- SPECIAL (17) CHAPTER -

3 0 0
                                    

A/N: Special chap lang to guys pero ginawa ko na siyang chap17 since may kwenta rin naman at dapat basahin KUNG gusto dahil ....

This is all about Ariesse and Laimer at kung anong nangyari sa kanila, Pano sila nagkakilala, Kaano-ano ba ni Ariesse si Laimer? , and more things like that HAHAHA! Have fun! But you can skip naman if you want to pero If I were you talaga I would read it hehe gulo ko anyway let's start


CHAPTER 17: Special Chapter

Nasa condo na ako, Opo. Bati na po kami ni Mr. Sungit

Nahiga na lang ako at inisip ko lahat mula sa simula.....

Since bata pa ako, Best friend ko na talaga yang si LC! As in parang di ko kayang mabuhay ng wala siya or di ko siya makita or di ko siya makalaro

Naaalala ko pa, Nilalaro namin bahay-bahayan tapos yung mga anak namin teddy bears. Nakakatuwang isipin nung mga araw na yun, Walang problema sa buhay. Buhay reyna kumbaga.

9 years old ako non simula nang naging super close kami kahit na 6 or 7 palang ako nakakasama ko na siya, Iba yung naging epekto sa akin nung siya na yung nakasama ko magmula nung 9 ako.

Napansin nga din nila mommy na kapag kasama ko siya, Mas lalo akong masaya.

Bakit nga ba kami nagkakilala ni LC?
Ang kwento sa akin ni mommy, Nung manganganak na daw siya, Nakasabay niya daw yung mommy ni LC kase kaming dalawa yung 11:56PM nailabas. As in 24th of July, 11:56PM ang cool noh!

Yan ang istorya, Kaya malamang, magkabirthday kami!

Tinignan ko yung kalendaryo: July 11

Dahil dun, Naging magkaibigan ang parents ko sa parents nila LC. Kaya nag partnership din ang company nila sa amin.

Sobrang yaman ng lalakeng yon! Kaya spoiled! Pero di sobra naman HAHAHA! Sorry LC :)

Pareho kami ng school ni LC nung elementary, Nakaprivate kami! Diba susyal si atche! Tapos nung nag Grade 5 kami, Nagbago lahat.

Sa bawat araw na nagstart ang araw ng pagiging Grade 5 Student ko, Malungkot.

Parang di na kami magkakilala, Nahihiya naman akong kausapin siya kasi lagi niyang kasama yung mga lalaki niyang kaibigan. Baka sabihin inaangkin ko siya or baka sabihin gusto ko siya. Mayroon naman kasi akong kaibigan kaso hindi ganun karami. Hindi sobrang close.

Mahirap ang pumasok ng wala kang kasama, Kumain ng mag-isa sa isang lamesa, Umuwi ng walang kasabay.

But everything seems to be fine kay mommy and daddy. Bakit yung parents niya nagpupunta pa rin sa bahay pero wala siya? Bakit in partnership pa rin ang company nila sa amin? Bakit sila okay? Bakit kami hindi?

Lumipas ang siyam na buwan ng ganon.

March 29, recognition day

Pagkatapos ng recognition day nasa bahay na ako. Malungkot. Kahit may tatlo akong medals, Kasi akala ko sasabihin niya "Uy Ariesse! Congrats!" kaso hindi. Mahirap umasa. Masakit nga.

-tok tok tok-

Binuksan ko.

Si LC, Nagulat ako. After 9 months nandito siya?

Niyakap niya ako.

Tapos bigla na lang akong umiyak.

Hindi ko na na-control. Parang bigla na lang naging automatic.

"L---"

-"I'm sorry, Ariesse."

Patuloy ang pagtulo ng mga luha ko.

-"Goodbye." tapos umalis na siya sa yakap niya sa akin.

Tila lahat hindi ko na naintindihan.

Nagmukmok ako sa kwarto ko buong araw hanggang sa may kumatok ulit sa pintuan ko, Hindi ko alam kung ano o sino pero malaki ang pag-aasa kong 'sino'.

At nabigo nanaman ako.

Isang papel na kulay berde, yung paborito ko.

Kinuha ko at isinara ang pinto, Umupo ako sa gilid ng kama ko atsaka ko binasa.


Maria A.D Bautista,

Yung kaibigan kong kasing-ganda ng bulaklak. Hello :)

Sana mapatawad mo ako. Hindi ko naman gustong mangyari ito, Promise. Kung pwede lang na lagi kitang kasama, kayakap, totoo... Gagawin ko. Kaso hindi pwede eh.

Remember nung grade four tayo tapos sinabi ko bago mag-end ang school year. "Mamimiss kita, Everything's going to change."? Binibigyan kita ng clue A.D, Na pag nagkita na ulit tayo iba na lahat.

I was forced by lola to study in US. Ang sabi ko nga ayaw ko eh kasi maiiwanan kita. Sabi ko nga isama ka pa eh kaso ayaw talaga niya. Syempre, naiinis ako na may halong lungkot at takot. Sa dami ba naman ng pinagsamahan natin? Bigla na lang pala akong aalis?

Inisip ko, What better way para layuan natin ang isa't isa dahil araw-araw lagi tayo lang ang magkasama diba? Paano ko sasabihin na aalis ako? Sobrang hirap A.D, sobra.

Sabi ko pa nga sa lola ko, Tatapusin ko na lang ang 6th grade dito pero ayaw niya.

So ginawa ko, Hindi kita pinansin. Inisip ko, Magagalit ka at hindi mo ako papansinin kahit masakit rin sa akin, Ginawa ko. Pero ngayon nagsisisi na ako A.D, Dapat pala habang may oras sinulit ko, Dapat pala araw-araw kasama kita, Dapat pala bawat segundo na lumipas katabi kita, Sayang. Sorry hah. Duwag ako eh.

Nagpunta ako dyan kasi ewan ko, Ang tanga-tanga ko noh? Nakakainis. Nakakahiya. Pero okay lang, Atleast ngayon bago ako umalis nayakap kita. Sana sa sulat na 'to maramdaman at malaman mo na hindi kita ipagpapalit, Ikaw lang po. :)

A.D, Crush kita eh. At handa kong isacrifice ang lahat para sayo.

Sorry. Bye, soon-to-be-MRS. SANTOS

Mario L.C Santos,

---

Hindi naman talaga Maria A.D Santos este Bautista ang pangalan ko. At hindi rin Mario L.C Santos ang pangalan niya.

CS kasi namin yon, Tawag niya sa akin Maria or Ria tapos ako naman, ang tawag ko sa kanya Mario or Rio. Ang cool kasi eh.

Mula sa kinalalagyan ko ngayon, Narealize ko...
ANG DRAMA PALA NAMIN LIKE TOTALLY.. Ang awkward balikan.

Ano nga ba nangyari pagkatapos non?

Wala na. Tapos na. Yung friendship naming hindi dapat mabibiyak. Wala na rin yung pangako niyang hindi niya ako ipagpapalit sa ibang 'best friends' na makikita niya. Nakakairita nung una pero unti-unti ko rin natanggap.

---

Bad Guys No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon