048

2.1K 125 42
                                    

Jeon Wonwoo
Active Now

10:59PM

Wonwoo: Fudge?

Wonwoo: Most probably tulog ka na dahil alam kong pagod ka sa tutoring lessons natin pero I just want to open up again

Wonwoo: These past few days kasi naiisip ko na naman si Freya

Wonwoo: Naisip ko na baka kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko kapag nakwento ko na sa'yo lahat ng tungkol sa kanya

Wonwoo: Kaya sasabihin ko na

Wonwoo: . . .

Wonwoo: Dati kasi sobrang lungkot ko dahil kakamatay lang ng girlfriend ko na si Faith

Wonwoo: I stopped talking to everybody except Mingyu. Wala akong pakialam sa nangyayari sa paligid ko at palagi lang din akong nasa sulok at nagmumukmok

Wonwoo: Hindi man lang kasi sinabi sa akin ni Faith na may sakit siya. Nalaman ko na lang nang mabalitaan ko sa pamilya niyang wala na siya

Wonwoo: Kaya galit na galit ako sa sarili ko noon. May malalang sakit pala ang taong mahal ko pero wala man lang akong nagawa

Wonwoo: Wala akong kwenta

Wonwoo: . . .

Wonwoo: Dahil sa pagkawala ni Faith ay unti-unti nang nagbago ang mundo ko. Natuto akong manigarilyo. Naging habit ko na din ang makipagkarera ng motorsiklo. Madalas na din akong makipagaway

Wonwoo: Hanggang sa isang araw, Freya came into my life

Wonwoo: She approached me through chat at nainis pa nga ako sa kanya noon kasi ang kulit niya tapos ang hilig pang makialam sa lahat ng ginagawa ko

Wonwoo: Kahit palagi ko siyang pinapalayo sa akin, nandyan pa rin siya. Kahit minsan nasisigawan ko na siya, hindi pa rin niya ako iniiwan

Wonwoo: Hindi talaga siya umaalis sa tabi ko. Kasama ko siya when I need a shoulder to lean on. Handa siyang makinig sa mga problema ko. Napapagaan niya ang pakiramdam ko

Wonwoo: Tinulungan din niya akong maka-move on kay Faith at inalis niya ang mga negatibong pagtingin ko sa mga bagay

Wonwoo: She brought positivity again in my life and she's just too good to be true. Hanggang sa isang araw inamin ko na lang sa sarili kong mahal ko na siya

Wonwoo: Nag-confess ako sa kanya. Sabi niya parehas rin ang nararamdaman niya sa akin pero hindi daw talaga pwede kaming dalawa. Tinatanong ko siya kung bakit pero ayaw niyang sabihin

Wonwoo: Isang araw nawala siya bigla at nalaman ko na lang na may sakit din siya kagaya kay Faith

Wonwoo: Heart failure

Wonwoo: At wala na naman akong nagawa hanggang sa kunin na din siya sa akin kagaya ni Faith

11:26PM

Wonwoo: Maybe Mingyu is right

Wonwoo: May sumpa nga ata ako kaya lahat ng taong minamahal ko ay namamatay

Wonwoo: Alam mo na siguro kung bakit hirap akong magtiwala. Kasi natatakot ako na baka iwanan na naman pagdating ng panahon

Wonwoo: But somehow, I have this feeling na iba ka sa kanilang dalawa. Kaya I'll give my full trust to you from now on Fudge

Wonwoo: Sana hindi mo ako iwan. Sana tupadin mo ang pangako mo na nandito ka lang palagi sa tabi ko

Wonwoo: . . .

Wonwoo: Tulog ka na nga

Wonwoo: Sleep tight prinsesa

SNSD's Tiffany as Faith
AOA's Seolhyun as Freya

FUDGE / wonwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon