039

2.2K 136 45
                                    

Jeon Wonwoo
• Active Now

6:02PM

Wonwoo: 'Wag ka sanang magalit pero sinundan kita kaninang uwian

Wonwoo: Hindi ko akalain na nagpapart time job ka pala sa isang convenience store

Fudge: Ah 'yon ba?

Fudge: Oo nagtatrabaho ako doon kada uwian

Wonwoo: Tanong lang ha?

Wonwoo: Bakit ka nagtatrabaho?

Fudge: Paano ako mabubuhay kung hindi?

Wonwoo: Wala ka bang mga magulang at kailangan mong magtrabaho para sa sarili mo?

Fudge: Wala na kasi sila

Fudge: Kaya kahit na mahirap, kailangan kong buhayin ang sarili ko nang mag-isa

Wonwoo: Sorry

Fudge: Ayos lang

6:16PM

Fudge: Ikaw Wonwoo?

Fudge: Nasaan ang mga magulang mo?

Wonwoo: . . .

Wonwoo: Tatay ko wala na, matagal na kaming iniwan. 'Yung nanay ko naman nagtatrabaho overseas

Wonwoo: Ayos lang naman ang buhay ko mag-isa dito. Nagpapadala naman siya ng pera regularly pero iba pa rin talaga 'yung nandyan siya at kasama ko

Wonwoo: Kahit kailan hindi ko naranasang may nag-aalaga sa akin tuwing may sakit ako bukod kay Mingyu

Wonwoo: Kapag perfect ako sa kahit anong exam, si Mingyu ang masaya para sa akin imbis na 'yung nanay ko

Wonwoo: Kapag malungkot ako, wala ang nanay ko sa tabi ko at si Mingyu lang ang kasama ko

Wonwoo: Buti pa si Mingyu 'no? Palaging lang nand'yan para sa akin

Wonwoo: 'Yung nanay ko kaya, kailan?

Fudge: Hindi ako makapaniwala

Fudge: You actually opened up to me

Wonwoo: . . .

Wonwoo: Tapos kapag nagkakausap kami sa phone, imbis na kamustahin niya ako, puro pa sermon ang binibigay niya

Wonwoo: Bakit daw bumaba mga grades ko, bakit daw nakikipagaway ako, bakit daw ako naninigarilyo at kung ano-ano pa

Wonwoo: Can't she see it? Siya ang may kasalanan kung bakit ako nagkakaganito. Wala siya dito para gabayan ako

Wonwoo: Hindi ko naman hinihiling na marami kaming pera e. Kahit kaunti lang, ayos na ako basta kasama ko siya dito

Fudge: . . .

Fudge: Alam mo Wonwoo, gusto ng mga nanay natin na bigyan tayo ng magandang buhay kaya minsan ay ginugusto nilang magtrabaho sa malayo kahit na napapalayo sila sa mga anak nila

Fudge: Hindi lang naman ikaw ang nalulungkot habang wala ang nanay mo. Siya din nalulungkot kasi malayo siya sa'yo

Fudge: Pero habang nandoon syia, alam niya sa sarili niyang ayos lang ang lagay mo dito kasi marami naman siyang pinapadalang pera

Fudge: Ang mga nanay natin, hindi naman perpekto 'yan. Nagkakamali din sila. Hindi nila alam na mas gusto nating makasama sila kesa marami ngang pera kaso wala naman sila

Fudge: Maswerte ka pa nga kasi may nanay ka pang nagtatrabaho para sa'yo

Wonwoo: . . .

Fudge: Pero sa ngayon na nasa Korea pa rin ang mama mo, pwedeng ako ang magalaga sa'yo kapag may sakit ka

Fudge: Ako ang magiging masaya kapag perfect ka sa exams at ako rin ang magpapasaya kapag malugkot ka

Fudge: Palagi lang naman akong nasa tabi mo 'di ba?

Wonwoo: Salamat Fudge

6:31PM

Fudge: Pero akala ko ba hindi mo ako pinagkakatiwalaan?

Fudge: Bakit mo sinabi sa akin lahat 'to?

Wonwoo: Siguro nga mali ang paniniwala ko tungkol sa'yo

Wonwoo: Sorry if I judged you too quickly

Fudge: Wonwoo 'wag kang ganyan pinapakilig mo ako!!!

Wonwoo: I did? Sorry haha

Fudge: You actually laughed?!

Fudge: Wala na akong energy gawa ng trabaho ko tapos papakiligin mo ako nasaan ang hustisya?

Wonwoo: You should take a rest

Wonwoo: I promise to trust you from now on, don't worry :)

Fudge: . . .

Fudge: sHET

FUDGE / wonwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon