Jeon Wonwoo
• Active 30 minutes ago7:19PM
Fudge: Wonwoo? Anong problema?
Fudge: Nagbibiro ka lang ba?
Fudge: Kasi kung oo, hindi magandang biro 'yan
Fudge: May nasabi ba ako?
Fudge: May nagawa ba ako?
7:24PM
Fudge: Ah haha
Fudge: Siguro na-realize mo na hindi mo kayang magmahal ng isang kagaya kong nagalaw na
Fudge: Tama ba ako Wonwoo?
Fudge: Pasensya na ha?
Fudge: Sorry kung nag-assume akong matatanggap mo ako
Fudge: Siguro napilitan ka lang noong sinabi mong tanggap mo ako 'no? Naawa ka lang talaga sa akin
Fudge: Baka nga hindi mo talaga ako minahal e. Wala ka lang talagang choice kaya pinagtiisan mo na lang ako
Fudge: Sorry kung naging makulit ako
Fudge: Sorry sa paghahabol ko sa'yo
Fudge: Sorry din kung mapilit ako minsan
Fudge: At lalong-lalo nang sorry dahil pakialamera ako
Fudge: Siguro kung sinunod lang kita noong sinabi mo sa akin dati na stay out of my business edi sana hindi ako nasasaktan ng ganito ngayon
Fudge: Ang kulit ko kasi e haha
Fudge: Buhay ko nga hindi ko maayos tapos mangingialam pa ako ng buhay ng iba?
Fudge: Sino nga ba naman ako para mahalin mo 'di ba?
Fudge: Isang babaeng na-rape na walang patutunguhan sa buhay
Fudge: . . .
Fudge: Akala ko pa naman, mararanasan kong mag-celebrate ng Pasko nang may kasama
Fudge: Pero sa ginawa mo ngayon, masasabi kong eto ang pinaka malungkot at pinaka masakit na Paskong naranasan ko
Fudge: Merry Christmas Wonwoo
Fudge: Uuwi na ako
Fudge: Salamat sa lahat
BINABASA MO ANG
FUDGE / wonwoo
FanfictionIn which Fudge Almendral messages Jeon Wonwoo to give positivity and bring back his old self despite the latter's arrogant attitude F U D G E ㅡWonMo Epistolary 2016 © SALTYPASTRY