P.54 — Clay Planet, Shaking PlanetAng planet 54 ay unang kolonya ng gobyernong Zekek (Zekek - tao sa planetang Exilon). Ang planetang ito ay isa sa siyam na buwan o satellite ng planetang Zürchartéirmantorax o planet Z. Ito rin ang ikalawang pinakamalaking inhabitable satellite sa Proxilius system. Ito ang pinaka-unang nadiskubre na planeta ng mga Star Voyagers na naninilbihan sa kolonyang Zekek noong 5892 O.E. (Odyssey Era) - ang panahon na sumibol ang paglalakbay sa kalawakan. Ang mga sinaunang Star Voyagers ng Zekek ang tinatayang unang homo sapiens o tao na nakaapak sa kalupaan ng planetang ito
Surface Gravity : 12.0 m/s²
Maximum Surface Temperature : Positive 52.4 degrees centigrade
Minimum Surface Temperature : Negative 98.96 degree centigrade
Atmospheric Surface Pressure : 3.8 kPa
Composition of Atmosphere : 60.9% Nitrogen, 35.7% Oxygen, 0.6 Carbon Dioxide, 0.3% Octane, , 2.5% Other Gases
Nakuha ng planetang 54 ang kanyang pangalan dahil sa mga sinaunang astronomong nag-aaral ng mga planeta. Ita daw kasi ang ika limampu't na bituin sa kalangitan noong hindi pa naglalakbay ang mga tao sa kalawakan. Isang berdeng planeta ang Rioté, malalaki ang mga halaman na tumutubo sa mataba nitong lupa. Ang isa sa mga katangian ng lupa ng planeta ay ito'y malambot at pino ang mga bato na nandito. Isang palaisipan sa mga eksperto kung bakit ganito ang mga bato sa planeta kahit marami namang bulkan.
Sa sobrang laki ng mga puno ay natatakpan nito ang kalahating parte ng anyong karagatan ng planeta. Hindi bababa sa 80 metro ang taas ng mga damo dito at 390 metro naman sa puno. Dahil sa maraming bulkan ang planeta araw-araw ay may naitatalang malakas na lindol sa ilang parte nito kaya nabansagan itong shaking planet. Ang mga galaw ng Tectonic Plates ng planeta ay hindi katulad sa ibang planeta. Ang isa pang di-angkaraniwang taglay ng iilang halaman ay lumalanghap ito ng oxygen sa hangin at hindi ang carbon dioxide. Mas marami ang maaamong hayop sa planetang 54 at ito ang dahilan ng pagkarami ng kanilang populasyon. Kaunti lang kasi ang mga predator sa ekolohiya ng planeta at wala ding nilalang dito na kasing alam ng tao kaya madaling napasakamay ng mga Zekek ang planeta.
Dahil sagana sa Oxygen ang planeta, matubig ang buong atmospera nito. Ang ulap na naaabot ng mga matataas na halaman ay siyang nagpapalambot sa kalupaan nito at nagiging putik ang mga ito kaya tinatawag din itong Clay Planet. Kahit malambot ang lupa na kinakapitan ng mga higanteng puno, hindi naman ito natitinag sa lakas ng mga lindol.
Kaunti rin ang naitatalang bagyo sa planetang ito at hindi naaapektuhan ang mga syudad na itinayo ng kolonyang Zekek sa mga sanga ng mga higanteng puno. Maraming mga bakasyonistang namamasyal sa planetang 54 na gustong makisaliw sa indak ng tectonic plates. May mahigit 20 milyong turista ang bumibisita sa planeta taon-taon dahil ginagawa nilang aliwan ang lindol ng planeta at gayundin ang pagsabok ng mga bulkan.
Istrikto ang mga seguridad sa planeta, maraming nagbabantay na mga Star Cops at Star Rangers sa kalawakang territoryo ng planeta. Doon pa lang sa kalawakan ay inaabangan na ng mga Star Cops at Star Rangers ang mga turistang pumapasok sa atmospera ng planeta.
BINABASA MO ANG
Legend of Gemini
Science FictionGusto mo ba ng kwentong may temang aksyon, gallactic aviators, virtual simulator, aliens, starships, beam guns, laser cannons, genetic modified na sundalo, mga sasakyan sa kalawakan, mga umaatikabong bakbakan ng mga androids? P'wes, ang kwentong ito...