Jeon Wonwoo
• Active Now3:15PM
Wonwoo: Miss na miss na kita Fudge
Wonwoo: Miss ko na ang kakulitan mo, mga luto mo, mga yakap mo at mga ngiti mo
Wonwoo: Gusto kitang lapitan at yakapin kaso pakiramdam ko kada lalapit ako, lalapit din ang kapahamakan sa'yo
Wonwoo: Alam mo bang ang hirap kapag wala ka sa tabi ko?
Wonwoo: Parang wala akong lakas at parang ang bagal ng oras
Wonwoo: Hindi ko nga din alam kung paano ako nakaraos ng isang linggo na wala ka
Wonwoo: . . .
Wonwoo: Kasalanan ko 'to
Wonwoo: Kasalanan ko kung bakit nasa panganib ang buhay mo
Wonwoo: Kaya kahit na ayokong putulin ang koneksyon natin at iwan ka ay kinaya ko pa rin gawin 'wag ka lang saktan ni Jackson
Wonwoo: Kasi kahit na ang pansarili kong kaligayahan ay kaya kong isakripisyo para lang sa kaligtasan mo
Wonwoo: Alam mo bang nainsulto ako doon sa sinabi mong baka hindi naman talaga kita minahal?
Wonwoo: Fudge hindi totoo 'yon
Wonwoo: Mahal na mahal kita at walang salita ang makakapag paliwanag sa nararamdaman ko tuwing kasama kita
Wonwoo: Kahit ano man ang nakaraan mo ay tanggap kita at kahit kailan ay hindi kita huhusgahan
Wonwoo: Please huwag mong iisipin na pinagtiisan lang kita dahil naawa lang ako sa'yo dahil hindi totoo 'yan
Wonwoo: Nanatili ako sa tabi mo hindi dahil sa simpatya kundi dahil mahal talaga kita
Wonwoo: . . .
Wonwoo: Ngayong wala ako sa tabi mo, sana alagaan mo ang sarili mo
Wonwoo: Alam mo bang sobrang nagaalala ako sa'yo?
Wonwoo: Kasi kung wala ako sa tabi mo, sino na lang ang magpapaalala sa'yo na hindi ka naman mataba para lang kumain ka sa tamang oras?
Wonwoo: Baka ginugutom mo ang sarili mo ngayon. Please Fudge 'wag ganyan
Wonwoo: At sana din 'wag mo na ulit iisipin na magpakamatay kasi marami ka pang rason para mabuhay at isa na ako doon
Wonwoo: Mahal na mahal kita
Wonwoo: Aayusin ko 'to at malalampasan natin ang lagat
Wonwoo: Please 'wag ka munang bibitaw
You cannot reply to this conversation.
Messages not sent.
BINABASA MO ANG
FUDGE / wonwoo
FanfictionIn which Fudge Almendral messages Jeon Wonwoo to give positivity and bring back his old self despite the latter's arrogant attitude F U D G E ㅡWonMo Epistolary 2016 © SALTYPASTRY