Epilogue

2.1K 93 81
                                    

❝Stop playing around, I know you're still there. Believe you'll come back, so I stay right here.


I know I still need you no matter what I do. Holding back tears till the day I see you❞

Seventeen,
Don't Wanna Cry

━━━━━━━━━

WONWOO's

There's this girl,
She brought light
Into my gloomy world,
She made everything right

Her smiles are gems,
It makes me happy
Her eyes are jewels,
She's really pretty

But her life was done,
Darkness was left
I am once again gone,
To my old sad self

"How was the poem Fudge? Ako mismo ang nagsulat nito" mahinang sabi ko habang nakaupo sa harap ng lapida ni Fudge.

Pinilit kong ngumiti tapos binalik ko ulit ang tingin ko sa hawak kong papel kung saan nakasulat ang tula na ginawa ko.

"This may not be as good as your poem for me pero pinaghirapan ko 'to. Just like how you exerted effort para mapalapit sa akin" sabi ko.

Humangin nang malakas. Kakatapos lang umulan kaya malamig ang paligid. I remembered Fudge's obsession over rain. Kahit saan ata ako tumingin, lahat ng bagay na makita ko ay nagpapaalala sa kanya.

Sinabi sa akin ni Jihyo na may sakit daw sa puso si Fudge. Sinabi din sa akin ni Jihyo na dapat ay dalawang buwan na lang ang buhay ni Fudge pero umabot pa siya ng limang buwan dahil daw lumalaban talaga siya para sa akin.

Naisip ko tuloy na kung hindi lang sana siya namatay agad, may pag-asa pa siyang mabuhay nang mas matagal dahil alam kong kaya niyang labanan ang sakit niya.

Matapang siya. Alam kong kakayanin niya. Pero wala, kinuha pa rin siya sa akin.

Namatay ang sindi ng kandila kaya kinuha ko ang lighter sa bulsa ko para sindihan ulit 'yon. Napabuntong-hininga ako.

Nakakapanibago. Wala nang nangungulit sa akin.

Naalala ko ang mga panahon na kinukulit niya ako sa chat. I admit she's annoying at first. Noong unang chat nya kasi, I'm still mourning dahil kakamatay lang ni Freya.

Hindi rin naman nagtagal ay nasanay na ako sa presence niya. Hinahanap-hanap ko na ang makukulit niyang chats at ang mga kwento niya about sa mga bagay na lubos na nakakapag-pasaya sa kanya.

Another thing that I like about her is that she makes the most delicious meals. Kahit na alam kong never na akong makakatikim ulit ng luto niya, masaya na ako sa thought na minsan na niya akong pinagluto.

She's also thoughtful and caring. Mas inuuna pa niya ang kapakanan ng iba kesa sa sarili niya. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses na siyang hindi kumain ng lunch para lang ibigay sa akin.

I miss you Fudge. I miss your voice, your laugh, your hairㅡ everything about you.

Noong mga panahong nandito pa siya, something tells me that I don't deserve her. Marami pang ibang lalaki d'yan na mas kaya siyang ingatan at pahalagahan kesa sa akin. Kaya I promised myself, gagawin ko ang lahat para lang maging deserving.

Ganoon nga ata talaga. Binigay siya sa akin para buuin ko at binigay din ako sa kanya para buuin niya. She succeed in fixing me, but I failed her miserably. Mas lalo ko lang siyang nasira at nasaktan.

But I still don't understand Faith, Freya and Fudge's true intention. Bakit pa nila ako binuo kung sisirain lang din naman nila ako ulit?

Pero inaasahan ko nang ganito rin naman ang kakahantungan namin ni Fudge. Pangatlong beses na 'tong nangyayari sa akin. Bakit ganito? Pakiramdam ko pinaglalaruan ako ng tadhana.

Mukhang tama nga ata si Mingyu. May sumpa nga ata talaga ako kaya lahat ng taong minamahal ko ay namamatay.

Kahit na naiwan nila ako dito na nasasaktan, ayos lang dahil alam kong masayang-masaya na silang tatlo sa lugar kung saan walang problema. That thought is enough para mapagaan ang pakiramdam ko.

I'm glad na natapos na ang mga paghihirap nila sa buhay kahit na ang akin ay hindi pa.

"Fudge, kasama mo na siguro ngayon si Freya at Faith 'no? Basta lagi lang kayong ngingiti, ayos lang ako dito" mahinang sabi ko. But in reality, I'm far from being okay.

Humangin na naman ng malakas. Alam ko sa sarili kong kasama ko silang tatlo ngayon. Napatingin naman naman ako sa tatlong litrato nila na hawak-hawak ko.

Faith Capistral

Ang una ay picture ni Faith habang may yakap-yakap na Tinkerbell stuffed toy sa loob ng mall. I remember this day very well. Birthday ng kapatid niya at humahanap kami ng regalo. I ended up buying one for her too at hindi mawala sa isip ko kung paano niya ako niyakap at pinasalamatan noon.

Freya Madrigal

Stolen picture naman ni Freya ang pangalawa habang kumakain ng ice cream. This is after her spoken poetry competition at binilhan ko siya ng ice cream bilang treat. Despite hating big crowds and facing a lot of people, she did very well. Magaling kasi talaga siyang magdulat

Fudge Almendral

The last one ay kuha sa apartment ko habang natutulog si Fudge. She's so pretty. Hindi mo aakalain na ang dami dami niyang problemang dinadala. Kaya nga kahit ako mismo ay hindi ko napansin.

Magpahinga ka na mahal.

Though Faith, Freya and Fudge changed my perspective and left me brokenhearted, hindi pa rin ako nagsisisi na minahal ko sila. I don't regret falling for them.

They're the risk I don't mind taking again and again.

I still thank them for the temporary happiness they made me feel and the temporary smiles that they gave me. Kahit na ilang beses nilang sinabi na hindi ako iiwan pero umalis pa rin sila, it's okay.

Those lies mean the world to me.

Nagtaka ako nang may isang picture pa akong makuha sa likod ng kay Fudge. Ah, blank polariod. Napasama lang siguro dito. Magagamit ko pa 'to.

Napatingin ako sa kawalan at pumasok sa isip ko ang isang tanong na matagal ko nang iniiwasan na sagutin.

Sino naman kaya ang susunod?

FUDGE / wonwooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon