Chapter Ten

1.8K 47 2
                                    

Epilogue next. *cries* I'm ending this today. See you at TBG, readers.
Mababasa po sa Epilogue ang last Author's Note ko. Thank you so much for the support and everything.


Chapter Ten

Live. Grow. Remember.

Hinaplos ko ang labi ko at napaluha nang maalala ko ang halik na ibinigay ni James. His face was full of sadness. His eyes are full of emotions, I can't even explain.

Ilang minuto ang lumipas ay kumalma ako. Inakyat ko ang dating kwarto ko. Napatitig ako sa study table ko dahil merong mga papel doon. Binasa ko at nakita kong mga reviewer iyon.

Lumabas ako anng kwarto ko at agad na pumasok sa kwarto ni James. Nakita ko itong natutulog sa kama nya. Agad akong tumabi sa kanya at hinawakan ko ang isang kamay nya gamit ang dalawa kong kamay.

Tumitig ako sa mukha nya.

"Ayaw mo na ba akong bumalik? A-ayaw mo na ba akong makasama? A-ayaw mo na ba akong mahalin? A-ayaw mo na ba akong maging asawa?" Nabato ako nang magmulat sya nang mata.

"I want to." Napahinga ako nang maluwag ng sabihin nya iyon.

"I want you to stay. Dito lang sa akin. G-gustong-gusto kong ikulong ka sa akin." Tumitig ako sa mata nya. Nangingislap nanaman iyon. "Pero wala naman tayong pinanghahawakan diba?" Napapikit ako sa sinabi nito.

Tama ito, wala kaming pinanghahawakan dahil hindi nya pinasa iyong kailangang ipasa. Dapat ko syang sisihin pero hindi ko magawa. Pakiramdam ko kasi may kasalanan rin ako.

"I love you." Mahinang sabi nito. Napadilat ako at napatitig sa mata nya. "Kahit ata hindi tayo kasal sa papel, I'm still married to you. H-hindi mo man hawak ang apelyido ko, I'm still married to you. May basbas ng pari ang kasal natin. So technically, we're married."

Napatanga ako sa kanya. Napabuntong hininga ako bago napaluwag ang hawak ko sa kamay nya. Ginamit nya ang tyansang iyon para maipagsalikop ang kamay namin. Tumitig sya sa mata ko bago hinimas ang buhok ko. Nilagay nya ang takas na buhok sa likod ng tenga ko.

"Edi ipasa mo nalang iyon." Agad nanlaki ang mata ko nang maibulaslas kong ang nasa isip ko. He smiled weakly at me again, he shooked his head. "Bakit?" Seryoso kong tanong. Nangilid ang luha ko.

Ayaw nya talagang matali sa akin. Ayaw nyang makuha ko ang apelyido nya. Ayaw nyang maging isa ako sa pamilya nya. A-ayaw nya talaga.

"Hindi ko gagawin iyon dahil ayokong akinin ka nang ganun-ganun lang. We should give time to ourselves. Magco-college palang tayo. Hindi ideal ang makasal agad. We should really give time to this relationship. Mahal natin ang isa't isa, pero hindi sapat iyon para manatili tayo dito."

"So what do you want? Break up?" Tanong ko. Tumitig muna ito at bumuntong hininga.

"If you think it's a break up... Then yes, we're breaking up. But it doesn't mean I don't love you anymore. What I'm after is for us to continue are lives, being single. Gustong kong matupad mo ang pangarap mo na dala ang apelyido mo. Not mine. Hindi ibig sabihin nito ay gusto kong maging single talaga." Pumikit sya nang mariin bago hinila ang kamay ko papunta sa labi nya. Binigyan nya iyon ng halik bago dumilat at tumingin sa akin.

My Tutor Husband. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon