Isang buwan ang nakalipas ng mawala si Lolo Wu
biglang may mga lalaking dumating sa bahay ni Tanya
*tok*tok*tok.....
ah--sino ho sila? ano pong kailangan nio?... magalang na tanong niya sa mga ito...
nagtataka siya sa itsura ng mga ito bakit lahat sila nakasuit eh napakataas ng araw...
Ikaw ba si Miss Tanya?...tanong ng isa na may salamin,
ah...ehh...opo... bakit po... medyo kinabahan tuloy siya, wala naman siyang naalalang utang sa lider ng mga mukhang dealer ng real estate...
Miss Tanya, maari bang pumasok ng makapag-usap po tayo ng maayos?...tanong ng isa na mukhang init na init na sa suot niya...
nung una nagdalawang isip siya pero naisip niya na kaung may gagawin man ang mga ito dapat kanina pa kaya pinapasok na lang niya....
Ah hello po, naku maupo ho kayo, pagkatapos ay kumuha siya ng tubig para sa mga ito wala naman siyang stock ng kahit ano sa bahay niya dahil siya lang naman magisa
sino po sila? simulang tanong niya
AH, ipinapasundo ka nga pala ni Lolo Wu..halos pigil ang tawang sambit ng mga ito…
Ho? bakit ano po bang kasalanang nagawa ko sa inyo?
wala naman po akong naalalang masamang pakikitungo ang ginawa ko sa kanya eh…histerikal na sambit niya
naku iha, hindi sa ganoon gusto ka lang niyang makausap…
Ah ganun po ba kayo naman hindi niyo agad sinabi…saka ngumiti
sige ho , hindi na siya nagpalit dahil naka uniform pa naman siya sa tingin naman niya ok na iyon…
**********************
Tumigil ang kotse sa isang napakagandang bahay
Wow astig naman ni Lolo Wu, dito po ba siya nagtatrabaho?
maang na tanong niya sa mga lalaki…nakita niya na gulat! ang expression sa mga mukha ng mga ito…
Ha? hindi po?, saka napakamot...
siguro po kinupkop rin siya ng may ari niyan noh?...
hindi pa rin sumasagot ang mga ito…
sige na nga titigil nako sa pagtatanong eh kaninong bahay ba talaga toh? sa isip niya
tumikhim na lang siya at sumunod sa mga ito...
Pagpasok niya may mga maids na sumalubong sa kanila…
Hello po,..!!!! bati niya sa mga ito,
pero hinahanap ng mga mata niya si Lolo Wu yun naman kasi ang ipinunta niya dito
Pinaupo muna siya ng mga ito sa isang mahabang sofa…
pasimple siyang tumingin sa paligid nahihiya siya kasi mamaya sabihing ignorante siya noh, kaya naman pasimple lang ang ginawa niyang paglibot ng mga mata sa buong kabahayan…
Wow!!!, ang yaman naman ng may ari nito, parang nakakalula namang tumira sa ganito kalaking bahay…
Biglang maynagsalita, andyan na po si Chairman Wu, napainat siya sa pagkakaupo
sino bang Chairman Wu iyon? eh si Lolo Wu—
bigla siyang natigilan ng pagtingin niya, si Lolo Wu nga ang nasa harap niya, at nakaamerikana pa ito, kagalang galang ang ayos nito hindi tulad ng unang kita niya rito..
Kamusta ka na iha? napaigtad siya sa pagsasalita nito..
Lo—este Chairman Wu? sambit niya
kinausap muna nito ang mga maids at bodyguards malamang eh pinaalis nito, dahil umalis nga ang mga ito
Tanya, ako pa rin ito si Lolo Wu…
Ho? Lolo Wu? Chairman? Ano po?!!! mayaman kayo? oa na sabi niya..
napangiti lang ang matanda sa inasal niya
Naku ho? Pasensya na po kung alam ko lang po hindi ko po kayo pinakain ng noodles eh…sambit niya
Naku iha, ok lang iyon ......bumulong pa ito,
mas gusto ko pa iyon kesa sa pagkain dito…saka natawa at nagkatawanan sila
maupo ka iha... nang makaupo sila ay nagumpisa na itong chumika sa kanya...
ikinuwento nito ang buhay nito at ang problema nito sa kaisa-isang apo…hindi raw kasi ito seryoso sa buhay....
Kaya naman iha,...
gusto ko sanang tumira ka dito sa bahay para naman may makasama akong kaibigan dito,.....
ho?......
ikaw lang ang nagturing sa akin ng ganoon…mabait na sabi nito
po Lolo? hindinaman ho kailangan maraming taong nagaalaga sa inyo dito…
iha mali ka, kaya lang sila mabait sakin ay dahil may nakukuha silang sweldo mula sakin…
hindi naman po siguro ganoon lolo,..un lang at uminom ng juice na hinain sa kanya kanina
Iha bilang kapalit na lang din sa pagtulong mo sakin..
at isa pa hindi mo na kailangan pang isipin ang ipambabayad mo sa renta, tubig at ilaw.......
you can live here as long as you want, dagdag pa nito at isa pa gusto kong tumigil ka na sa pagtatrabaho at mag focus sa pagaaral mo…
pero kung gusto mo pa rin I can hire you to be one of my restaurant managers…
natigilan siya at napaisip pero ang pride pa rin niya ang namamayani....
Naku Lolo, hindi ko ho matatanggap yan, baka po magalit ang apo niyo pag nangyari iyon,....
sa kwento pa lang kasi nito feeling niya masama ang ugali ng apo nito
Wala siyang karapatang tumutol, hindi niya pagmamay ari ang bahay ko ako ang may desisyon kung sino ang gusto kong patirahin dito!!!!…medyo tumaas ang tono nito..
Po? Lolo kasi?... nakakahiya rin po eh…
wag kang ganyan Tanya, bilang pagtanaw ng utang na loob gusto kong pumayag ka na
at magagalit ako kapag hindi…maawtoridad na sambit nito
po?..masyadong nakakatempt ang offer nito…mahabang diskusyon pa ang nangyari pero sa huli ay napapayag rin siya nito…
kaya naman simula bukas ay doon na titira si Tanya sa Mansion ng mga Wu,
hope niya lang na hindi magkita ang landas nila ng kinukwentong apo ng lolo Wu niya…
medyo ilang pa nga siya dito dahil na rin sa nalaman niyang napakayaman pala nito…
Nang makauwi ay agad siyang nagimpake ng gamit nagpaalam na rin siya sa care taker ng maliit na bahay na inuupahan niya…
bye!!! bahay!!!.. paalam niya sa kanyang munting tahanan....

BINABASA MO ANG
My Lady
Teen Fictionwhat if Love comes between you and your enemy?...can you handle it?