Robonauts

1.7K 53 3
                                    



Ang mga robonauts ay mga synthetic organism na ginawa ng mga dalubhasang inhenyero para maging katuwang ng mga tao sa mabibigat na trabaho at paglalakbay sa kalawakan. Unang ginamit ng mga manlalakbay sa kalawakan ang mga robonauts para mapadali ang trabaho. Mayroong artificial intelligence ang mga robonauts at memorya kaya naisasagawa nito ang trabaho ng mabilis, tama at walang palya. Ibat-iba ang modelo ng mga robonauts depende sa manufacturer company nito. May mga robonauts na kasing laki ng 100 palapag na gusali at mayroon namang robonauts na kasing liit ng langgam.

Yari sa pinong materyales na metal ang kanilang hubog kaya hindi ito masyadong natitibag ng isang tira ng laser gun. May mga modelo ding robonauts na fire proof o hindi nasusunog at nalulunay sa init ng apoy depende sa resistant design nito. May mga robonauts na ginagamit pangsisid sa kailaliman ng karagatan sa isang planeta o hindi kaya'y pangsisid sa lawa ng langis. Mayroon ding robonauts na katuwang sa hospital at nag-aalaga ng mga maysakit o sugatang pasyente. Mayroon ding robonauts na ginagamit sa pagbabantay sa sanggol, naglilinis ng mga kalat sa kalakhang syudad, nagtatayo ng nagtataasang gusali at maging sa pagpapaganda ng mga tao sa kanilang sarili.

Lubos na malaki ang naitutulong ng robonauts sa sangkatauhan dahil hindi lang ito nagiging katuwang sa paglalabay sa kalawakan, maging sa medisina at komersyo ay may papel ang robonauts sa mundo nina Orion.

Ang ASTROBOTS Corporations ay isa sa mga pribadong kompanya na gumagawa ng mga samot-saring modelo na robonauts sa Parthenon Galaxy. Sinasabi na ang kompanyang ito ang pinakamalaki sa industriyang ito at ang nagmamay-ari ay isang maharlikang pamilyang Van Hautën. Sa susunod na serye ay malaki ang gagampanan ng pamilyang Van Hautën sa buhay nina Orion, Saturn, Anemone at Stellar.

Legend of GeminiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon