Hindi umalis si Matt sa tabi niya habang nilalapatan ng lunas ang paa niya.
"Antayin mo muna ako dito. Bibili lang ako ng tsinelas na masusuot mo. Hindi naman pwedeng suutin mo pa itong sapatos mo."
"Singilin mo na lang ako pagkatapos." Biro niya. Ginulo nito ang buhok niya na para siyang bata.
"Babalik din agad ako." He smiled. "Baka mamiss mo agad ako."
"Ha? Ambisyoso ka masyado Matt. Umalis ka na kung aalis ka." Hindi niya maiwasang mapangiti. After five years, ngayon lang ulit siya nakadama ng ganoon.
He just smiled before he left. Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay napakatagal nito bago bumalik samantalang kahit limang minuto pa lang ang nakakalipas ay pakiramdam niya isang oras na.
Mga kinse minutos siguro ang nakakalipas bago ito nakabalik.
"Namiss mo ko?" Bungad nito sa kanya.
"Hindi no!" Napatingin siya sa mga dala nito. "Akala ko ba tsinelas lang ang bibilhin mo. Ba't ang dami nan?"
"You lost your bag o mas tamang sabihin nanakaw sa'yo. Sabihin na rin nating gusto kitang lubugin sa utang." Hindi niya mapigilan ang matawa. Iilang beses pa lang sila nagkikita ay napakagaan na ng pakiramdam niya dito.
"Ang sama mo ano." Biro niya. Sumeryoso ang mukha niya ng ilabas nito ang mga gamit na dala nito. Tsinelas, damit, bag at cellphone. Ang matindi pa doon ay hindi lang basta basta nabili ang mga ito sa bangketa dahil branded pa ang mga ito.
"Matt, wala akong ipambabayad sa mga yan." reklamo niya.
"Forget what I said a while ago. Hindi mo naman kailangan bayaran ang mga ito."
"Thanks but... hindi ba parang sobra naman masyado ang mga iyan. Yung tsinelas ok na sa akin. Pero iyang mga damit, bag at cellphone?"
"You need to change your clothes, ang dusing dusing mo na kasi."
"thanks ha!" She said in a sarcastic tone. He smiled.
"At yung bag para dun mo mailagay ang damit at sapatos mo."
"Pwede namng humingi na lang ng plastic diyan sa labas diba?"
"Edi nagmukha kang pulubi?"
"nang-aasar ka ba talaga?"
"Look Mashi, I'm doing this to help you. Wala naman akong hinihinging kapalit."
"Ok pero para saan ang cellphone na yan?"
"I assume na pati iyon nanakaw sa'yo. Kaya binilhan na kita ng bago don't worry it's not the latest model.." Hindi niya pinatapos ang sasabihin nito.
"Pero mahal pa rin."
"Mashi, pati ba naman ito pagtatalunan natin."
"Matt, hindi pa naman natin gaanong kakilala ang isa't isa. Hindi naman siguro tamang ganyan ang pakikitungo mo sa isang estranghero."
"But you are not a stranger to me Mashi. Ikaw na mismo ang nakapagsabi na nagkita na tayo. Ilang beses na ba tayong nagkikita. Everytime na parang may gulo o aksidenteng nangyayari sa'yo. Hindi naman siguro tamang estranghero pa rin ang turingan natin sa isa't isa diba?"
"ok. Pero.."
"No more buts mashi." Hinawakan nito ang kamay niya at kinatitigan siyang mabuti. "Maniwala ka, gusto ko lang talagang tulungan ka."
"Ok. Pero babayaran kita kapag medyo maluwag luwag na ako." He smiled.
"Sure, take you time." Kinuha nito ang cellphone na bbinili nito at iniabot sa kanya. "May sim card na rin iyan. At...n-nakasave ang number ko diyan."
Tinignan niya ang laman ng contacts niya. 'superman' ang nakalagay doon. "Superman?" Natatawang tanong niya dito.
"Why? Eh parang sa tuwing nagkikita tayo, lagi na lang kitang nililigtas. Parang si superman lang." Paliwanag nito.
"Ag korni mo rin ano."
"Sige mang-asar ka pa. Akin na nga yan papalitan ko."
"Mukha mo. Touch move na. Superman." She put emphasis to the last word.
"ha! Gumaganti ka ha. Nga pala, ano bang gagawin mo sa lugar na iyon at pakalat kalat ka. Dun ka ba nakatira?" Tanong nito.
Umiling siya. "Mag-aapply sana ako." Amin niya dito.
"B-bakit? A-asan ba asawa mo?" Nabigla siya sa tanong nito. Hindi niya alam kung paano niya sasabihing wala siyang asawa o tama bang sabihin niya dito ang tungkol doon.
"Ah... wala."
"Anong ibig mong sabihing wala? Is he dead? o ano?" nakagat niya ang sariling labi. Naguguluhan kasi siya. Hindi niya tuloy napansin ang reaksyon ni Mateo dahil sa ginawa niya. Nakamasid ito sa labi niya habang kinakagat niya ito.
"Wala akong asawa." Sa huli'y nasabi niya.
Napansin niyang tila nakatulala ito. She waved her hand. "Hello. Nakikinig ka pa ba?" Tumikhim ito at umayos ng upo. Nagtataka siya kung bakit bigla itong tumalikod sa kanya.
"A-ano nga ulit ang sabi mo?"
"Secret." Sagot niya.
"What!!" Napilitan tuloy itong lingunin siya.
"Sabi ko ano...wala akong asawa." Napakunot ang noo nito.
"Paanong wala. Hindi ka niya pinakasalan." Napapikit siya parang mas lalong lumalala ang tanong nito. Mas mahirap pa kaysa sa Calculus.
"Bakit ba gustong malaman ang tungkol sa kung may asawa ako. Wala akong asawa pero may anak ako. Niccolo is my biological son kung itatanong mo ulit."
"Hindi ko naman pinagdududahang mag-ina kayo. Magkahawig kayo ng mga mata." Sa huli ay ngumiti ito. "By the way sabi mo, naghahanap ka ng work di ba?"
Tumango siya.
"Then work for me."
"A-ano Matt, hindi ba parang sobra sobra na to. You already helped me tapos inaalok mo pa ako ng trabaho. Isn't it absurd?"
"Tutulong na rin naman ako bakit hindi ko pa lubos lubusin. Tyaka paano mo ako mababayaran kung wala kang trabaho hindi ba?"
"O-ok. So anong posisyon naman iyon."
"Nagfile kasi ng maternity leave ang secretary ko, kaya for a while ikaw muna ang secretary ko. Pasensya na if temporary position lang maiaalok ko, hindi ko kasi alam kung may bakante sa kompanya."
"No, ok lang iyon no. Kaysa naman wala" Sagot niya.
"Ok. Magbihis ka na muna tapos pumunta na tayo sa presinto para maireport na natin iyong nangyari sa'yo kanina."
"Huwag na kaya Mateo. Masyado na kitang naaabala at baka inaantay na ako ni Niccolo." Sagot niya.
He sighed deeply. "Are you sure na hindi mo gustong ireport ang nangyari?"
"Hindi ko naman nakita ang mukha niya. Kaya anong silbi kung ireport ko pa, hindi rin naman agad iyon makikita. Tyaka may bagong bag at cellphone na ako no." Biro niya.
"ok. You got me. But I insist na ihahatid kita sa inyo. Alam mo na, namimiss ko na rin si Niccolo."
"As if naman papayag kang tumanggi ako di ba?"
"Good. Magbihis ka na. Lalabas lang ako. Bilisan mo." Paalala nito bago tuluyang lumabas ng silid.
Tinignan niya ang damit na binili nito. T-shirt at pantalon, pero ang pinagtataka niya ay saktong sakto sa kanya ang damit na iyon.
Destiny, hay naku pati ba naman sa damit Mashi!!!
BINABASA MO ANG
Forbidden Night
Teen FictionCan love exist after a night of mistake ?? **AUTHOR'S NOTE : THIS STORY IS STILL UNFINISHED. SLOW UPDATE**