Chapter 9

148 5 0
                                    

Panay ang tingin niya sa mga signage na nasa paligid. Ngayon niya kasi binalak maghanap ng trabaho. Katulad pa rin ng dati ay kay Sassy niya iniwan ang anak. Nangako naman siya dito na uuwi rin agad siya bago dumilim.

Medyo tirik na ang araw pero hindi pa rin niya mahanap ang address na ibinigay sa kanya ng employer.

Pinagmasdan niyang maige ang address na isiunlat niya sa isang papel. Masyado siguro siyang nakatutok sa nakasulat doon kaya hindi niya napansin ang padaan na lalaki at agad na hinablot ang bag niya.

"Hoy!!" Sigaw niya. "Magnanakaw! Magnanakaw!" Pero para bang walang narinig ang mga ito. Wala tuloy siyang magawa kundi habulin ito. Hinubad niya ang detakong niyang sapatos para mahabol niya ito.

"Sh*t!!Sh*t!" Reklamo niya. Napakainit ba naman kasi ng simento. Tila napapaso siya. "Walanghiya ka akin na bag ko!" Sigaw muli niya. Hindi niya hinayaang mawala ito sa paningin niya.

Nakatawid ito sa kalye dahil kasalukuyang nakatigil pa ang mga sasakyan. Pero tila ba minamalas talaga siya dahil sa pagkakataong tatawid na siya ay tyempo namang umandar na ang mga sasakyan.

Pero hindi pa rin siya nagpadaig. Nakipagpatintero siya sa mga sasakyan para lamang mahabol ang magnanakaw na iyon. Dahil sa kakamadali niya ay kamuntikan pa siyang mabangga ng isang sasakyan.

"Pasensya na!" Hinging paumanhin niya sa driver at agad ding tumakbo para ituloy ang paghabol sa lalaki. Medyo nakakalayo na ito. Narinig pa niyang tinawag siya ng lalaking muntik na siyang mabangga pero hindi niya pinansin ito.

Napahinto siya sa pagtakbo ng hindi niya na makita pa ang lalaking hinahabol niya. Dahil sa dami ng tao ay hindi niya na napansin kung san ito nagtungo. Napakarami pa namang eskinita na naroon. Malay ba niya kung saan ito nagsuot.

Pakiramdam niya ay gusto niyang maiyak. Hindi naman 'friday the thirteenth' ngayong araw na ito pero minamalas talaga siya.

"Mashi!!" Sumandal siya sa isang pader. Hindi niya pinansin kung sino man ang tumatawag sa kanya. Wala naman kasi siyang inaasahang makita sa mga oras na iyon.

"Mashi!" Ulit nito. Hindi pa rin siya natitinag kahit nasa harap niya na ang lalaking tumatwag sa kanya. Napilitan siyang tingalaain ito.

"matt..." Mahinang sabi niya.

"Ano bang nangyari sa'yo? Muntik pa kitang mabangga kanina. What's wrong with you? Look at you." Napatigil ito sa pagsasalita ng mamasdan ang paa niya. Napakarumi pa niyon at kahit hindi niya tignan ay alam niyang sugat sugat pa iyon.

Hindi niya na mapigilan ang mapaiyak. Agad naman siyang niyakap nito. She's tired. Wala siyang pakielam kung hindi niya pa gaanong kilala ito. Ang kailangan niya ay masasandalan.

"Shhhh... Calm down sweetheart." Kumuha ito ng panyo at pinunasan ang mga luha niya.

"W-whay are you here?" Tanong niya dito.

"Hindi mo ba ako narinig. Muntik na kitang mabangga alam mo ba iyon." May bahid ng galit ang boses nito which reminds her of someone.

Tumalikod ito sa kanya at tila lumuhod.

"Anong ginagawa mo?"

"Sumampa ka sa likod ko. I'll carry you to my car."

"H-huwag na. Kaya ko namang maglakad."

"Sasampa ka ba o kakargahin kita ng sapilitan."

"Why are you so dominating?" Bahgya na rin siyang naiirita.

"Sumunod ka na lang Mashi. Please." Napilitan siyang sundin ito.

"Give me your shoes." Agad naman niyang binigay ito.

Forbidden NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon