Chapter Seventeen: Chinita

106K 1.7K 189
                                    

Pasensya na po sa matagal na UD.. as usual hindi na naman nag-function ng maayos ang utak ko. At kasalanan ito ng isang tao na hanggang ngayon ay hindi mawala-wala sa isipan ko.. hayyy!!! Ang guwapo mo naman kasi eh!

To frienship.. ito na ang surprise ko sayo. Konting pasilip sa future love story nyo ng love dovey mo. And I hope you like it.

Anyway... enjoy reading at sabayan nyo na rin sa pagkanta ^________^



Chapter Seventeen: Chinita

JARED

                Napakunot-noo ako nang mapansin ang pamilyar na kotse sa bakuran ng mga Alejo.  What the hell is he doing here? Mabilis akong bumaba ng sasakyan at sumugod sa loob ng kabahayan.

                "Si Pate po?" Tanong ko kay Nanay Ising nang lumapit sa akin.

                Ininguso niya ang kinaroroonan ng dalaga sa sala. "Hindi ko kilala ang bisitang dumating at hindi ko siya gusto."

                Awtomatikong napangiti ako. "Don't worry, Nanay Ising. Ako na ang magpapalayas sa unggoy na iyon."

                "Mabuti pa nga!" At ngumiti rin siya.

                Naabutan namin silang dalawa na magkatabing nakaupo sa may sofa habang abala sa kung anong tinitignan nila sa screen ng cellphone. Tumikhim ako. Si Patte ang unang lumingon sa akin. Subalit tinignan niya lang ako, with a curve in her eyebrow. Saka naman lumingon si Vince.

                "Jared baby!" Tumayo siya para salubungin ako. "What's up, dude? Para ba kay Pamela ang mga iyan?" Ang tinutukoy niya ay ang bibit kong mga bulalak.

                "Naligaw ka yata rito?" Sa halip ay tanong ko.

                "Dinadalaw ko lang si Trisha."

                "Bakit may sakit ba siya para dalawin mo?"

                Tumawa si Vince. "May sakit din ba si Pamela kaya ka nandito ngayon?"

                Napangisi ako. Hindi pa nga pala alam ng kaibigan ang tungkol sa aming dalawa ni Pate. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kung malalaman niya? Sinulyapan ko ang dalaga na amused na nakamasid sa aming dalawa. "Hindi mo pa ba sinasabi sa kanya?"

                "Hindi ba dapat ikaw ang magsabi sa kaibigan mo?" She squared her shoulder.

                "What it is?" Nagtataka na nagpalipat-lipat ng tingin sa amin si Vince.

                "Doesn't Tyron tell you?" Naisip kong itanong.

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon