Chapter Nine: He's Blushing

124K 1.6K 64
                                    

Chapter Eight: He's Blushing!

<Jared POV>

"Aw! Dahan-dahan naman, dok!" Ngunit sa halip ay lalo pang diniinan ni Mark ang bulak sa gilid ng labi ko. Halos mapamura ako sa sobrang sakit. "Hindi ba pwedeng siya na lang ang gumamot sa akin." At itinuro ko ang nurse na nakatoka kay Tyron.

"Mind your own business, Bro! Wala namang agawan." Reklamo ng kaibigan. "At saka malayo yan sa bituka. So, relax!" Pagkatapos ay binalingan nito ang kaharap. "Please be careful with me, Babe." Sabay kindat. Ngunit mukhang hindi umepekto ang charm niya dahil inirapan lamang siya nito at tinalikuran.

"Doc, may kailangan pa po ba kayo?"

Umiling si Mark. "You may go Valjean. Ako na ang bahala sa kanila.

Tumango ang magandang nurse at tahimik na lumabas ng pintuan.

"Babe, huwag mo akong iwanan!" Pabirong habol ni Tyron. Tamang tawa naman si Vince. Tila tuwang-tuwang sa kalokohan ng kaibigan.

"Pagkatapos ng mga nangyari sa inyo, nagagawa pa ninyong tumawa. Patapon ko kaya kayong lahat sa Mental?" Nakapameywang na sermon ni Mark sa amin.

"Si Jared na lang." Tinuro ako ni Vince. "Feeling yata niya ay siya ang knight in shining armour ni Amazona."

Humagalpak ng tawa si Tyron. " Knight in shining armour na nawalan ng shine... haha.. Ang lakas ng loob mong tumulong, Pre! Ikaw din naman pala ang unang babagsak."

"Kung magsalita kayo parang hindi rin kayo napuruhan." Katulad ko ay may pasa rin ang dalawang kaibigan sa mukha. "May nalalaman pa kayong Bruce Lee at Jackie Chan style pero hindi naman umubra. Kung hindi pa dahil sa babaing iyan-" Sabay inunguso ang kinaroroonan ni Patte sa may sofa. Nakatulog na ito sa sobrang kalasingan. "-hindi mapapabagsak ang mga kalaban."

"Malay ba namin na mga bouncer pala ang dalawa roon! Kung alam lang namin ni Vince, hindi kami mag-aabalang tulungan ka at bahala ka sa buhay mo kahit mabugbog sarado ka pa."

Kung alam ko lang din na mapapahamak ako sa ginawa kong pagtulong kay Patte, hinayaan ko na lang siya makipaglaban sa tatlong lalaking iyon. Nagmagandang loob lang naman ako. Ngunit ang nakakainis pa roon, parang siya pa ang lumabas na nagtanggol sa aming tatlo. Dyahe talaga!

"Partida lasing pa ng lagay na iyan si Amazona. What more kung matino pa siya? Baka pati tayo ay mapabagsak niya." At niyuko ni Vince si Patte. Siya kasi ang pinakamalapit sa kinaroroonan nito. Pagkaraan ay biglang nagsalubong ang kilay nito habang nakatitig sa mukha ng dalaga. 

"Magsiuwi na nga kayo sa mga bahay nyo! Sinira nyo na nga ang party ko, nang-istorbo pa kayo. Chuuu!" Para lang nagtataboy ng aso si Mark.

Unang tumayo si Tyron. "Mabuti pa nga at nang makapagpahinga na. Tang'na! Sumakit ang katawan ko roon." At nag-stretching pa ito.

Sumunod na tumayo si Vince. Pagkatapos ay ako. "Paano siya?" Ang tinutukoy ko ay si Patte na nahihimbing pa rin sa pagtulog.

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon