Chapter Fifteen: Exile

104K 1.7K 122
                                    

Chapter Fifteen: Exile

TRISHA

                Pupungas-pungas na pumasok ako sa banyo para muli rin lumabas nang maalala ko na hindi pala gumagana ang toilet flus. Nagtungo ako sa silid ni Jared. Tuluy-tuloy ako sa loob nang hindi man lang kumakatok. Sigurado naman ako na naghihilik pa siya ng mga oras ito. Pagpihit ko ng doorknob ay nagulat pa ako nang bigla na lang bumukas ang pintuan. At bumungad sa akin ang bagong ligo na binata. Kung ako ay nagulat, mas lalo siya. Dahilan para mabitiwan niya ang hawak na tuwalya na nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan niya.

                Oh my! Nanlaki ang mga mata ko. Nakita ko ang hindi ko dapat makita.

                "W-what the hell are you doing here?" Hindi malaman ni Jared kung paano tatakpan ng tuwalya ang hubad na katawan.

                "Ahhh..." Nabawalan ako ng sasabihin. First time ko kasing makakita ng 'birdie'. And I was really shocked.

                "Ano pang itinatanga-tanga mo r'yan? Get out!" Halos mabasag ang eardrums ko sa lakas ng boses niya.

                "M-makiki-CR lang naman ako."

                "I said get out! Get out of my room!"

                "Eto na nga lalabas na po!"

                "Good morning, Sir. Breakfast is ready!" Masiglang bungad ko ng lumabas si Jared sa silid niya. Hindi naman maipinta ang kanyang pagmumukha at padabog na umupo.

                "Anong nginingiti mo d'yan? Para kang sira!"

                "Bawal bang ngumiti?"

                Binigyan niya ako ng matalim na tingin. Badtrip ang binata. Iniisip siguro niya na sinadya ko ang nangyari kanina.

                "Kumain ka na. Masarap yan. As usual luto pa rin ni Nanay Ising," inabot ko ang sinangag para sana lagyan ang plato niya.

                "Maupo ka! May sasabihin ako sayo!" Mariing utos ni Jared. Sumunod naman ako. "Huwag ka d'yan umupo. Doon ka sa kabila!" Itinuro niya ang katapat na silya.

                "Ano naman ang diperensya kung dito ako mauupo sa tabi mo?" Nagtataka na tanong ko.

                "Basta! Doon ka sa malayo sa akin!"

                "Arte nito!" Paismid na bulong ko at paika-ika na lumipat sa itinuro niyang upuan. Nangangamba siguro siya na baka gawin ko ulit sa kanya ang ginawa ko kahapon. "That is mine!" Mabilis kong tinusok ng tinidor ang nag-iisang hotdog bago pa niya iyon makuha. Nag-iisa lang talaga iyon dahil para lang naman sa akin. "This is yours!" Itinulak ko sa harapan niya ang daing na bangus with fresh kamatis. "Ano nga pala ang sasabihin mo?" Tanong ko habang ngumunguya.

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon