Dear Readers,
Kung mapapansin ninyo, may mga impormasyon dito sa planetang Exilon na magkaparehas sa impormasyon na makikita sa planetang Chrome. Ang dahilan ng pagkaparehas ng impormasyon ay magkapareho ang anyo ng dalawang planeta. Subalit may mga bagay na wala sa planetang Chrome na mayroon sa planetang Exilon at gayundin sa Exilon na mayroon sa Chrome. Basta, basahin ng maigi para matanto ang pinagkaiba ng dalawang planeta.
—Harry Dozen,
AwtorAng planetang Exilon ay ang pangalawang tagpuan sa nobelang Legend of Gemini ito ang tahanan ni Stellar Maxmillan. Dahil kambal na planeta ang Exilon at Chrome, kaunti lamang ang pinagkaiba ng dalawang planeta. Tulad sa ating planeta na Earth, 3/4 ang bahagdan ng anyong tubig at 1/4 naman ang bahagdan ng anyong lupa sa planetang Exilon. Gaya ng Earth, matubig ang planetang Exilon kaya maraming klase ng species ang makikita dito. May mga species din na nabubuhay dito sa Exilon na magkapareho sa planetang Chrome tulad ng direwolf, katllark, huskcorns at marami pang iba. Ang lahat ng mga species na ito ay nabanggit ni Orion sa nobela.
Surface Gravity : 9.807 m/s²
Orbital Period : 365 days to complete 1 revolution or year.
Rotation Speed : 23 hours, 56 minutes, 4.100 seconds = 1 day in planet Exilon
Average Orbital Speed : 29.78 km/s
Maximum Surface Temperature : Positive 52 degrees centigrade
Minimum Surface Temperature : Negative 89 degree centigrade
Average Orbital Speed : 29.78 km/s
Atmospheric Surface Pressure : 101.325 kPa (at MSL)
Composition of Atmosphere : 78.2% nitrogen (N2), 20.9% oxygen (O2), 0.930% argon, 0.039% carbon dioxide, 1% water vapor
Kung mapapansin sa impormasyon na ibibigay ko sa inyo, magkapareho ang pisikal na anyo ng planetang Earth, Chrome at Exilon.
Katulad ng planetang Chrome, ang planetang Exilon ay tinatayang 6.0 bilyong taon na ang edad, mas matanda kumpara sa ating planetang Earth na may gulang na 4.5 bilyong taon. May teorya na magkasabay ang transpormasyon ng planetang Chrome at Exilon dahil pareho ang hugis, sukat at ang distansya nito sa araw. Tulad ng planetang Earth, dumaan ng napakatagal na transpormasyon ang planetang Exilon bago ito naging sagana sa yamang likas. Halos magkapareho ang proseso na dinaanan ng planetang Earth, Chrome at Exilon para magkaroon ito ng buhay. Mula sa pagiging molten planet ay nagkaroon ng elementong oxygen kaya nabuo ang atmospera, sa pagkabuo ng atmospera nagkaroon ng mikroorganismo na siyang tinatayang pinaka-ugat ng ebolusyon ng sari-saring species.
Mahigit walong bilyong klase ang makikitang species dito sa planetang Chrome, ito'y mas maliit sa bilang ng species na matatagpuan sa planetang Chrome. May mga teorya na mas bumagal daw ang ebolusyon na nangyari sa mga species na naroroon sa Exilon kumpara sa ebolusyon ng mga species sa Chrome. May iilan ding species sa Exilon na mayroon sa planetang Chrome. Tulad sa planetang Earth at Chrome, ang mga homo sapiens o mga tao ang siyang pinakamataas na species sa planetang Exilon at ang naghahari sa ekolohiya. Kung pag-uusapan ang relihiyon, pinaniniwalaan na ang unang tao na nanirahan sa planetang Exilon ay galing sa planetang Chrome. Ayon sa banal na Writ o Holy Writ na katumbas sa ating bibliya dito sa Earth. Ang mga diyos at diyosa ay nagkaroon ng labanan at ang mga anak nila ay pinaghiwalay.
Nasa iisang orbito lamang ang planetang Chrome at Exilon ngunit magkasalungat ang distansya nito. Kung ang Northern Hemisphere ng planetang Chrome ay nasa Summer Solstice and Northern Hemisphere naman ng planetang Exilon ay nasa Winter Solstice. Tulad ng Earth ang dalawang kambal na planeta ay nakatagilid sa araw o Proxilius star. Upang maiwasan ang pagkalito ng aking mambabasa pinareho ko ang kalendaryo at oras ng ating planetang Earth sa kung ano ang mayroon sa Exilon at Chrome.
May limang kontinente ang planetang Chrome. At ito ay ang Sayt, Teyst, Smel, Heer, Tats. Magkaiba ang pamamalakad ng gobyerno ng Exilon sa Chrome kahit na monarkiya ang uri ng gobyerno. Walang magkakahiwalay na bansa sa planetang Exilon dahil ang kontinente mismo nito ay pinamumunuan ng limang gobyernador-heneral lamang.
Ang Sayt ang pinakamalaking kontinente sa Exilon. Nasa hilagang bahagi ito ng planeta. Sa ilalim na bahagi ng Sayt ay naroroon ang sentro ng emperyo. Mabundok at kaaya-aya ang klima dito.
Ang kontinenteng Teyst naman ay nasa kanlurang bahagi ng planeta at matatagpuan sa ekwador. Ang buong lupa dito ay buhangin dahil ito'y isang malawak na desyerto.
Ang kontinenteng Smel naman ay nasa silangang bahagi ng planeta at matatagpuan din sa ekwador, ito ang kasalungat ng Teyst dahil sagana sa halaman ang matabang lupain ng Smel.
Ang Heer naman ay naman ay nasa timog bahagi ng planeta. Nababalot ng yelo ang buong kontinente kaya maliit na pamayanan lamang ang nakatira dito.
Ang kontinenteng Tats naman ay nasa gitna ng apat na kontinente. Binubuo ito ng kapuluan at ang klima ay subtropiko kaya maraming sakahan ang nandirito.
Maraming mga kapuluan ang planeta at tulad ng Earth ang ilalim at itaas na bahagi ng Exilon ay mayroong magnetic pole. Nababalot ng mga tipak na yelo ang ilalim at itaas na karagatang bahagi ng planetang Exilon at ang ekwador nito ay may klimang tropikal.
Tungkol naman sa pamumuhay na mayroon sa planetang Exilon, ang buong planeta ay may iisang gobyerno ngunit mayroon lamang lima na kontinente na may mga gobyernador-heneral na siyang tumutulong sa emperador na magpalakad sa emperyo. Tulad sa planetang Chrome, monarkiya din ang klase ng gobyerno sa planetang ito at ang pinakamataas na posisyon sa monarkiya ay ang Emperador. Siya ang batas at ang pinuno ng buong Zekek o mga mamamayan ng planetang Exilon. Sa nobelang ito, wala pang naibanggit si Orion tungkol sa planetang Exilon pero sa susunod na mga serye ay magbibigay ako ng mga detalye tungkol sa emperyong Zekek.
Ang limang kontinente sa planetang Exilon ay pinamumunuan ng dalawang gobyernador-heneral o Governor General at tatlong makapangyarihang pamilya na dugong bughaw.
Umuusbong ang sining ng teknolohiya sa kahit saang aspeto ng pamumuhay sa planetang Exilon. Ito ang nagbigay daan sa kanila na madiskubre ang mga iba pang inhabitable satellites o mga buhay na buwan ng ibang planeta. Ginawa nilang kolonya ang mga buwan at ang Emperador din ang namumuno dito. Tulad ng limang kontinente sa planetang Chrome, may namumuno din sa mga kolonyang buwan at sila'y tinatawag na Chancellor. Ang mga Chancellor na ito ay mga dugong bughaw at isa ding maharlika kung maituturing. Ang katungkulan nila ay katumbas sa Governor General. Ang mga sumusunod na inhabitable satellites ay mga kolonya ng planetang Exilon:
1. Planet 54
2. Planet Rioté
3. Planet HeliosIba-iba ang anyo, sukat at hugis ng bawat satellites na kolonya ng Exilon pero iisa lang ang kanilang ginagamit na sistema mula sa komersyo, kalendaryo, pamamaraan sa pagsukat o sipnayan (sa wikang ingles pa'y standard system of measurement). Yzzrah ang tawag sa perang ginagamit ng mga mangangalakal dito sa Parthenon Galaxy para mas mapabilis at mapadali ang ibat-ibang komersyo.
BINABASA MO ANG
Legend of Gemini
Bilim KurguGusto mo ba ng kwentong may temang aksyon, gallactic aviators, virtual simulator, aliens, starships, beam guns, laser cannons, genetic modified na sundalo, mga sasakyan sa kalawakan, mga umaatikabong bakbakan ng mga androids? P'wes, ang kwentong ito...