Nakapikit lamang siya habang nakasandal sa kanyang upuan. Hindi niya na kailangang buksan ang kanyang mata para malaman kung sino man ang pumasok sa opisina niya. Iilang tao lang naman ang bigla-bigla na lang pumapasok doon nang hindi muna nagpapasabi. It's either Christian, Kiko, or his Mom.
"Hijo, kailan mo ba ako bibigyan ng magandang balita ha?" Ang boses nito ay sapat ng kompirmasyon na ang mama niyang si Claire ang naroon.
Dumilat na siya at ngumiti dito. "Good morning ma, or should I say afternoon?"
Nagsalubong ang kilay nito habang nakatingin sa kanya. "Mr. Olivero, wala akong intensyong bolahin mo ngayon. Sapat na ang pambobola sa akin ng papa mo. Come on, bakit ba ayaw mong makipagdate kay Rica. She's pretty and smart. Huwag mong sayanging mabulok ang lahi natin."
"Kumusta na pala si papa." Pag-iiba niya ng topic na apra bang hindi nito narinig ang sinabi ng ina.
"Nagkita lang ka'yo noong isang araw Mateo! And don't use that trick hindi gumagana sa akin yan."
"Ok! Ok! I don't like her ma."
"Oh the feeling is mutual." Napangiti siya. Alam naman niyang hindi rin gusto ng mama niya sa babaeng nirereto nito sa kanya pero marahil sa sobrang desperada nito ay kung kanikanino na siya nirereto.
"See! Nakikipagdate naman ako ma."
"But you're not serious." Digtong nito. Tumango siya. "Mateo, naiwan ka na ng kalendaryo. Gusto ko ng magkaroon ng apo. Ayos lang sana kung may anak ka sa ibang babae pero wala. Hindi ka man lang ba naaawa sakin. Tumatanda na ako."
"That trick won't work ma. Hindi ko pa nahahanap ang tamang babae para sa akin. I don't want to waste my time for the wrong woman." He said bitterly.
"Like what happened to you and Monica?" Hindi siya sumagot. "Hijo, huwag mong sayangin ang oras mo sa paghahanap ng tamang tao na wala naman talaga. Life is not about looking for the right person, but rather looking for a person that will make your life right."
Huminga siya ng malalim. "I know ma, pero ewan ko ba. I'll recover soon."
"Sana nga anak... sinabi mo rin iyan noon."
---------------------------------------------------------------------------
She was so devastated as she went home. Mas lalo lang siyang nalungkot ng makatitigan ang anak. Ngayong araw na ito na-terminate siya sa trabaho. Bali-balita kasing malapit ng mabankrupt iyon kaya naman nagsimula na itong magtanggal ng mga trabahador at isa na siya doon.
Hindi pa naman ganoong kasapat ang separation pay na natanggap niya pero kahit papaano ay matutustusan pa naman niya ang tatlong buwag gastusin nilang mag-ina dahil na rin sa ipon niya.
"Kung nakatapos lang kasi ako..." Alam niyang hindi iyon ang tamang oras para magalit. Pero sa panahong tulad niyon ay maraming sana siyang naiisip. Na sana, hindi siya uminom ng mga panahon na iyon, sana hindi siya nagpunta sa hotel. Nakapagtapos sana siya ng kolehiyo noon. Nasa huling taon na siya sa kolehiyo at nag-oojt pero huminto siya ng malaman niyang nagdadalang tao siya.
"Pero kung hindi nangyari yun, hindi ko makakasama si Niccolo..." Hinaplos niya ang buhok ng anak at hinalikan ang noo nito. "I love you anak."
Inayos niya ang pagkakakumot nito. Aasikasuhin na lamang niya bukas ang paghahanap ng trabaho. Kailangan niyang magpakatatag para sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Forbidden Night
Teen FictionCan love exist after a night of mistake ?? **AUTHOR'S NOTE : THIS STORY IS STILL UNFINISHED. SLOW UPDATE**