Classmate

472 7 9
                                    

Chapter 1

Binuksan ko ang pinto ng room namin, pagkabukas ko malamig na hangin agad ang bumungad sakin dahil sa sobrang lakas ng aircon sa room namin. Lahat sila nakatingin sakin. Anong meron? Masyado bang maganda yung pag pasok ko? Chos! Hindi naman ako ganun kaganda para tignan nila ng ganito. Jusko naman!

Nginitian ko na lang sila at pumasok na ko at pinuntahan ang mga kaibigan ko. Hindi ko na nga pinansin yung mga nadaanan kong mga lalaki naming kaklase dahil cinacatcall lang nila ako. 'Maeve, ganda mo ngayon ah?' 'pwede ka ba on Friday night?' 'Maeve, ba't 'di mo sinasagot mga text ko sa'yo kagabi?' hay nako. Bakit ba ganito na mga tao ngayon? May masabi lang? hayyyy.

Umupo na 'ko sa tabi ni Breanna. Ang babaeng kaibigan ko simula palang nung prep kami. Halos umay na nga ko sa mukha niya kasi siya na lang lagi kong nakikita sa buong buhay ko. Pero kebs na, siya naman ang nagiging nanay ko pag dating sa lahat ng problema ko sa buhay ko. Mula sa love life, friendship problems, academic problems o kahit pa family problems, siya ang nakakatulong sakin. Kaya siguro halos lahat ng tao dito sa school kilalang kilala siya bilang takbuhan ng mga problemado. Grabe! Sabi ko nga sakanya mag apply siya as Dj sa radio station kahit dito lang sa school. Meron kasing radio station dito na every recess time at lunch time. Nag papatugtog lang naman ng mga requested songs yung Dj namin ngayon kaya medyo walang kwenta. Kaya nga sabi namin dito kay Breanna mag apply na siya. Kasi baka siya pa ang makatulong sa lahat ng mga estudyante ditto sa school. Kasi naman, halos 98% of the whole campus eh problemado sa iba't ibang bagay. Eh si Breanna, halos araw araw may sagot sa lahat ng problema. Ewan ko ba doon at sobrang napaka pessimist at ayaw niyang itry. Kaya ayan. Hinayaan na lang namin.

Sa kaliwa ko naman si Quinn. Siya naman ang pinaka madaldal kong kaibigan. Naging kaibigan ko naman siya simula nung nasa second year high school palang kami. Dahil nga sa parehas kaming walang makausap non at sakto pa kami ang magkatabi sa orientation, ayun, kami na ang nag usap dahil wala naman na kaming choice. Hahaha! Nag papasalamat din naman ako na naging kaibigan ko 'to kasi kun'di dahil sakanya, magiging tahimik ang buhay ko. Lahat ba naman, kinuwento na niya. Mula nung pinanganak siya hanggang sa tumanda na siya, kinuwento na niya yata sa'min. May mga kwento pa nga na nauulit niya nang ikwento sa'min pero hindi na namin sinasabi yon sakanya kase masyadong sensitive si Quinn. Madaling magalit ang ate niyo! Hahaha!

Nasa harap ko naman si Royce. Well, kung anong ikinadaldal ni Quinn, siya namang ikinatahimik neto ni Royce. By the way, babae po siya. Hindi ko lang talaga alam kung bakit medyo parang pang lalaki yung pangalan niya. Sabi naman niya nung nag kwento siya about sa pangalan niya, sabi niya akala daw ng parents niya lalaki ang magiging pangatlong anak nila kaya hinanda na nila ang magiging pangalan ng baby. Pero nung pagkapanganak daw sakanya, babae pala ang bunga. Kaya nilagyan nalang nila ng 'Anne' yung pangalan niya.

At 'eto ako, si Maeve Allain.

"uuuy.. alam niyo na ba kung sino magiging adviser natin?" tanong ni Quinn. As usual, siya talaga ang laging nag o-open ng topic sa grupo namin. "hindi pa eh. Pero may naririnig ako na yung terror daw mapupunta satin kasi pinaghihigpitan na daw yung mga second section ngayon" sabi naman ni Royce. Ang sabi ko nga tahimik siya. Pero malaki ang tenga niya. Abot hanggang faculty ang tenga mula sa room namin. Hahaha. "eh! Okay na rin siguro yon para mag tino naman mga klase dito sa school natin. Palagi na lang kasing may gulo eh. Nakakasawa na!" sabi ni Quinn

Tumingin sakin si Breanna at ngumiti sakin. Anong ginagawa netong babaeng to? Ang weird jusko! Bigla bigla na lang ngumingiti! "hoy anong problema mo?!" "wala! He he he. Balita ko kaklase daw natin si sugar-honey-pie-mamon-bebe-labs mo he he he" sabi niya at nanlaki naman ang mata ko! "weh?!?! Sus! Paasa ka! Wala naman eh!" sabi ko sakanya nang ilibot ko ang mata ko sa buong classroom. "chill ka lang kase! Lagi ngang late yon diba?!" sabi niya and sakto naman na bumukas yung pinto ng room namin.

FANTASY FOR REAL?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon