Chapter 8

167 5 0
                                    

"Nadawit ka na naman ba sa gulo kaya napatawag mo ako dito?" Bungad sa kanya ni Christian pagkapasok nito sa opisina niya.

He laughed. "Kailangan bang may magawa akong kalokohan para papuntahin ka dito?"

Naupo ito sa bakanteng upuan at inagaw ang kapeng hindi pa niya nagagalaw. "Sakin ba ito?"

"Sa'yo na."

"Alam kong wala kang ginawang kalokohan. Kung meron man baka madaling araw pa lang ay kumakatok ka na naman sa gate ko." It reminded him of what he did five years ago.

"natatandaan mo ba kahapon. Yung bata?" Pasimula niya.

"hmmmmm? Nakita niyo naman siguro ang mama niya. Nakakatuwa rin yung batang iyon ano. Akalain mo para sa kanya ang mama niya ang nawawala at hindi siya." He agreed.

"Oh ano na?"

"Nasundo na siya ng mama niya kahapon." He paused for a moment. "Mashi ang pangalan niya."

"Ok. Then what?"

"I want to meet her again." Diretsong sagot niya. Matagal siyang tinitgan ng kaibigan bago ito sumagot.

"Don't tell me you like her?"

"H-hindi ko alam. Ang alam ko lang gusto ko siyang makita."

"I don't know if you're really insane. Matt, may anak na yung tao at baka may asawa pa iyon."

"Hindi ko nakitang may suot siyang singsing." Sagot niya. He still believed na wala itong asawa base na rin sa binigay nitong reaksyon sa kanya ng magkasama sila. Gustong gusto niyang makita ito. Hindi niya alam kung bakit pero pakiramdam niya nakita niya na ito. Her smell, her voice, her eyes are very familiar to him.

"Hindi kailngan ng singsing para masabing kasal ang isang tao Matt."

"Hindi natin sigurado iyon Chan. Malakas ang kutob ko na wala siyang asawa."

"Ok. What if wala nga siyang asawa, sa tingin mo ba matatanggap siya ng pamilya mo lalo na't may anak siya?"

"Bakit ba iniisip mo ang mangyayari kinabukasan? All I need is your help."

Niluwagan nito ang necktie na suot nito. "Ok. Pero huwag mong sabihin na hindi kita winarningan diyan sa kabaliwan mo. Ano bang kailngan mo?"

"Sa ating dalawa ay mas malakas ka dun sa mall na pinanggalingan natin. Just get necessary information about her. Bahala ka kung gusto mong alamin pati criminal records niya para sa ikaluluwag ng kalooban mo. All i want to know is her complete name, address, number at trabaho niya."

"you're acting like a stalker matt." Tumawa ito. "And how come a guy like you missed getting her number and address. Kumupas na ba ang diskarte mo."

He smiled. "Kiko's right. Nakakalimot tayo lalo na sa mga ganoong pagkakataon."

"Ok. Ni hindi mo man lang ba sinubukang isearch ang pangalan niya?"

"I tried." Amin niya. "Mashi Chua. Pero walang lumalabas na resultang nagmamatch sa kanya. Sa tingin ko nickname lang niya iyon eh."

"Ok. ok. Got it." Tumayo na ito. "Is there anything else?"

"One more favor. Please don't tell mom and dad about it." Tumango lamang ito bilang assurance.

-----------------------------------

She's watching her son playing outside their house. Kasalukuyang ring naroon ang kaibigan niyang si Sassy.

"You're smiling." It is more a statement than a question.

"Masaya lang ako habang pinapanood ko si Niccolo." Sagot niya.

"Liar. Mashi, kilala natin ang isa't isa. There's other reason for that sparkling smile." She laughed.

"Sparkling? Effective siguro ang toothpaste na gamit ko."

"Oh see. Kumokorni ka na rin. Don't tell me in love ka?"

"Sassy!!" Saway niya dito.

"Sinasabi ko lang kung ano ang nakikita ko. You seems to be in love."

"Hindi ako in love no." Inirapan pa niya ito.

"Niccolo!" Hindi niya alam kung bakit tinawag nito ang anak niya. Agad namang lumapit dito ang anak niya.

"Why ninang?" Tumingin sa kanya ang anak pero nginitian lamang niya ito.

"May nameet ba kayo ng mama mo kahapon?" Pinanlakihan niya ito ng mata pero hindi pa rin ito natinag.

"Di ko po alam kung nagkita sila eh."

"Niccolo!!" Tawag niya sa anak pero kinarga ito ng kaibigan niya at lumayo sa kanya ng kaunti.

"Nino?" Tanong nito.

"Yung lalaki pong kasama ko nung nawala ako."

"Nawala? Buti mabait yung lalaking iyon ha. Siya ba tumulong sa'yo para makita si mama mo?"

"Opo. Pero tulog na po ako nung sinundo ako ni mama." Dirediretso lang sa pagsagot ang anak niya.

"gwapo ba yung lalaki." Bulong ni sassy sa bata pero dinig na dinig pa rin niya ang bulong nito.

"Opo."

"Ayyiiieeee!!!" tila ito teenager kung kiligin. She gave her a warning look but the latter seems to don't care.

"Why po?" Tanong nang bata.

"Gusto mo ba siyang maging daddy?"

"Sassy!!" Saway niya sa kaibigan. Her son smiled to her.

"Ok lang po. Gwapo naman po kami pareho eh"

"Apir tayo baby." Nakipag-apir naman ang anak niya dito. "See. Si boss na mismo ang umaprub."

"Tigilan niyo nga ako. Imposible namang magkita kami nun eh." Ibinaba na ng kaibigan niya ang anak at nagpaalam na ang huli na maglalaro muli.

"Pero malay mo naman di ba magkita kayo? Walang imposible sa mundo no." Suporta ng kapatid niya.

"Umayos ka nga. Baka may asawa na iyon eh o kaya girlfriend." Sagot niya pero hinihiling niya na sana ay taliwas iyon sa sinabi niya.

"What if lang naman iyon no. Edi kapag nagkita kayo tanungin mo."

"Baliw ka rin no. Ayoko nga, nakakahiya."

"Ang arte mo."

"At tyaka kahit naman may asawa ng tao sinasabi nilang single pa rin sila kaya nga nagkakaroon ng kabit eh."

"Ang nega mo."

Napabuntong hininga siya. Sa gwapo ba naman kasi niya ay siguradong milyon milyong babae ang nakakasalamuha niyon.

Forbidden NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon