Chapter Seven: The Substitute

123K 1.8K 82
                                    

Chapter Six: The Substitute

<Jared POV>


"Lannie, please cancel all my appointment for today."

"I got it, Sir."

"Thanks dear!"

Nang makalabas ang sekretarya ko sa pintuan ay mabilis kong iniligpit ang magulo kong mesa nang kung basta na lang. Bahala na kung paano ko hahanapin ang kakailanganin kong mga papeles bukas. Ang mahalaga ay makaalis kaagad bago pa ako maabutan ng rush hour. Pasakay na ako ng kotse nang makatanggap ako ng tawag mula kay Tyron. Wrong timing naman! Napilitan akong sagutin iyon.

"Hey lover boy, just want to remind you about Mark's birthday later."

Natapik ko ang noo ko.

Oh boy! I almost forgot about it.

"I'm not so sure if I can make it. May importante akong lakad."

"What? Come on dude! Ngayon lang ulit tayo makukumpleto. Riley is already confirmed his attendance."

Naman! Bakit kasi ngayon pa!

"Okay, I'm coming." Napipilitin na sagot ko. Bahala na!

"Yes! See you later dude." At nawala na ang kaibigan sa kabilang linya.

Ilang sandali ay tumunog muli ang cellphone ko. And this time si Mama naman ang tumatawag.

"Jayjay, we need you here now!"

"W-what happened, Ma?" Bigla akong kinabahan. Sa tono kasi ng boses ni Mama ay parang may nangyaring hindi maganda. "Where are you?"

"We are here in Alejo's place. Kami ng Papa mo. Kailangan ka namin ngayon dito. Something came up."

Hindi ko alam kung ang ano ang mararamdaman ko. Relief dahil wala namang nangyaring masama sa kanila. O pagkadismaya dahil parang nahuhulaan ko na kung bakit nila ako pinapapunta roon.

"Jayjay are you still there?"

"Ma, hindi ba puwede-"

"This is too urgent and it couldn't wait!"

I blew out a long sigh. "Okay, I'll be on my way." 

Naabutan ko silang lahat sa sala. Magkatabi sa mahabang sofa sina Mama at Papa. Katapat nila ang mag-asawang Alejo at napapagitnaan ng mga ito ang anak na si Pamela. They all looked so serious. Hindi kaya pinag-uusapan na nila ang tungkol sa formal announcement ng engagement naming dalawa ng dalaga?

"Come here, Jared. Have a sit." Si Mrs. Alejo at tinuro sa akin ang bakanteng sofa sa tabi ni Mama.

"What is happening?" Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan sa pananahimik nila. "Guys?"

Tumikhim si Mr. Alejo. "Something happened unexpectedly." At bahagya itong lumingon sa katabi na anak. "I'm sorry. But there is no reason to pursue this agreement."

"I'm sorry Jared! I never meant this to happenned. I'm so sorry." Mahinang sabi ni Pamela habang nakayuko. At may hinala ako na umiiyak siya.

Ang ibig sabihin... hindi na matutuloy ang engagement naming dalawa?

At malaya na ulit ako? That is a relief! Hindi lang pala relief. Pakiramdam ko ay nabunutan ako ng malaking tinik sa dibdib.

Hooray! Pakiwari ko tuloy ay umuulan ng confetti sa buong kapaligiran. Tamang-tama pala ang party ni Mark mamaya. May dahilan ako para mag-celebrate.

Hello world! I'm free again!

Napakislot ako nang pasimple akong sipain ni Mama sa paa. Bahagya niyang nilapit sa akin ang mukha at may binulong sa akin. "Son, isn't too early to celebrate?"

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon