Chapter 5

13 1 1
                                        

Ayesha's POV

"Class dismiss."

Instant kong hinila si Cady patayo at kinaladkad siya papunta sa labas. Buti na nga lang at hindi ko nakabangga ang ilang block mates ko.

"A-aray! Yah! Yesh, ano ba. Teka-- uy!" Hindi ko na siya pinakinggan at patuloy pa rin siyang hinila. Kita ko naman na nags-struggle siya dahil hindi naayos ang pagkasabit ng sling bag niya pero bahala na!

Hingal na hingal kaming dalawa ni Cady nang makarating sa isang bench dito pa rin sa third floor na medyo malayo-layo na sa room.

"Ano bang problema mo, Yesh?! Kanina ka pa wala sa sarili. Earlier sa class, lagi kang tulala and you were even shaking. Tapos ngayon, basta-basta ka nalang nanghihila. Ano ba talagang meron?" Nakapameywang na si Cady this time; waiting for an explanation to spill from my mouth.

Lumingon-lingon muna ako sa paligid para makasigurado na wala na siya sa paligid bago ko tiningnan ng diretso si Cady sa mata. Medyo na-guilty tuloy ako kasi nadamay pa siya.

"What now? I need an explanation." Mataray niyang pahayag kaya napabuntong hininga ako at nagpa-ubaya na, "Siya yung lalaking rapist-- este yung lalaking kinarate kid ko sa mall." Nakayuko ako habang sinasabi yan.

"Oh my God. Sino? Block mate ba natin? Kaya ka ba hindi mapakali kanina pa?" Dahan-dahan akong tumango, "So sino nga?" Pahabol niyang tanong.

"Si ano... yung si Kieran."

And the next thing I knew, halos mabali na ang magkabilang balikat ko dahil sa tindi at lakas ng pagyugyog niya.

"Kyaaa! Omg! Yung si gwapo?! My gosh! Seryoso?! Sobrang MTB!" Pinandilatan ko siya ng mata at agad kong tinakpan ang bibig niya. Lumingon ako sa paligid at nag-smile ng hilaw sa mga taong dumaraan.

"Will you please keep it down? Mapapahiya tayo sa'yo eh." Ngumiti siya ng malapad at nag-akto na zinizip ang bibig niya. Umirap nalang ako at bahagyang lumuhod para pulutin ang mga libro kong nahulog dahil sa lakas ng pagyugyog niya sa'kin.

"So that explains why palagi ka niyang tinititigan from behind." She said while giggling habang naka-luhod na rin sa harapan ko.

Hindi ko nalang siya pinansin at pinatuloy lang ang pagpupulot. Inarrange ko ang mga libro ng maayos saka ako tumayo at umupo ng bench.

"Mapaglaro nga talaga si tadhana." Napakunot ang noo ko nang makalingon kay Cady na ngayon ay nasa tabi ko na. Napaka-dreamy ng mga mata niya na para bang nag-iimagine siya ng kung ano.

Tinampal ko siya ng mahina sa balikat kaya ibinaling niya ang tingin niya sa'kin. Lasing yata 'to eh.

"Huy anong tadhana tadhana ang sinasabi mo dyan? Anong tingin mo sa buhay ko? Kanta ng UP DHARMA DOWN? Tsaka isa pa, hindi ako papatol sa isang rapist no. Don't me." Yucks. Iniimagine ko pa lang, nakakasuka na. Hindi masikmura.

"Hoy wala naman akong sinabi na papatol ka ah! Ikaw Yesh ha, pinapangunahan mo agad." Nangilabot ako sa ngisi na gumuhit sa labi niya habang sinusundot-sundot ang tagiliran ko kaya agad ko naman iyong pinatigil.

"Wag ka nga! I know you too well kaya alam ko na kung anong tumatakbo dyan sa isipan mo. Ang mabuti pa, magbihis nalang tayo for P.E." Suggestion ko sa kanya.

"Sus. Iniiba pa ang usapan. Pero seryoso, bagay kayo."

Seriously? What part of the fact na si Kieran yung sinapak ko ang di niya maintindihan?

"Tao kami Cads. Hindi bagay. Yan napapala mo sa kapapanuod ng mga nonsense romantic movies eh." Nauna akong tumayo sa kanya at syempre, sumunod din naman siya.

A Broken Vow [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon