095

1.4K 75 120
                                    

Trigger Warning [!]

Mentions of abuse, suicide, misconduct and such. Read at your own risk.

Jeon Wonwoo
• Active Now

3:49PM

Fudge: Hi Wonwoo

Fudge: Wala lang, na-miss lang kita bigla

Fudge: Tsaka lately kasi wala na akong makausap

Fudge: Ayos lang naman siguro kung mag-open up ako dito 'di ba?

Fudge: Hindi mo din naman 'to mababasa kaya lulubusin ko na

Fudge: Sasabihin ko na lahat ng sikreto ko

Fudge: . . .

Fudge: Hindi lang ako basta-basta rape victim

Fudge: May sakit din ako sa puso

Fudge: Iniwan ako ng magulang ko sa daan dahil wala daw akong kwenta at mamamatay na din naman ako

Fudge: Ilang beses akong na-bully at na-bash sa dating eskwelahan na pinapasukan ko

Fudge: Alam mo bang kinalbo ako ng mga kaklase ko dati?

Fudge: Nakakatawa 'di ba? Haha

Fudge: Malandi daw kasi ako

Fudge: Malandi ba ang magkagusto sa isang teacher Wonwoo?

Fudge: Hindi naman siya ganoong katanda kasi fresh graduate pa lang siya noong nagturo siya sa amin

Fudge: Hindi ba nila alam na kaya ko nahulog sa teacher na 'yon ay dahil may naibibigay siya na kahit kailan ay naibigay ng tao sa paligid ko?

Fudge: Respeto

Fudge: Pero 'yon ang akala ko

Fudge: Mga ilang buwan din sigurong naging kami bago ko nalaman na niloloko lang pala niya ako at pinagpustahan lang nila ako ng mga kaibigan niya

Fudge: At oo, siya ang gumalaw sa akin

Fudge: Hindi ba tinatanong mo kung nasaan na siya ngayon?

Fudge: . . .

Fudge: Pinatay ko siya

Fudge: Ano kayang magiging rekasyon mo kapag nalaman mo?

Fudge: Na 'yung Fudge na nagbibigay liwanag sa buhay mo, kriminal pala?

Fudge: Ilang beses ko na din sinusubakang magpakamatay kaso palagi akong nakakaligtas

Fudge: Mula sa paglaslas ng pulso ko at pag-overdose sa mga gamot, lahat ata nasubukan ko na

Fudge: Pero may rason pala kung bakit palagi akong nakakaligtas at naipagpapatuloy pa rin ang buhay ko

Fudge: Kasi makikilala pala kita

Fudge: At isa 'yon sa mga bagay na hinding-hindi ko pinagsisisihan na mangyari

Fudge: Nasasaktan ako ngayon, oo

Fudge: Pero salamat pa rin kasi kahit papaano ay pinaranas mo sa akin ang pakiramdam na may nagmamahal

Fudge: And it's priceless

Fudge: Kahit anong halaga ay hindi matutumbasan ang nararamdaman ko tuwing kasama kita

Fudge: . . .

Fudge: Ang drama ko na naman

Fudge: Pero gumaan ang pakiramdam ko kasi nasabi ko na sa'yo lahat kahit hindi direkta

Fudge: Pero kung malalaman mo kaya ang lahat ng 'to ay magbabago ang tingin mo sa akin?

Fudge: Ay, nagbago na nga pala :)

Fudge: Sige ititigil ko na 'to

Fudge: Sana masaya ka ngayon

Fudge: Tanga na kung tanga pero pagkatapos ng lahat ng nangyari, mahal pa rin talaga kita

You cannot reply to this conversation.
Messages not sent.

FUDGE / wonwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon