"Nalaman na ng buong sangkatauhan ang balitang naganap na pag-aaklas ninyo sa Sanctuary at ang pagkawasak nito. Lubos na ikinabahala ito ng lahat ng nananampalataya sa Holy Writ dahil unti-unting nangyayari ang kinatatakutan ng sangkatauhan. Tama ang propesiya na kayong mga demon children ay mapanganib..."
Ang lahat ay sumutsot sa pahayag ni Prime Ovi-Van Hauten. Kahit ako man ay nagagalit sa kanyang mga sinabi. Sino siya para sabihin na kami'y masasama? Na kami'y mitsa ng isang apokalipsis? Na kami ang wawasak sa buhay ng sangkatauhan. Isa lang ang gusto namin. Ang aming tahanan. Ang tahanan na mawawari namin na kami'y ligtas sa mga kuko ni kamatayan. Ang gusto lang namin ay kalayaan. Kalayaan na mamuhay ng matagal at hindi nakakulong sa isang malaking hawla na tinatawag nilang Sanctuary. Gusto naming mabuhay ng matagal. Gusto naming malasap ng matagal ang kagandahan ng mundo.
Sinuway ni Saturn ang hindi magkamayaw na mga demons para makapukos ang iba sa mensahe ni Primo.
"Nilabag ninyo ang Law of Gemini at dahil diyan, kayo ay paparusan ng mga diyos at diyosa. Tama na! Huwag na kayong lumaban! Isuko na ninyo ang inyong sarili sa mabuting palad ng mga anito. Hindi pa huli ang lahat. Hinihimok namin kayo para sa inyong kabutihan at para na rin sa kapayapaan ng buong sanlibutan. Naniniwala kami na kayo'y mabubuting bata na handang magsakripisyo para sa nakararami. Nawa'y magkaroon kayo ng konsensiya." Kusang namatay ang simulacrum sa projector pagkatapos ng mensahe ni Primo Ovi-Van.
Hindi namin nagustuhan ang panawagan ni Prime Ovi-Van. Ang lahat ay hindi magkamayaw sa kakadaing ng kanilang masamang saluobi. Kahit si Reverend Astronomiya ay nadawit at sinisisi ng mga kapwa ko demons. Sinisisi nila ang buong sangay ng relihiyon kung bakit nasira ang kanilang buhay. Hindi ko napigilan ang aking sarili na sumigaw para matapos lang ang bangayan ng lahat. "Tahimik!" Dumadagundong ang aking saway sa apat na sulok ng messhall.
Katahimikan.
"Walang kasalanan dito si Reverend Astronomiya. Alam nating lahat na kakampi na siya natin, tinalikuran na niya ang panata sa mga bathala." Pinasalamatan ako ni Astronomiya sa pamamagitan ng pagbulong sa hangin habang ang mga kapwa demons naman ay napipi sa aking mga sinabi. "Mga kapatid! Oo! Hindi nating kasalanan na suwayin ang kautusan ng mga diyos at diyosa. Gusto lang nating mabuhay ng malaya at magkaroon ng bukas."
"Pero papaano na 'yan? Pag hindi tayo susuko sa kanila, mapipilitan tayong lumaban sa awtoridad." Ang sigaw ng isang lalaking demon.
"Tama ka! Ang pinakamagandang gawin natin ay ang tumakbo at magtago sa kanila. Hindi tayo lilikha ng isang digmaan laban sa dalawang gobyerno dahil pag nangyari iyon, tayo'y mapapahamak. Total, tayo'y mayroon ng gemini prints sa mga palad, hindi na nila matutukoy ang ating nakaraan. Hindi nila malalaman na tayo'y mga dating demon child." Mabuti na lang at nakahanap ako ng isang maganda at kapanipaniwalang katwiran. "Malaya na tayong makipagsalimuha sa mga tao dahil mayroon na tayong gemini prints, malaya na tayong makakapunta sa gusto nating planeta." Itinaas ko ang kanang palad at ipinakita ko sa kanila ang aking gemini prints na siyang takda na kami'y hindi na isang demon child.
"Hindi ako sumasang-ayon sa iyong katwiran! Oo nagkaroon na nga tayo ng mga gemini prints pero hindi pa rin tayo eksento sa mga kasalanan nating nagawa." Ang pasupalpal na ng isang babaeng demon na nasa aking kanan.
"Tama siya aming resistance! May teknolohiya ang awtoridad na makakayang tukuyin ang ating pinagmulan." Dagdag at pagsang-ayon ng kanyang katabi.
Biglang dumating sa loob ng messhall si Anemone. "Orion!" Ang tawag niya sa akin.
"Ano 'yun?"
"May bagong balita tayong natanggap. Galing sa I.B.N." Pinaandar ni Anemone ang malaking animated screen at saka naman lumitaw ang timbre ng International Broadcasting Network.
"This news is brought to you by most trusted news provider in Parthenon Galaxy." Ang bating panimula ng balita. Lumitaw ang mga digital pixels at bumuo ng imaheng mukha ng taga-paghayag. "Isang kagimbal-gimbal na balita ang pumasok sa ating himpilan. Isang buwan bago sumapit ang Tri-Polar Ecplise, tuluyang sumabog ang buong Sanctuary of Demons o ang tahanan ng mga bathala dahil sa isang pag-aaklas na ginawa ng mga demon children laban sa mga Legions na nagbabantay at Pillar na nangangasiwa ng nasabing outer space station. Ayon sa aming nakalap na impormasyon, ang namuno daw sa pag-aaklas ng mga demons ay walang iba kun'di ang dating prinsipe ng planetang Chrome na si Orion Tudor II. Inaalam na ng mga ahensyang Central Intelligence of Intergallactic Security, Star Cops Enforcement at Kagawarang Depensa ng planetang Chrome at Exilon kung ano ang detalye ng buong pangyayari ng mga oras na nagkaroon ng pag-aaklas sa nasabing outer space station. Sa ngayon, tinutugis na ng mga awtoridad ang Aviator Felicity na sinasabing sinasakyan ngayon ng mga demon children. Tumaas din ang pabuya sa ulo ni Orion Tudor II..." Lumitaw ang aking larawang mukha sa animated screen at ang presyo ng aking ulo. Sampung milyong yzrrah — 'yan ang aking halaga. Ito na ba ang hudyat na ako'y maituturing poganteng kriminal dito sa Parthenon Galaxy?
"Mahigit isang daang trilyong yzzrah ang tinatayang nasayang sa pagsabog ng buong Sanctuary. Sa ngayon ay sinisimulan na ang paglikom ng mga buwis ng dalawang planeta para sa rehabilitasyon ng Sanctuary. Inaalam pa ng mga eksperto kung ilan ang mga namatay sa nasabing pag-aaklas. Nakatikom bibig naman ang mga babaylan sa pangyayaring ito. Hindi pa malinaw kung matutuloy ba ang Tri-Polar eclipse sa susunod na buwan. Sa kabilang dako, puspusan na ang paghahanda ng mga mahaharlika ng planetang Chrome dahil sa susunod na linggo ay ang nakatakdang araw ng eleksyon ng mga dugong bughaw para sa bagong hari ng planetang Chrome. Ako si Herculanium Merzelese, ang iyong taga-ulat!" Namatay ang animated screen ng natapos ang balita.
"Paano na ngayon 'yan? Ikaw ang may karapatan na mag-angkin sa trono ng planetang Chrome." Ang pag-aalala ni Anemone.
"Wala akong pakialam sa trono. Ang gusto kong makuha ay ang aking ama at ina."
"Orion!" Ang mayuming wika ni Astronomiya. Taos-puso itong pumalapit sa akin at nagbigay ng payo. "Kamahalan. Lahat tayo ay mga ligaw na bituin at naghahanap ng liwanag sa liwayway. Kung ano ka man ngayon, ito ay dahil sa mga nangyari sa'yo kahapon. Ito din ang humulma ng iyong katatagan." Hindi ko maintindihan ang mga sinabi ni Astronomiya kaya napakunot-noo ako. "Ang ibig kung sabihin ay tumayo ka sa problema. Harapin mo ito! Bawiin mo ang nararapat na mapapasaiyo. Angkinin mo ang trono ng kromize dahil sa'yo dapat iyon!"
May pag-aanlinlangan pa ako sa aking sarili na tanggapin ang sinabi ni Astronomiya ngunit, napag-isipan ko na tama ang mga sinabi niya kaya napatango ako at tinanggap ko ang panibagong hamon ng bukas.
"Anong maitutulong namin sa'yo?" Tanong ni Saturn.
"Magsaliksik. Magsaliksik kung nasaan ang aking ama at ina."
"Alam ko kung nasaan sila." Sawsaw ni Reverend Astronomiya.
"Saan? Paano mo nalaman?" Ang nananabik kong tanong.
"Nakalimutan mo atang ako ang dating kanang kamay ng Primo." Binigyan ako ng isang sarkastikong ngiti ni Astronomiya. "Sa pagkakaalam ko, nasa ilalim ng paglilitis sina haring Castor at reyna Cassiopeia sa kataas-taasang hukuman ng planetang Chrome."
"Kung gayun, pupunta tayo sa planetang Chrome?" Tanong ni Saturn.
"Hindi! Masyado pang mapanganib. Hintayin natin ang tamang panahon, mainit pa ang usaping pag-aaklas na pinasumulan ko. Baka iisipin nila na ito ang unang hakbang natin sa paglikha ng apokalipsis. Hintayin natin na humupa muna ang isyong ito. Balang araw makukuha ko rin ang ama't ina."
"At ang trono." Dagdag ni Stellar na kakarating lang sa loob ng messhall. Ang lahat ay na papatingin sa dalagang nagpapagaling ng sugat na natamo sa parusang ibinigay ng mga Pillars.
At ang trono.
WAKAS.
BINABASA MO ANG
Legend of Gemini
Science FictionGusto mo ba ng kwentong may temang aksyon, gallactic aviators, virtual simulator, aliens, starships, beam guns, laser cannons, genetic modified na sundalo, mga sasakyan sa kalawakan, mga umaatikabong bakbakan ng mga androids? P'wes, ang kwentong ito...