Para sa kapayapaan ng dalawang kambal na planeta, ang mga diyos at diyosa ay nagkasundo at nagtalaga ng sinaunang batas na magpahanggang ngayon ay kailangang sundin ng bawat mamamayan ng planetang Chrome at planetang Exilon. Tinatawag itong Law of Gemini. Ayon sa mito, may tatlong kautusan ang mga diyos at diyosa.
Una, ang bawat bagong silang na sanggol ng Planetang Chrome at Exilon ay bibinyagan sa Fountain of Gemini para magkaroon ng gemini prints sa mga palad. Ang bawat sanggol sa Planetang Chrome ay may kapares na gemini prints na mga sanggol sa Planetang Exilon.
Pangalawa, ang magkapares na sanggol sa magkaibang planeta ay nakatadhana. Sa pagkasapit ng ika-labing walong taong kaarawan ng mga sanggol, kailangang mag-isang dibdib ang magkapares. Maninirahan sa nakatalagang planeta na pagpapasyahan ng gobyerno ng dalawang imperyo at bibiyayaan ng anak ng mga bathala.
Pangatlo, ang mga walang kapares na sanggol ay itinuturing na demon children. Sila ay palalakihin sa Sanctuary of Demons — isang Outer Space Orbiting Station. Kailangan din na ialay ang kanilang buhay sa mga anito bago sumapit ang kanilang ika-labing walong taong kaarawan. Ang mga sanggol na walang gemini prints o demon children ay mga nilalang sa propesiya na siyang magiging sanhi ng isang malaking digmaan sa pagitan ng kambal na planeta.
***
Ako si Orion Tudor II, disi-siyete anyos, prinsipe ng planetang Chrome, arrogante, ipinanganak na may pilak sa dila at matapobre. Sa hindi malamang dahilan, biglang naglaho na parang bula ang mga gemini prints sa aking dalawang palad. Sa pagkawala nito, nangangahulugan lang na naging isa na akong demon child. Nagdesisyon ang aking amang hari na pasekreto akong ipadala sa planetang Exilon upang hanapin ang aking nawawalang soulmate. Labag man sa aking kalooban na lisanin ang aking pinakamamahal na pamilya't planeta, pinilit ko ang aking sarili na sumabay sa saliw ng unos.Nagbalat-kayo ako sa katauhan ni Pollux Celestial at nagpanggap na kakambal ni Stellar Maxmillan para lamang mabuhay at maprotektahan ang aming angkan. Ang misyon ko ay ang hanapin ang nawawala kong soulmate o kapares ng aking gemini prints, bago sumapit ang aking ika-labing walong taong kaarawan.
Sa kasamaang palad, dahil sa naging isa na akong demon child, ako'y natugis ng mga Legions at ipinatapon sa Sanctuary of Demons. Doon sa Sanctuary, natutunan ko ang pagiging isang ordinaryong tao at ang makipagsalamuha sa iba. Unti-unting lumalambot ang pusong-bato na nasa loob ng aking dibdib at natututunan ko ang mapagkumbaba sa iba.
At dahil walang sekretong hindi lumulutang sa ibabaw ng tubig, natuklasan ng mga awtoridad na ako si prinsipe Orion Tudor II na nagpapanggap sa katauhan ni Pollux Celestial. Ako ay pinarusan sa ilalim ng kamay na bakal ng mga Pillars at nakatakdang patayin sa pagsapit ng aking ika-labing walong kaarawan. Ang hindi nila alam ay binansagan na ako ng mga kapwa ko demons, na kanilang resistance. Bilang kanilang resistance, pinamunuan ko ang pag-aaklas ng mga demons laban sa mga Legions at mga kultong Pillars.
Saksihan kung papaano ko napatunayan sa mga mata ng mga diyos at diyosa na karapat-dapat akong magmahal at dapat na mahalin. Dahil ang kwento ng aking buhay ay kwento ng pagbabago. Kwento ng pakikibaka sa isang madugong rebolusyon. Kwento ng mga talang kumikislap sa Parthenon Galaxy.
Kwento ng pag-ibig na kasing lawak ng sanlibutan.
Tama ang aming ninuno.
Totoo ang mga diyos at diyosa.
Totoo na ako'y isang diablo.
Isang diablo na umibig sa anak ng diyos.
***
Kung masyadong awkward basahin ang Filipino version ng Legend of Gemini, p'wes basahin ninyo ang English version nito na nasa profile ko. Salamat ulit sa pagbabasa!
BINABASA MO ANG
Legend of Gemini
Science FictionGusto mo ba ng kwentong may temang aksyon, gallactic aviators, virtual simulator, aliens, starships, beam guns, laser cannons, genetic modified na sundalo, mga sasakyan sa kalawakan, mga umaatikabong bakbakan ng mga androids? P'wes, ang kwentong ito...