Chapter 4

218 4 0
                                    

Present...

"NICCOLO CHUA!!!!" Si Candise iyon. Habol habol nito ang batang lalaki habang ang huli ay nagtago sa likod niya.

"Ano ba kayo, hindi niyo ba nakikitang nagluluto ako?" Awat niya sa dalawa habang patuloy pa rin sa paghagikhik ang bata.

"Ate, iyang anak mo kasi ang likot likot." She looked at her son. Umiling ito na para bang wala itong kasalanan.

"Wala ka bang pupuntahan ngayon?" Pag-iiba niya ng usapan. Inabutan niya ng tinapay ang anak at sinabihang maglaro na muna sa labas.

"Meron." Tipid na sagot nito. Nanatiling nakatingin lamang ito sa kanya.

"What is it Candise?"

"Naiisip ko lang. Marahil sa papa ni Niccolo namana ang kakulitan niya." nanatili siyang hindi nagsasalita. 

"Ate, wala ka bang balak hanapin ang tatay niya?"

Pinatay niya muna nag kalana bago hinarap ito. "Sinabi ko na sa inyo nina mama ang lahat. Hindi ko kilala kung sino... kung sino ang tatay ni Niccolo."

"Bakit hindi ka bumalik sa hotel, baka sakaling kilala nila kung sino iyon."

"Para san pa? Para sabihing narape ako sa hotel nila?" Bahagyang tumaas ang tono ng boses niya. It was been 5 years.

"Sorry."

"It's ok. Akala ko ba may pupuntahan ka pa. Tatapusin ko lang ang ginagawa ko dito at magpapaalam na rin kami kina mama."

"hmmm... sige. Magpapaalam muna ako sa makulit kong pamangkin." She smiled. Niccolo is her lucky charm. Pagkatapos ng mga hindi magandang pangyayaring napagdaanan niya, si Niccolo na marahil ang pinakamagandang nangyari sa kanya.

"Mama..." Tawag sa kanya ng anak.

"Ohhh! Ba't ang dusing dusing mo. Puno nang chocolate ang mukha mo." Inakyat niya ito sa lababo para hilamusan ang mukha nito.

"Si Tita Candise po kasi. Nilagyan ako ng chocolate." She laughed. 

"Gwapo ka pa rin naman kahit may chocolate ang face mo ah."

"But it's sticky." Hindi niya mapigilan ang mapatawa.

"Paenglish english ka pa diyan. Maligo ka na nga lang at aalis na tayo mamaya maya."

"Uwi na po agad tayo? kailan tayo balik?"

"hmmm... kung magiging good boy ka, baka sa susunod na sabado pupunta ulit tayo dito."

"Edi sa sabado balik natin kasi good boy naman ako eh."

"Oo na po. Kaya maligo ka na dahil ang baho-baho mo na. Kadiri!"

"Mama!!!" She laughed.  Si Niccolo ang kumokompleto sa buhay niya ngayon.

Naisip niya ang sinabi ni Candise kanina. Alam niyang kailangan ni Niccolo ng taong matatawag nitong tatay. Pero paano niya malalaman kung sino ang tatay nito? Sa daming tao dito sa mundo, posible bang magkita sila ng lalaking iyon?

Forbidden NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon