Epilogue

2.4K 63 15
                                    

THANK YOU SO MUCH, READERS. Dahil sa inyo, natapos ko ito. Thank you so much. Wala na akong masabi eh. Hehe. *peace* Kitakits po sa The Badboy's Green, new story ko po iyon.
Happy 1k reads! Wala pong BOOK TWO. Wala po.

Epilogue

I was your tutor husband.


"Ms. Nadine Lustre, it's an honor to have you as our wedding planner." Napangiti ako sa nagsabi noon. Umiling ako sa kanila.

"Nako hindi naman po. Naflatter naman po ako." Nahihiya kong saad. Inilahad ko ang mga proposals ko sa kanila. Iba't ibang klaseng designs na ako mismo ang umisip.

I'm a wedding planner/coordinator/organizer - whatever you call it. I usually plan weddings, lalo na ang place, iyong flowers na gagamitin, iyong gown, venue, and even the church.

"I want my wedding theme in orange and peach color. Gusto kong ganoon ang blending. Iyong lightest color ng orange para maganda tignan kasama ang peach." Tumango ako rito.

"Your flower can be orange. Orange Roses, what do you think?" Tumango ito sa suggestion ko. "Anong gusto mong kulay ng dress ng abay... It can be cantaloupe, what do you think?" Ngumiti ito sa akin.

"That's a nice color." Tumango ako. Inayos ko na sa isip ko at isinulat ko narin iyon para makaisip na ako mamaya nang maayos.

Marami pa akong kliyente sa susunod na mga araw. Nahihirapan akong umalala masyado dahil sa rami nila. Masyado laamng marami dahil papasok na ang buwan ng Mayo. Marami talagang gustong magpakasal sa buwan na ito.

Which made me think of my own wedding. Napatitig ako sa palasingsingan ko. Hindi ko parin iyon hinuhubad kahit anim na taon na ang lumipas. Ang anim na taong pakikipagsapalaran sa sariling damdamin. Ang anim na taong pahirap sa buhay ko.

Six years have passed, pero hindi parin kami nagkikita.

Alam nyo ba iyong feeling na nakakadown na nang sobra tuwing naiisip ko si James. Madalas akong maingit sa mga kliyente kong ikakasal na. Ang swerte nila, ako kaya kelan? Nasaan ba kasi si James.

"Ms. Nadine?" Agad akong nabalik sa realidad ng marinig ko iyon. Agad akong napatitig sa singsing kong hawak ko pala. Sinuot ko agad iyon at tumingin sa assistant ko.

"Yes, Andrea?" Tanong ko rito. Ngumiti sya sa akin at nilapag ang isang portfolio. "Is this Jane's wedding?" Tumango ito. "Anong problema rito?" Tanong ko. Umiling ito.

"Ibinigay ko po iyan dahil next week na po ang wedding. Ms. Jane is asking for her gown already po, hindi ko pa po nakukuha ang gown since sabay-sabay nyo pong gusto ipakuha kasama ang gown ni Ms. Moris and Ms. Tania." Hinilot ko ang sentido ko.

Bakit ko ba pinagsabay-sabay ito? Magkakahiwalay ang date nito ah.

"Andrea, pick up Jane's gown now, even the suit and iyong gown ng mga abay. Kuhanin mo narin ang gown ni Ms. Erina, next week rin iyon pero iwan mo muna ang sa abay, just the gown and the suit for Ms. Erina. Okay?" Tanong ko rito. Tumango ito at agad na nagpaalam.

Nakasandal ako sa swivel chair ko at hinihilot ang sentido ko dahil nahihilo ako. Napaayos ako nang upo nang tumunog ang telepono ko. Mabilis ko iyong sinagot. "Weddings To Org, this is Nadine speaking, how may I help you?"

"Nadz!" Agad akong pumikit ng mariin bago pilit kinalma ang sarili ko. "Nadz?"

"Yes, Yassi? How's your event?" Tanong ko rito. Batid ko ang kasiyahan sa boses nito. Sinabi nya ang lahat ng tungkol sa nangyari sa inorganize nitong event. Maraming artista ang dumalo kaya batid ko ang kasiyahan nya.

My Tutor Husband. [JaDine]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon