Chapter 9
Voltaire's POV
sino kaya tong hayop na to? nireplyan ko na lang to kahit na kay Yana tong account na gamit ko sa facebook
Breanna : sino ka?
Ronald : ganyan ka na ba Breanna? kinakalimutan mo na ko?
Breanna : sino ka?
Ronald : wag mo na kong ganyanin Breanna, alam ko namang kilalang kilala mo ko.
Breanna : hindi si Breanna to!
Ronald : then, sino ka?
Breanna : boy friend niya. sino ka? at anong karapatan mong bastusin si Breanna?
Ronald : oh. akala ko ba walang boy friend si Breanna?
Breanna : hindi lang niya sinasabi sa iba, dahil hindi pa kami legal. sino ka ba ha?!
Ronald : wala ka nang pakialam don. log out na ko. bye
Breanna : F*CK YOU! WAG MO NANG GUGULUHIN SI BREANNA. DI MO ALAM KUNG ANONG PWEDENG KONG GAWIN SAYO. AKO MAKAKALABAN MO! HAYOP KA! KUNG MAMBABASTOS KA, WAG SI BREANNA! TANDAAN MO. PWEDE KITANG IPAKULANG SA PINAGGAGAGAWA MO! T*NG *NA M*!
tinignan ko si Yana kung anong ginagawa niya, nakita kong nag babasa parin siya ng notes niya. binalik ko na lang ang tingin ko sa laptop at saka nilog out ang account ni Yana. nag log in ako at saka tinignan ang mga notifications ko. susme! puro game request! buwisit! may iba naman na nila-like yung mga picture ko. tinignan ko kung sino mga online. nakita kong online si Maeve. pero wala ako sa mood mangulit ngayon. mejo inis pa ko dun sa hayop na nambastos kay Yana. wala sigurong girlfriend kaya nambabastos na lang ng babae! hays!
binuksan ko naman sa bagong tab ang twitter. account paren ni Yana ang online! ma hack nga! hahaha! 'pag may nambuwisit sa taong may ari ng account na to. lagot kayo saken! -@Vtakahashi' 'pero hacked ka paren Yan! hahahaha! labyu!' 'ang gwapo po ni @Vtakahashi' sin-ign out ko na yung account niya at saka nag sign in na ko. wala lang tinignan ko lang kung may notifications. ang daming nag ttweet sakin. ni retweet ko yung mga nakakatuwang tweet. ni retweet ko din yung tinweet ko sa account ni Yana. nag reply din ako sa mga nag tweet sakin.
nag youtube na lang ako ng kung ano ano. tinignan ko yung inupload ni Maeve na dance cover namin nung una. sabi niya kasi inupload na niya eh. ang galing talaga sumayaw ni Maeve. di ko alam kung bakit walang nagkakagusto dito. ay. ewan ko? baka meron naman, hindi lang nagpaparamdam.
11pm na pero hindi parin ako inaantok. ang dami dami ko nang nagawa pero hindi parin ako nadadapuan ng antok. pag tingin ko sa likod ko, nakita kong naghihilik na si Yana. aba! natatakpan pa mukha niya ng notes na nirereview niya kanina. nahayaan pang nakabukas yung highlighter niya. hay nako naman tong babaeng to oh. tumayo ako sa pagkakaupo ko sa study table niya at saka lumapit sakanya. kinuha ang papel na nasa mukha niya at saka tinanggal sa kamay niya yung highlighter at saka sinarado. nilagay ko itong mga to sa side table niya sa ilalim ng lampshade niya para kung sakaling magising siya makapag review siya ulit. ini-sleep mode ko na yung laptop niya at saka sinubukang matulog. humiga na ko sa tabi ni Yana at saka sinubukang ipikit yung mata ko. pero hindi talaga ako makatulog. ano ba to? parang merong bumabagabag sakin pero hindi ko malaman kung ano.
kinuha ko na lang yung phone ko at saka nag browse ng kung ano ano. nag instagram. nag 2048. pinicture-an si Yana na nakanganga habang natutulog. nang mag sawa ako sa phone ko, tinitigan ko na lang yung glow in the dark painting sa ceiling ng kwarto ni Yana. grabe ang ganda! sabi niya pinag tulungan daw nilang gawin to ni Maeve. magkaibigan talaga sila. they know everything about art.