Chapter Thirteen: The Punishment

107K 1.5K 56
                                    

Chapter Twelve: The Punishment

<Trisha POV>

Halos hindi ko maidilat ang mga mata ko habang pilit na kinakapa ang cellphone sa ibabaw ng side table.

"H-hello..."

"Cous! Anong nangyari sa sports car?" Bungad sa akin ni Jianne sa kabilang linya. "Bakit nagkaganun iyon?"

"H-ha?" Sabay hikab. Antok na antok ako na halos hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya.

"Bakit nawasak ang likurang bahagi ng kotse? Anong ginawa mo?"

"Anong kotse?

"Yung Alfa Romeo lang naman!"

"Ahh... Ginamit ko sa drag racing." Walang gatol na sagot ko. Mas mabuti na rin ang umamin kaysa ikaila ang tungkol doon.

"Whhhaaaattt!!"

Napangiwi ako sa lakas ng boses niya.

"Alam mo bang pumunta rito si Pogi at nakita niya ang nangyari sa kotse niya!"

Doon tuluyang nagising ang diwa ko. Ako naman ngayon ang napa- "What?" 

"Galit na galit siya at ikaw kaagad ang naisip niya na may gawa nun sa sports car niya."

Balak ko naman talagang ipaayos ang na-damage sa Alfa Romeo ni Jared. Nakalimutan ko lang asikasuhin dahil sa biglaang pagpapauwi sa akin ng parents ko sa bahay. Haist! Lagot ako nito!

"Cous, naman! Bakit mo ginawa iyon?" Si Jianne ulit. "Ikaw pa ang nagbilin sa akin na huwag kong gagalawin ang Alfa Romeo. Tapos ipangkakarera mo lang pala. At ang mas malala pinabangga mo pa! Saan tayo kukuha ng ipapambayad kay Pogi? Ikaw na rin ang nagsabi na mahal iyon. Baka nga mas mahal pa iyon sa mga buhay natin."

"Relax!" Hindi ako makapag-isip ng maayos sa pagpapanic ng pinsan.

"Do you want me to relax? My god! Katatapos lang ng problema natin sa talyer tapos heto na naman tayo!" Mas lalo pang lumakas ang boses niya.

Nahilamos ko ng palad ang mukha ko. Kung ang pera lang na ipambabayad sa na-damage ko ay magagawan ko pa ng paraan. Pero ang malaking problema ko ay si Monreal. Siguradong susugurin niya ako para komprontahin. Kaya dapat ay makaalis na agad ako bago pa niya ako maabutan. Tama! Kailangan ko siyang maunahan.

<Jared POV>

Sa loob ng sampung minuto ay nakarating agad ako sa mansyon ng mga Alejo. Basta ko na lang inihinto ang sasakyan nang kung paano na lang. Wala akong pakialam kung nakaharang man iyon sa daraanan. Nagtuluy-tuloy ako sa loob ng kabahayan at sumugod sa silid ni Patte. Pero nakakapagtaka na hindi ko siya nadatnan roon. Malamang ay naitawag na sa kanya ng pinsan niya ang tungkol sa pagkakatuklas ko sa sinapit ng Alfa Romeo ko. Tsk! Mukhang naunahan niya ako.

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon