Chapter Twenty Six: Untamed

82.8K 1.5K 115
                                    

Chapter Twenty Six: Untamed

JARED

                Ang unang pumasok sa isip ko ay ang komprontahin si Pate. Ayokong maniwala sa mga sinabi ni Margaret. Hindi iyon magagawa sa akin ng dalaga. Kahit hindi niya sabihin, alam ko at nararamdaman ko na mahal niya rin ako. Pero habang nasa sasakyan ako ay doon ko lang napagtagpi-tagpi ang mga pangyayari.

                I trusted her too much. Nakalimutan ko kung gaano kinasusuklaman ni Pate ang engagement naming dalawa. She said that she will do anything to stop it. Ngayon naniniwala na ako sa kanya.  Isa sa mga patunay ang inakto niya nitong mga nakaraang araw. I almost thought na magba-back out na siya sa kasal namin. Iyon pala ay mayroon na siyang pinaplano.

                Margaret is right. Hindi niya malalaman kung saang hotel ako naroon kung walang nagsabi sa kanya. At nang umagang iyon ay tinawagan ako ni Pate. Tinanong niya kung saang hotel at kung anong room number ako nag-check in. Malamang iyon ang importasyon ibinigay niya kay Margaret.

                Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit ginawa iyon ni Pate sa kabila ng mga pinagsamahan namin. At iyon ang gusto kong malaman. Sumugod ako sa mansyon ng mga Alejo. Tuluy-tuloy ako sa loob ng kabahayan kahit pilit akong pinipigilan ng mga guwardiya na makapasok. No one can stop me. Kahit pa ang mga magulang niya.

                "Ang lakas naman ng loob mo na magpunta pa rito pagkatapos ng ginawa mo?" Sinalubong ako ni Tito Patrick sa may entrada. Bakas sa mukha niya ang galit. Nasa tabi niya si Tita Elvira na nakaawat sa braso ng asawa.

                "Gusto ko pong makausap si Trisha," I said in a determined voice. Hindi ako natatakot sa maaaring gawin niya sa akin.

                "Hindi ko hahayaan na makausap mo ang anak ko. Kung pumunta ka lang rito para magpaliwanag...p'wes makakaalis ka na ng pamamahay ko!"

                "Wala akong dapat ipaliwanag! Kung mayroon man na naagrabyado rito, ako iyon!"

                "Ikaw ang hindi sumipot sa kasal at hindi ang anak ko."

                "Sa palagay n'yo ba walang kinalaman ang anak ninyo sa nangyari? Kayo ang mas nakakakilala sa kanya. Sigurado ako na alam ninyo ang kayang gawin ni Trisha para lamang hindi matuloy ang kinasusuklaman niyang kasunduan."

                "Umalis ka na, Jared, bago ko pa makalimutan ang nag-uugnay sa mga angkan natin." Hindi ko alam kung ayaw lang niyang maniwala o hindi niya matanggap na magagawa iyon ng sarili niyang anak.

                "Hindi po ako aalis hangga't hindi ko nakakausap si Trisha."

                "Please, Jared, umalis ka na," pakiusap ni Tita Elvie.

                Pero tila wala akong narinig. "Trisha! Trisha!" Nagsisigaw ako para malaman niya na naroon ako. "Trisha!"

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon