Prologue

839 5 0
                                    

Prologue

May mga araw talaga na dadating yo'ng oras na mapapatulala ka na lang sa kawalan at mapapaisip ng kung anu-anong bagay na makakapag-pa-kilig sa'yo. mga bagay na makakapag-pa-saya sa'yo. Madalas sa banyo, habang naliligo ka, at lalong madalas sa classroom lalong-lalo na kung 'yong teacher eh napaka-boring kung mag turo. iisa-isahing iisplekahin kung ano ang mga bagay na isinusulat niya sa board. at habang ikaw naman ay titingin na lang sa labas ng bintana o kaya sa pinto at mapapa-pantasya ka na lang na masaya kayong magkasama ng mahal mo. Masaya kayong kumakain at naghahabulan sa malawak at berdeng-berde na lupain kung saan kayong dalawa lang ang naroroon at bigla ka na lang niyang bibigyan ng bulaklak na dilaw. oh, 'di ba parang Pangako Sa'yo lang ang peg ng pantasya mo.

Pero nang bigla ka na lang magising sa katotohanan at bigla mo na lang na realize na kung anu-ano na pala ginagawa mo sa harap ng maraming tao. Mistulang naka-pa-tusok pa ang iyong mga labi at sinasambit ang mga katagang 'mahal din kita higit pa sa iyong nadarama'.

Lintek na! mawawala ka na nga sa pantasya mo, napagalitan ka pa. napapunta ka pa sa opisina ng kataas-taasan, napagtawanan ka pa. mabuti na lang matalino ka at bonus pa ang pagiging mabait mo kaya kilalang-kilala ka sa eskwelahan mo bilang modelo ng mga estudyante. at isa pa talentado ka. paano ba naman magagalit ang mga guro mo niyan kung sobrang jackpot ka naman sa sobrang dami ng positibong pagkakakilala ng lahat sa'yo?

Pero ang problema, kilala ka ba ng mahal mo? Ni wala nga atang paki-alam sa'yo eh. pati nga mga issue sa'yo hindi niya inaalam, yung pag-tingin mo pa kaya sakanya? well, ano nga ba naman yung simpleng dancer ka lang ng eskwelahan niyo at siya naman eh parte ng banda niyo na sikat na sikat na. Napapadala pa sa kung saan-saang event.

Pero bakit ba napaka-cliche ng storya ng mga tao ngayon 'no? may mahal na mahal ka ngang tao pero meron namang nag-mamahal sa'yo ng higit pa sa inaasam mong pagmamahal na maramdaman pero hindi mo siya mapansin-pansin dahil hindi mo nga naman maalis ang pagtingin mo sa mahal mo. Tila ba nakapako na ang mga mata, puso, at isip mo sa mahal mo. Ano ba kasi ang mayron siya na wala sa taong mahal na mahal ka? Bakit ba hindi mo kayang matutunan na mahalin siya para naman masuklian mo ang pagmamahal na ibinuhos niya sa'yo na hindi mo naman naramdaman? Bakit hindi mo subukang kausapin muna ang taong nagmamahal sa'yo? Bakit hindi mo kaibiganin na lang? At least man lang maramdaman niyang may halaga siya kahit papaano para sa'yo. Malay mo siya pala ang magbibigay ng mga bagay na inaasam asam mo? Malay mo siya pala ang magpakumpleto ng buhay mo? Sabi nga nila, wala namang mawawala kung susubukan mo eh.

Hindi naman natin alam kung ano ang magiging daloy ng storya ng buhay mo eh. O kahit na sinong tao. kung ang nagbabasa ba nito alam niya ba kung sino magiging panghabang-buhay na laman ng puso niya? alam niya ba kung ilan magiging supling niya? alam niya ba kung saan siya magiging successful para sa ikagiginhawa ng buhay niya? alam niya ba kung kailan siya mamamatay? No one knows. Only God knows. Only the author of your life knows what will happen in the future, what will be your destiny. Gaya nga ng sabi nila.. just go with the flow. If something hit you, cry out loud but forget about it afterwards.. because the time will come that there's something might kill you, hurt you until you feel the pain of death. Hurt you for leaving your love ones. Hurt you for making someone cry for their loss. And especially hurt you for not giving you the happy ending.

FANTASY FOR REAL?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon