Chapter Eighteen: Lady In Red

103K 1.6K 118
                                    

Chapter Eighteen: Lady In Red

TRISHA

                "Nay, ipagluto mo ako ng sopas," paglalambing ko. "Gusto ko iyong maraming-maraming hotdog."

                "Tumigil ka nga, Pate! Hindi ka ba nagsasawa sa hotdog? Eh, araw-araw na lang, iyon at iyon ang kinakain mo." Hala! Si Nanay Ising highblood. "Wala kang makukuhang sustansya sa ganong klase ng pagkain." Patuloy pa rin siya sa paglilinya hanggang sa pumasok siya ng kusina. Naisip kong silipin siya kung anong ginagawa niya. At tama ang hinala ko. Naghahanda na siya ng mga rekado para magluto. Kunwari pa nagagalit, hindi rin naman pala niya ako matitiis.

                Nagpasya akong umakyat muna sa kuwarto habang hinihintay na maluto ang sopas ni Nanay Ising. Malapit na ako sa hagdanan nang may mapansin akong sobre sa ibabaw ng grand piano. Malamang ay invitation sa party ang laman n'yon. Wala akong interes sa mga ganong bagay. Pero dala ng kuryusidad ay binuksan ko iyon at nagulat ako sa nabasa.

                Invitation iyon para sa birthday ni Jared. At mamayang gabi na ang kanyang party. Wala naman siyang nabanggit sa akin tungkol doon. Kung sabagay, tatlong araw nang hindi nagpupunta sa bahay ang binata. Bigla na lang siyang hindi nagpakita. Kahit sa cellphone ay hindi man lang siya nagpaparamdam. Naisip ko tuloy na baka naman kaya niya ibinigay sa akin ang sports car niya ay parang farewell gift na niya sa akin.

                Mabilis kong sinagot ang cellphone nang tumawag si Jianne.

                "Cous, larga naman tayo mamaya. Kahit saan, mawala lang itong boredom ko."

                Bigla akong may naisip habang nakatitig sa hawak na invitation. "Okay. Puntahan mo na lang ako dito sa bahay. Ang kotse ko na lang ang gamitin natin."

                "Si Black Knight?" Ang tinutukoy niya ay ang luma kong sasakyan.

                Hindi ako sumagot. Hihintayin ko na lang na makita niya ang Alfa Romeo sa possession ko. At parang nakikinita ko na ang magiging reaksyon niya. Siguradong maiinggit sa akin ang pinsan.

 

JARED

                I'm bored! At hindi ako makapaniwala na mararamdaman ko iyon sa sarili kong birthday party. Kung ako lang ang masusunod mas gugustuhin kong mag-celebrate privately kasama ang mga kaibigan. Pero nakialam si Mama. Siya ang nagpursige at nag-organized ng party na ito. At katulad ng inaasahan ko, nag-invite siya ng maraming bisita na halos mapuno ang buong bakuran namin.

                "Happy birthday, babe."

                Nagulat na lang ako nang may biglang humalik sa akin. Si Margaret. Hindi ko inaasahan ang pagsulpot niya.

Next Time I Fall In Love (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon