079

1.6K 118 23
                                    

Jeon Wonwoo
• Active Now

10:00AM

Wonwoo: Tangina

Wonwoo: Hinihingal pa rin ako

Wonwoo: Ngayon lang ako nakatakbo ng ganoon kabilis sa buong buhay ko

Fudge: Tangina naman kasi ni Mingyu

Fudge: Landlady pala ng bahay niya 'yung babaeng humabol sa atin paano ba naman ayaw pa magbayad ng renta

Fudge: Akala ko mamamatay na tayo

"Magkasama naman tayo ngayon bakit pa natin kailangan mag-chat?" tanong ni Wonwoo sa akin habang naglalakad kami sa gitna ng ulan.

"Nahihiya kasi ako sa'yo" sagot ko.

"Bakit naman?" tanong niya kaya ngumiti lang ako.

Wala kaming mapuntahan. Basang-basa na kaming dalawa. Waterproof naman parehas ang cellphone namin kaya walang problema.

Kaso giniginaw na talaga ako at alam kong siya rin.

Wonwoo: Saan na tayo pupunta?

Fudge: Ewan ko

Fudge: Pero ayoko nang umuwi sa apartment ko kahit magkamatayan na!

Wonwoo: Hmm

Wonwoo: Doon ka muna sa bahay namin?

Fudge: May pasok pa bukas

Wonwoo: Baliw

Wonwoo: Christmas break na

Fudge: HALA OO NGA PALA

Fudge: Wala nang pasok yay!

Fudge: Wala na din akong trabaho!

Wonwoo: So I've been thinking about this

Wonwoo: Ayos lang ba sa'yo na sa bahay ka namin mag-pasko?

Fudge: . . .

Fudge: Seryoso?

Wonwoo: Oo

Wonwoo: Ilang taon na din kasi akong walang kasamang mag-celebrate ng pasko

Wonwoo: At alam kong ikaw din

Wonwoo: Masaya siguro kung magkasama tayo sa araw na 'yon tama?

"Hala teka . . ." sabi ni Wonwoo kaya napatigil ako sa paglalakad.

Nagulat ako nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Umiiyak ka ba?" tanong niya.

Napayuko ako tapos pinunasan ko ang luhang kumawala sa mata ko.

"A-Ano masaya lang ako. Simula kasi nang mawala ang parents ko, h-hindi na ako nag-celebrate ng pasko" sabi ko.

Niyakap ako ni Wonwoo.

"Hindi ka na nag-iisa ngayon Fudge. Kasama mo na ako sa lahat ng pagkakataon simula ngayon" sabi niya.

Niyakap ko siya pabalik. Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya ngayon. Ilang sandali pa ay humiwalay na siya sa yakap at hinalikan ako sa noo.

"Umuwi na tayo sa amin at baka magkasakit ka pa" sabi niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at nagsimula na ulit kaming maglakad sa gitna ng ulan.

"Fudge . . ."

Napatingin ako kay Wonwoo nang tawagin niya ako.

"I love you"

Napangiti ako bago sumagot.

"I love you too"

FUDGE / wonwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon