Papa Aikon ft. Mama Maeve

265 3 4
                                    

chapter 7

nasa bar na kami kung saan mag ggig na sila Voltaire. pag pasok na pagpasok namin sa bar halos lahat ng tao kilalang kilala si Voltaire. inaabangan siya ng mga tao. iba na talaga banda nila Voltaire. magaling kasi mag drums si Voltaire. habang humahampas sa drums eh mapapainlove ka talaga. jusko kaya mahal na mahal ko yan eh. kahit na alam ko namang one sided love lang talaga to. hays.

umupo na kami ni Breanna sa harap kung saan VIP na VIP kami. hahaha! umorder ng kakainin at saka umorder ng iced tea. hindi naman kami palainom ng alcohol eh. wala pa kami sa legal age para uminom tsaka... hehehe.. you know baka malasing. di ko alam kung ano itsura ko pag nalalasing e hahaha. "kuya, isang pork sisig po tsaka inihaw na pusit tapos isang pitchel po ng iced tea" order ni Breanna nakatingin lang ako sakanya habang umoorder siya. sanay na sanay talaga sa labas si Breanna. ako kase di masyadong nag lalalabas kaya mejo naliligaw pa ko. "yun lang po mam?" tanong ng waiter "tsaka may pagibig ba kayo kuya?" alam kong pabirong tanong ni Breanna kay kuya waiter yon hahaha gagi talaga tong si Breanna. "mam?" pagpapaulit ni kuya ng tanong ni Breanna "hahaha wala kuya. binibiro lang kita. sige na kuya. baka mapagalitan ka pa hahaha" sabi ni Breanna at saka umalis na si kuya na mejo nahihiya pa.

"siraulo ka talaga. hahaha desperado lang ang peg?" natatawang sabi ko kay Breanna "hahaha. pogi naman si kuya eh. hindi ko nga lang type yung pagiging waiter niya hahaha" natatawa siya at saka dinudungaw dungaw pa si kuyang waiter na nasa counter. tinignan ko naman si kuyang waiter at oo nga hahahaha gwapo nga. jusko. pero mas gwapo paren si Voltaire hahaha! nang tumingin naman ako sa atage ay nag pprepare na silang lima. si Voltaire, tinetest ang bawat hampas niya sa drums. si Melvon na tinetest ang Bass. si Lloyd at si Exequiel na tinetest ang electric guitar nila. si Aikon na tinetest ang mic. napag alaman ko na hindi pala nila first time tumugtog sa bar na to. third time na nila actually. nung summer pa pala sila tumutugtog dito. siguro sobrang bored na sila sa buhay nila kaya naisipan nila mag gig. well hindi naman sila makakarating sa gantong lugar kundi dahil kay tita Anj. ang mama ni Breanna. may kilala kasi si Tita Anj na may ari ng bar which is eto nga yon. and sakto naman na nag hahanap ng banda yung owner nito. tinest ng owner ng isang gabi ang Artikulo Singko which is pangalan ng banda nila. hahaha di ko alam bakit Artikulo Singko pinangalan nila. at saka naman naging sikat sila dahil sa angking galing nilang tumugtog. dagdag mo pa yung magandang boses ni Aikon. hindi lang kase rock ang kayang gawin ng banda nila. pwede rin sila sa Jazz at Pop rock. marunong din sila kasi mag dala ng audience kaya hindi na bbore yung mga nanunuod sakanila. well.. yun ang kwento ni Breanna sakin. ngayon ko palang naman sila mapapanuod e.

dumating na yung order namin at saka pinagtripan nanaman ni Breanna si kuyang waiter "kuya, may tanong ako" saka nginitian ako ni Breanna hahaha napa yuko na lang ako at saka natatawa "ano po yun?" di ko alam kung bakit ginagalang pa ni kuya tong babaeng to. hahaha. "sino mas maganda samen?" napa ah eh na lang si kuya at saka pinangunahan na ni Breanna ng sagot si kuya "sige na nga kuya, balik ka na sa counter. alam ko namang si Maeve ang mas maganda saming dalawa. che! lagi na lang mga sexy hanap niyong mga lalake. pwe! pag ako talaga sumexy who you kayong lahat sakin?" at saka naman sumagot si kuyang waiter "mam, hindi naman po kasi lahat ng lalake, sa itsura binabase ang kagandahan. may mga lalake naman po na mas gugustuhin ang mga babaeng mabait at masaya kasama. at may mga lalake naman na mas gusto ang mga babaeng malaman para mas masarap yakapin sa oras ng lambingan" at saka napapalakpak naman ako sa sinabi ni kuya. pero sumagot pa tong si Breanna "ay nako kuya. so kung hindi oras ng lambingan hindi na gusto yung babaeng mataba? ganon? kaya maghahanap ng pampalipas oras na sexy? ganon?" sabi niya at saka sumubo ng sisig. "hindi naman sa ganon mam. pero..." nang patigilin siya ni Breanna "sus kuya. sige nga kuya. ano ka sa mga classification ng mga lalake na sinabi mo kanina?" at saka sinagot ni kuya ng "pag pumipili kasi ako ng babae mam eh ang gusto ko yung babaeng masaya kasama, mabait, maintindihin, at pasensyosa" at saka sumagot naman si Breanna nang "daming alam kuya. nahanap mo na ba yan kuya?" at saka sumagot si kuya nang "hindi pa nga mam eh. hindi naman ako nag mamadali na mahanap siya eh. inaantay ko lang ang tamang panahon" at saka napa make face na lang kaming dalawa ni Breanna hahaha. saludo din ako kay kuya ah. infairness hindi siya ganun ka garapal na angkinin lahat ng babae. hahaha! kelan ako magkakaroon ng ganyang boypren? hahaha! gash! tinanong ni Breanna kung ilang taon na si kuya at saka sinagot naman siyang 18 years old palang si Kuya. working student daw siya e. pahinga sa umaga, aral sa tanghali, trabaho sa gabi. waaaw talaga. grabe! at saka inadvice-an naman ni Breanna si Kuya "grabe kuya, hanga ako sayo. bihira na lang mga ganyang lalake yung tipong self supporting... tama yan kuya. isipin mo muna ang sarili mo, bago mo isipin ang lovelife. kusang dumadating yan. kasi kung hinahanap mo ang lovelife mo, may dadating nga, pero seryoso ba siya sayo? parang pamimingwit ng isda. ang hanap mo yung isdang malaki. yung enough na isda para mabusog ka. pero ang napunta sayo dilis. so walang kwenta yung pamimingwit mo kung pinipilit mong makapamingwit ka nang madalian. diba? tiyaga lang kuya. darating din yan... puso lang hahaha" at saka nag thank you si kuya at saka umalis na.

FANTASY FOR REAL?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon