-6-

8 0 0
                                    

CHAPTER 6

Kinabahan ako dun kay Ethan, Bakit? Sasabihin niya ba kay Dave? Sana hindi!! Ihh bwisit siya, Sana sinabi niya na lang dati para sana hindi na talaga ako papayag sa offer niya!

Eto na my goodness! Papasok na kami sa OOS, Sana wala si Dave. Sana wala si Dave.

Pumasok na kami. THANK YOU LORD WALA PA SILA!!

Shet! Ang ganda ditoooo!!! May sofa, may TV! Yung instruments nasa right side, may banyo, may kitchen, may ref, may dining room, may everything!! Kama na lang ang wala, bahay na!

Umupo muna kami sa sofa tapos siya may kinuha sa cupboard, Tinignan ko. Tss, Candies?!

Kinuha niya yung isang pack ng Yakee. Yung maasim na bubble gum! Ayaw ko kaya yon! Tignan mo siya, Parang ang tamis-tamis ng kinakain, Walang bakas ng naaasiman sa mukha niya!

Umupo siya sa tabi ko, Ewww.

Nanood kami ng TV.

"Ethan?!" Sabi ng isang lalake, Shet! Si Nate at si Kurt. Si Nate ang nagsalita.

-"Girlfriend mo?!" Sabi naman ni Kurt.

Patay. NO NO NO!! Kadiri, Di ko nga crush 'tong si Ethan eh! Si Dave kaya ang gusto ko!

Starting to panic.....

""AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Panicking

Nagtakip sila ng tenga tapos si Ethan naman biglang tinakpan ang bibig ko ng kamay niya, Ew yan tuloy nadilaan ko kamay niya kadiri! Lasang alcohooool! Pwe!

-"Shut up, A.D" Sabi sa akin ni Ethan.

Maya-maya nakalma rin ako, Hiningal ako.

"Kailan pa?!" Sabi ni Nate tsaka ni Kurt ng sabay.

-"HINDI KO SIYA BOYF....."

Hindi na natuloy ang sasabihin nang pumasok ang dalawa, Sino pa ba? Edi si Marco na may-ari ng school at ang love na love kong si Dave.

"Ethan? Sino yan? Girlfriend mo?" Sabi ni Marco. Sheeeet lupa kainin mo na ako! Bakit ba iniisip niyong girlfriend ako ni Ethan?! Di ko naman 'to papatulan eh!

-"Hey, I know you." -Dave.

Tumingin ako sa likod ko, Of course. Sa akin siya nakatingin ako nga naman talaga ng kinakausap niya. Uggghhhh parang gusto ko nang umuwi at mag-lock sa condo ko!!

"A-e-um-a-a-e-a-he-" utal-utal kong sabi, Tapos lumabas na lang ako. Pfff...... WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHH GRABEEEEEE SI DAVE NAKITA KO AS IN CLOSE NA CLOSEEEEEEEEE!!!!!!!

Pagkalabas ko, Nagtatalon ako.. Hanggang sa mapagod ako.

"A.D"

May tumawag sa akin, Lumingon naman ako.

Ngumiti lang ako sa kanya, Si Kurt.

"Kailan naging kayo?"

And that question, Reminded me of 2012.

Parang gugunaw na ang mundo ko nang marining ko iyon.

-"Hindi nga naging kami."

Ayun, Yung mukha niya biglang nagtaka at maya-maya para namang 'AH-Okay-Naintindihan-Ko-Na'

"It's okay, A.D .. Sabi ni Ethan, Okay na daw umamin kasi diba dapat daw itatago niyo yung relasyon niyo pero nahuli namin kayo so...."

Hindi ko alam kung ano yung itsura ko at ayaw ko nang makita dahil parang alam ko na. Ganito: 😧 na medyo pinalala pa dyan! Shucks sobrang nagtataka talaga yung mukha ko ngayon for sure! Haaay nako wala na akong pake kung makita pa akong ganito ni Dave.

"Okay ka lang, A.D?" Sabi pa niya.

Uhh, Seryoso. Anong meron, Ethan?

//

Author's note:
Guyss! Pakitingin nalang po ang table of contents dahil mapapansin niyo po na after ng 6 ay 8 na agad. Yung chap7 po after ng chap11. Hehe sorry, May napindot kasi ako, naunang nagpublish ang 8 to 11 kaysa sa 7
Yun lang keep reading and enjoy, mwaa 😘

Bad Guys No MoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon