Chapter 3
"Ano na Maeeeve? ang tagal naman ng kwento mo!" pangungulit sakin ni Breanna. jusko! ilang beses na ba 'kong kinulit nito? hindi ko na yata mabilang sa daliri ko kung ilang beses na niya kong niyugyog, sinigawan, at kinalabit ng kinalabit. "may nangyari bang iba? ha? ha? ha? haaaaaa?" tanong nanaman niya sakin. napaka malisyosa. jusko! fourth year high school, gan'to na kalandi ang pag iisip nito. santisima!
"walang nangyare. walang iba. nag usap lang kami. yun lang." sabi ko at pinagpatuloy ang pag aayos ko ng gamit ko sa locker ko. kasi naman, uwian na, kinukulit parin ako nito. ngayon ko lang siya sinagot ng maayos. kasi kanina puro irap at kung ano anong kabuwisitan lang ang sinagot ko sakanya. "pa'nong wala? eh wala man lang ba siyang ibang ginawa? parang ginagawa niya sa mga babae niya?" tanong niya sakin na parang nadisappoint pa sa narinig niya. "wala nga. so sinundo niya lang ako sa clubhouse kung san sinabi mong pagkikitaan namin.." tumango siya "nung nasa byahe kame, well, walang masyadong napagkwentuhan kasi nga nabyahe siya and tinawag niya lang naman akong stranger" napa gasp siya na parang nanggagalaiti "at nung dumating na kami sa balinsasayaw, kumain lang naman kami ng kumain. nag usap naman kami. nag getting-to-know-each-other kami" "mhm.." "so hindi na ko nakinig sa mga pinag sasabi niya kasi kilalang kilala ko naman na siya" tumango ulit siya pero this time naka ngiti na siya na parang natatawa "and ayun.. nasa moment na kami na sobrang parang close na close na kami.. para ngang mag best friend na kami sa ginagawa namin kagabi eh. kasi nag tatawanan na kami. Nag punta pa kami ng bag of beans sa Tagaytay para magkape. So nadighay lang ako dahil nga napadami kain ko sa kinainan naming.. wala man lang siyang sinabi na nakakadiri ako. in fact natawa pa nga siya eh. tapos nagkatitigan pa kami.. pero biglang nag ring yung phone niya.." nakita kong bumusangot ang mukha ni Yana "so sino daw yung tumawag?" "barkada niya. may schedule daw pala sila nung gabing yon sa club na the usual nilang pinupuntahan na magbabarkada para i-meet yung mga babae nila. may naghihintay daw sakanyang chick! leche! kung chick lang pala katapat niya edi sana dinala ko na lang siya sa manukan! leche!" sabi ko at saka binalibag pa sara ang pinto ng locker ko.
"hay nakooo talaga yung lalaking yon! hindi na ata talaga magbabago ikot ng mundo niya!" sabi niya at saka nakatingin sa kung saan. "pero Maeve, hinatid ka naman siguro niya sa bahay niyo?" tanong niya sakin "oo hinatid nga niya ako pero hanggang sa guardhouse lang dahil nga nag mamadali daw siya!" sabi ko at napasigaw na ko sa sobrang inis! "but i said sorry last night" biglang sulpot ng boses sa likod ko. pag lingon ko si Voltaire na nakangiti pa habang pailalim akong tinitignan. sus! kung di ka lang matangkad uupakan na kita eh! "hindi sapat ang isang sorry sa pananakit ng feelings ng isang babaeng tunay na nagmamahal sayo!" sabi ko at saka umalis na ko. dere-deretso na kong nagpunta ng parking area at hinanap na si Manong Dan. uuwi na lang ako! nakakawalang gana at nakita ko pa yung lalakeng yon! akala ko naman napakabait niyang lalaki, akala ko naman iba siya sa mga lalakeng nakilala ko. pero nagkamali ako. uuugh!
pumasok na ko sa sasakyan at nag deretso na kami sa bahay. pagkarating namin sa bahay, agad akong pumunta ng kwarto at saka kinausap ako ng kapatid kong si Myrabelle. She's one year younger than me pero mas marami siyang alam sakin sa mga bagay bagay lalo na sa pag ibig. buti na lang at biniyayaan talaga ako ng mga advicer kahit san ako mag punta eh no? sa school, andyan si Yana. pag sa bahay, andito si Myra. "oh? kamusta ka naman? parang ang init ng dugo mo ah?" tanong niya sakin pag pasok na pag pasok ko palang ng kwarto ko. oo andito talaga siya pag hapon kasi wala daw siyang magawa sa kwarto niya. yung kwarto ko kasi puro mga libro, mga pocketbook. pero hindi ko naman binabasa.. nakakatamad kaya mag basa. di ko alam kung bakit nag ti-tiyaga tong kapatid ko sa mga libro eh. "ay nako! mainit talaga ulo ko! kainis!" sabi ko at saka hinubad ang sapatos ko at hinagis na lang kung saan. aayusin ko na lang kung kelan matino na ang pag iisip ko. "bakit nanaman? acads? o si Voltaire nanaman?" tanong niya at saka binitawan ang libro na hawak niya "yeahhh. si Voltaire" kilala niya si Voltaire. second year high school pa nga lang ako, nagiging pala-share na 'ko ng mga sikreto ko sa kapatid ko. "sus. ano ba'ng ginawa niya sayo? maliban sa nag-date nga kayo kagabi?" humiga ako sa kama ko at saka deretsong tumingin sa kisame ng kuwarto ko "okay naman yung date naming dalawa. parang friendly date lang naman ang nangyari saming dalawa kagabi eh. wala namang masyadong magandang nangyari kagabi" sabi ko na sobrang kalmado pero naiinis talaga ako pag naaalala ko yung moment na sobrang lapit na namin sa isa't isa bigla na lang malalaman ko na parang naisingit lang ako sa schedule niya kagabi. hay nako!
Kinuwento ko lahat lahat sa kapatid ko. Hindi ko na nakuwento sakanya kagabi eh. pagkadating ko kasi sa bahay, tulog na silang lahat. Kaya nga napalakad ako ng wala sa oras. Kahit na sobrang dilim na sa subdivision namin, nag lakad na lang ako. wala naman nga kasi akong choice, alangan namang makitulog ako sa guard house. dapat kasi mag papasundo ako sa kapatid kong lalake si Marvin. Eh ayon! wala! tulog na tulog ang loko! "hindi ka man lang niya hinatid? hindi man lang nag sabi sa'yo ng 'goodnight' or 'nice meeting you' or 'see you tomorrow'?" pagwawala ni Myra sa nabalitaan niya. hays. ganyan talaga. the more you expect, the more you'll get pissed. kaya nga ako chill lang ako kagabi eh. hindi na ako nag expect na may magandang mangyayari kagabi sa date namin pero jusko! hindi ko rin inexpect yung pag paparamdam na parang ako sumira ng gabi niya sa 'date' ng chick niya na nag aabang sa club! hay nako! "yeah.. okay lang yon. pero kanina sa school nagwawala ako sa locker area tapos bigla na lang siyang sumulpot tapos sabi pa niya 'nag sorry naman ako kagabi 'di ba?'" naalala ko nanaman yung mga mata niyang nakatitig sa'kin habang nakangiti siya na parang nakakaloko. jusko santisima! tama ba yung sinabi ko sakanya? tama ba na nag walk out ako? tama ba'ng nagalit ako? stranger lang naman ako sakanya eh. ano bang karapatan ko para magalit? ang kapal naman ng mukha ko! hindi naman kami friends eh. bakit ako magagalit? "AHHHHHHHHHHHHHHHH!" napasigaw ako at sabay nang biglang pag upo. napatingin pa 'ko sa kapatid ko at kitang kita sa mukha niya ang bakas ng mukhang nagulat talaga. "hoy! anong sinisigaw-sigaw mo diyan?" sabi niya at ngayon naman yung mukha niya parang ikinakahiya na 'ko. "uuuugh Myraaa! sinabi ko kasi siya kanina na 'hindi sapat ang ang isang sorry sa pananakit ng feelings ng babaeng tunay na nagmamahal sa'yo'" sabi ko na halos maiyak iyak na sa kahihiyan. nag-mukha tuloy akong patay na patay sakanya. "oa mo naman! eh tama lang naman yon eh. hayaan mo siyang marealize niya na malaki ang pagkakamali niya sa ginawa niya sayo. hindi niya ba alam kung ga'no kahirap lakarin galing sa guard house hanggang dito sa bahay? GANUN NA BA KAMAHAL ANG GAS KAYA TINITIPID KA AT SA GUARD HOUSE KA LANG BINABA?! AT GINTO BA ANG WORDS NIYA KAYA HINDI NA SIYA NAG GOOD NIGHT AT NICE MEETING YOU AT SEE YOU TOMORROW SA'YO?!" sabi niya at sinisigawan na niya ko. ayoko nang galitin 'tong kapatid ko. "chill down. okay. fine. hindi na ko magiging oa sa pag sabi ko n'on" sabi ko at umupo ako ng maayos at sabay higa sa kama at deretsong tumingin sa kisame at sabay sabing "mula ngayon, hindi ko na ipapahalatang patay na patay ako sakaniya. bahala siyang umalam kung ga'no ko siya kamahal!"
Breanna's POV
"hoy ikaw. ano ba talagang ginawa mo sakanya kagabi?" tinanong ko si Voltaire nang pa-sigang tono. takot naman 'to sa'kin eh. no. let me re-phrase that. parehas kaming takot sa isa't isa. iba kasi akong magalit eh. at siya naman kapag pinag sasabihan ako para siyang tatay kung mag sermon. jusko! "yun nga, yung sinabi niya. okay naman ang lahat hinatid ko siya sakanila pero yun nga. hindi nga lang sa mismong bahay nila. dun lang sa.. guard house nila.." sabi niya na parang nahihiya pa. alam niya naman pala kung ano ang mali niya eh. good for him. pero hindi ko 'to papalampasin. "hay nako naman Volt! alam mo ba kung ga'no kahirap lakarin mula guard house hanggang sa bahay nila? lalo na gabi pa nung iniwan mo siya sa guard house nila. anong oras mo siya hinatid sa 'guard house' nila?" siyempre dapat emphasised yung guard house "uhmm. mga eleven na ng gabi" napa 'tsk tsk tsk' at sabay ng pag face palm na lang ako sa pinag gagawa nitong lalaking 'to! "santisima Voltaire Takahashi! ano ba namang ginawa mo kay Maeve! buti na lang at walang nangyari sakanya" sabi ko at pagkatapos binatukan siya. bayad ng pag papabaya sa bestfriend ko! "aray naman Yan! ano ba'ng malay ko? eh sa clubhouse ko lang siya sinundo eh. akala ko naman malapit lang siya do'n?" inirapan ko na lang siya at saka tinalikuran, naglakad papuntang parking lot at saka sumakay sa motor niyang pagkalaki-laki "pahiram ng susi mo!" sabi ko sakanya at binigay na sakanya yung helmet niya binigay naman niya sa'kin yung susi ng motor niya at pinaandar ko na ito, pinainit at inantay na makasakay si Voltaire sa likuran ko "sa'n tayo pupunta?" tanong niya sa'kin "basta" at saka ko pinaharurot ang motor niya. buti na lang at tinuruan niya kong mag motor last year as his gift for my sixteenth birthday. hahaha! wala daw kasi siyang pambili ng regalo kaya sabi ko naman turuan niya na lang akong mag motor. nagulat ako nang biglang may nagsalita sa loob ng helmet ko "hoy! sa'n tayo pupunta? walang pang-ransom mga magulang ko!" sabi niya at saka pinisil pisil ang bilbil ko sa tiyan "hoy ka rin! hayop 'to! kung gusto mo pang mabuhay umayos ka diyan! ihuhulog kita!" sabi ko at saka tumigil kami sa isang convinience store. bumili ako ng isang galloon ng cookies and cream ice cream. ay mali. siya pala bumili kasi siya yung pinag bayad ko. hahaha! "para sa'n to? ako pa pinag bayad mo neto. kung 'di lang kita best friend" sabi niya at mistulang sisikuin pa 'ko. aba aba aba. sipain ko 'to eh! sumakay na kami at tinanong niya 'ko ulit kung sa'n ko ba talaga siya dadal'hin.. hindi ko siya sinagot..