Chapter Three

1.9K 50 22
                                    

Happy 100+ reads. Thank you po.
A/N: Pinagiisipan ko pa po kung papahabain ko po ito kahit hanggang chapter 15. This was supposed to be a short story, haha! Masyado atang mahaba ang nagagawa ko every chap. Pero if ever kayanin, then I'm sticking to the ten chaps. Pinagiisipan ko palang naman po. Parang hindi ko po kasi majujustify to kung sampu lang.

Chapter Three

Sudden Changes

Buong oras na kasama ko si Yassi, lumilipad ang isip ko sa kung saan. Maya't maya rin ang tingin ko sa telepono ko, tila may inaantay na kung ano. Ewan ko kung bakit ganoon ang nararamdaman ko. Inaantay ko nga ba talaga ang tawag nya?

Mahina akong napabuntong hininga noong nasa loob na ako nang sasakyan ni James. Papauwi na ako ngunit nanatili ako saglit dito sa loob ng kotse. Sinandal ko ang ulo ko sa manibela, lumikha iyon ng panandaliang ingay. Ilang beses akong bumuntong hininga bago napatuwid ng upo nang tumunog ang telepono ko.

Mabilis kong kinuha iyon mula sa bag ko at walang tingin-tingin na sinagot ang tawag. Dumoble ang bilis ng tibok ng puso ko. Walang nagsasalita sa kabilang linya. Dahan-dahan kong nilayo sa tenga ko ang cellphone ko bago ako pumikit ng mariin. Dahan-dahan kong minulat ang mata ko para tignan ang pangalan ng tumawag.

Nahugot ata ang hininga ko nang makita ko ang pangalan nya. Agad kong binalik sa tenga ko ang telepono bago ako ngumiti at binaggit ang pangalan nya.

"James." Masaya kong sabi. "Napatawag ka." Pinilit kong ikalma ang tono nang boses ko, ayokong mahalata nyang tuwang-tuwa ako't nagpapasalamat na sa wakas ay tumawag sya. "Pauwi na ako." Dagdag ko bago inistart ang makina nang sasakyan.

"I'm not at home. Lumabas ako." Napatigil ako sa ginagawa ko noong sabihin nya iyon. "I can see you here though. I was with you all the time." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Mabilis akong lumabas ng sasakyan at hinanap sya. Nakita ko syang nakatayo sa may elevator.

Dahan-dahan kong binaba ang teleponon ko mula sa tenga ko bago ako tumakbo papunta sa kanya. Mabagal kong hinaplos ang pisngi nya bago ngumiti sa kanya. Sya ba talaga yan? Kanina ko pa sya gustong makita, ngayong nandito na sya... Hindi ko alam kung anong iaakto ko.

"You're hungry. Let's eat here. Ayoko munang umuwi, our house is so lonely." Natahimik ako sa sinabi nya. Hinawakan nya ang kamay ko nang mahigpit bago ako niyakap. Niyakap ko sya pabalik, humiwalay sya at pilit na ngumiti sa akin. Hinila nya na ako papasok sa elevator para makapunta kaming muli sa loob ng mall.

Kumain lamang kami at nilisan narin ang lugar. Sya na ang nagdrive pauwi, ako naman tahimik lamang nakaupo sa tabi nya at nakatitig sa labas. Ilang beses akong mahinang bumuntong hininga bago ko nilipat ang tingin ko sa kanya.

"Mage-enroll na ako bukas. Sasama ka ba?" Tumango lamang sya bilang sagot. Senior highschool na kami. Parehas kaming late pumasok ng school kaya kahit Grade 12 na kami, above 18 na ang age namin. Yassi and Andre are both younger than us, just one year younger.

Kung pumasok ako nang tamang edad. I'm 100% sure, I won't be married. Hindi ko din siguro makikilala si Yassi. Wala akong asawang katulad ni James at paniguradong naghahanda na ako ngayon para sa college. Ngayong iniisip ko iyon, hindi ko masabing maganda ang nangyari ngayon. I can't even say that everything's just fine the way it is.

Maraming bagay sa mundo ang bumabagabag sa akin. Kung naging maayos ang takbo nang lahat. I wonder kung ikakasal parin ako kay James. Is it really fate that brought us together? O sa paraan nyang tuparin ang pangako nya.

What if there's no promise? Would he choose to be married to me? Wala siguro akong trip to Boracay. Wala siguro akong singsing sa palasingsingan ko. Wala siguro akong kasama ngayon. It's thanks to him, everything is changing slowly.

My Tutor Husband. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon