Textmate

291 1 3
                                    

chapter 6

Maeve's POV

second friday morning, nag simula na ang routine namin. nag exercise. nagpunta ng studio, at nag simulang mag meeting. hindi ko alam kung pano ko sila i-li-lead pero eto, susubukan ko. "guys.. listen!" tumayo ako sa harap nilang lahat para mag announce. nakita ko namang nakikinig silang lahat sakin. "guys, groupings tayo. wala lang. para chill lang tayo. para masaya" nagsisimula pa lang akong mag announce pero may kumokontra na "ano nanamang kalokohan yan?" i tried my best para hindi siya pansinin "guys, hindi ito kalokohan. gusto ko lang naman maging masaya tayo sa unang meeting natin. ayokong ma stress kayo agad. chill lang. may tiwala naman ako sainyo guys. alam kong hindi kayo papayag na mapunta tayo sa fourth, sa third, lalong lalo na sa second place. bakit ko nasabing second place ang pinakamalalang pwesto? kasi dun mo mapapatunayan na totoo ang katagang 'so near yet so far'. andun ka na eh, malapit na eh, konting konti na lang, maaachieve mo na yung first place pero di mo nagawa. kaya ngayon guys, magpakasaya muna tayo. let's enjoy the first week of being one group. kase next week, hindi na natin kayang magpakasaya. hindi ko sinasabing maghihigpit ako. pero sinasabi ko, mag seseryoso na tayong lahat. so guys ang gusto kong mangyari ngayon, mag groupings tayo at saka gumawa tayo ng kanya-kanyang choreography. bahala kayo kung anong gusto niyong sayawin. para naman malaman natin kung ano mga bagay na step sa group natin. kung ano mga gusto nating sayawin." nakita kong lumapit si Voltaire sakin at saka nagsalita din siya sa harap ng mga ka groupmates namin "oo nga! tama si Maeve, alam nating lahat na kaya natin to. kaya guys groupings na lang tayo at magpakasaya!" pagkasabi niya ay agad na nag ingay ang lahat at saka nag pilian ng mga makakasama. hindi na ako sumama sakanila since ako naman ang nag utos na mag groupings sila. "Voltaire! sali ka samin!" tawag ni Lloyd sakanya. "hindi pre, may sasamahan akong ibang grupo eh. pasensya na" sabi niya at saka um-okay naman si Lloyd. nakita kong papalapit sakin si Voltaire pero hindi siya nakatingin sakin. weird neto! nang makalapit na siya sakin, "wala kang partner. ako na lang partner mo" sabi niya at saka ako natawa sakanya. hahahaha! para siyang nag aaya ng sayaw sa club.

matapos ang pag ppractice nila, nag pasayaw lang ako ng nag pasayaw by group sa harap naming lahat. this is the point of my announcement few minutes ago. ang pataasin ang confidence status ng mga ka group ko. kailangan nilang hindi mahiya mula sa harap pa lang mga kagroup nila. para handa na rin silang humarap sa mga ibang tao. nang matapos na ang lahat, nagpalakpakan naman silang lahat at saka nag hiyawan. "oh, sunod na si Maeve, unfair naman kung hindi siya sasayaw, diba guys?!" hiyaw ni Lynzee. jusko sinasabi ko na nga ba eh! nangiti na lang ako na tumayo at saka pumunta sa gitna ng dance studio. saka sumunod naman sakin si Voltaire. almost a week na namin tong pinractice, gusto nya kasi gumawa ng dance cover nitong kantang to kaya pinagbigyan ko. since, magaling naman na siyang sumayaw kaya kayang kaya niya na humataw sa harap ng maraming tao. "goodluck satin" sabi niya at saka pinaupo na niya ko sa upuan.

*video in multimedia*

hindi ko alam kung kikiligin ako sa sayaw namin pero parang iba naman yung feelings ni Voltaire para sakin. hays. okay lang maging one sided love, basta kaibigan mo naman yung crush mo. hahaha! pinalakpakan din nila kami at saka may mga humihiyaw hiyaw pa na "bagay pala kayong dalawa eh" "may chemistry tong dalawang to!" "grabe Voltaire, kelan ka pa natutong kumembot? hahaha" nakita ko namang natatawa na lang si Voltaire sa mga ka group namin.

eto ang gusto kong mangyari sa unang pagsasama sama naming mag kakagrupo. halos di ko mastretch ang pisngi ko parang nangalay kakangiti. haaay. ang sarap sa feeling nang nakakapag pasaya ka ng ibang tao.

dismissal. nagpunta na ako ng parking, hinahanap si Manong Dan baka kasi mabagot na si manong eh. inaayos ko ang buhok ko para ipusod nang sumulpot nanaman tong si Voltaire. ano ba! ang kulit kulit naman nitong lalakeng to. "uwi ka na?" tanong niya "oo, baka kasi mabagot na si manong Dan eh" nag dere-deretso akong naglakad "ay ganon? sige, ingat pag uwi" sabi niya at saka ngumiti ako "sige, ikaw din. ingat ka ha" sabi ko at saka naghiwalay na kami sa gitna ng parking lot. dun kasi siya sa may area ng mga motor tapos ako naman dun pa sa dulo kung saan area ng mga van. di kasi pwede dito ang halo halo na mga sasakyan. kailangan organized talaga mga sasakyan.

FANTASY FOR REAL?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon