-minsan pero di ko pa siya narinig kumanta live kasi puro sa social media ko lang siya nakikita at naririnig kumanta. Sa Guitars lang kasi siya pero kahit na! Siya ang pinakagwapo, cute, attractive na member para sa akin sa group nilang OOS or Out of Shape.
Lima sila sa grupo nila. Si Dave (my loves) Santiago, Ethan (yung bwisit) Santos, Nathaniel (Nate) Domingo, Kurt Angelo Langfield and last but not the least, Ang nagmamay-ari ng school, Marco Klein. Kaya nga Klein Academy ang pangalan ng school namin eh!
Tuloy pa rin sila sa pagkanta at ako naman ay tuloy pa rin sa pagtawag sa kanya. Masaya na ako kahit isang hawak lang sakanya, Gusto ko lang namang masabi sa kanya na 'DAVE MAHAL KITA!' Ganern!
Naramdaman ko ang patuloy-tuloy na pag-vibrate ng phone ko, Shiz! Mudrakels is calling!!
"DAVE! BYE! I LOVE YOU! TUMATAWAG NA SI MOMMY!"
Lumabas ako agad sa restobar at sinagot ang tawag ni mama.
"Hello? Ma? Pauwi na po ako huwag na po kayong mag-alala."
Tapos binaba ko na, Ahehe. Medyo hindi magalang pero (Actually hindi magalang) pero nga kasi alam ko na ang sasabihin niya at maghahanda muna ako hehe. Sa bahay nalang basta ang alam ko, Nasilayan ko nanaman ang tunay na kagwapuhan ni Dave! Huhu nakakaiyak bakit di niya ako napapansin, Ang ganda ko naman.... Haaaay... Bakit kasi sobra-sobra naman ata 'tong kagandahan ko Lord??
6:20PM, Ayan nakauwi na rin ako, Haaay buti naman. Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang ay nakita ko na si mama at naka-halukipkip (cross-arms) at nakasandal sa lamesa.
"Uh... Ma so-"
-"No. Sorry? Hindi ba hanggang 4PM lang kayo at hanggang 4:30PM pinapayagan pa kita? Ano bang nangyayari sayo A.D? Nagpapakahirap kaming magtrabaho ng papa mo para pag-aralin ka, Anong nangyari sa sinabi mong mag-aaral ka ng mabuti kapag pinag-aral ka namin sa Klein? Saan ka ba kasi nagpupupunta?!"
"Uh... Ma sorry po kasi dumaan pa ako sa restobar medyo malapit-lapit sa school namin, Pauwi na po ako nun pero may nakita akong tarp na may mini concert daw ang OOS kaya pumasok pa po ako at nakipagsapalaran sa mga fans.." Serious apology hoping to be accepted, I'm honest mommy!
-"Hindi na ako natutuwa sayo A.D hah, Isa pa yan eh! Yang OOS, Alam ko naman yang 'undying love' mo for Dave pero hindi naman yan makakabuti sayo kung puro pag-f-fangirl ang mas inaatupag mo, Diba studies muna dapat? Naiintindihan mo ba ako?!"
Dahan-dahan akong tumango, Nakokonsensya na nga ako.. Maya-maya pa si papa naman dumating, Oh Good Lord... Ikaw na po bahala sa akin.
~"Oh may problema ba, Ariessa?" Oh yes daddy may problema talaga si mommy sa akin.
-"Eh kasi naman 'tong anak mo eh, Late na umuwi ngayon dahil dyan sa OOS na yan.."
Humarap sa akin si daddy... Looking so angry and serious... Uh-oh please lupa kainin mo na ako!
~"What's happening A.D?" He said, Trying to make it look nicely but It's not not not! Alam kong maya-maya lalabas ang TRUE COLORS!
"I'm sorry po. Hindi na po mauulit."
Nag-walk out si mama. Okay, Aamin na po ako sa inyo, Madalas na po akong umuuwi ng late kaya todo sila kung magalit sa akin ngayon!
"Dad, last promise na po ito.."
~"Of course, Hindi mo na yan uulitin.. Or maybe uulitin mo pero di ka na namin pagagalitan kasi di na naman namin malalaman kung uulitin mo ba o ano eh."
Napakunot-noo ako. "What do you mean, Dad?"
~"Hindi na tayo titira sa isang bubong, anak."
"What?"
~"I'll give you a condo. Matuto ka nang mabuhay ng mag-isa, Malaya ka na."
"I don't.... Get it."
~"Bibigyan kita ng allowance, every month. Kaya kung talagang gusto mo nang umuwi ng late, Papayagan na kita. Hindi ka nga lang uuwi dito. Ibibigay ko sayo ang dating condo ng ate mo. Sa tabi ng condo ni LC. Is everything clear?"
Tumango na lang ako kahit wala naman talaga akong naintindihan sa mga sinabi ni daddy.
~"Good. Kumain ka na, Kumain na ako tapos magpahinga ka na. Hanggang friday ka na lang dito."
--
A/N: Short lang ang chapters nito guys hihi pero pag sinipag ako baka yung iba humaba ahehe. Anyway, Keep reading and enjoy!
BINABASA MO ANG
Bad Guys No More
Teen FictionTHIS STORY IS CURRENTLY BEING REVISED! First feature of the East Benedict High Series: The Bad Boy Way