Kabanata 15: Sa Labirint

334 16 0
                                    


Kabanata 15: Sa Labirint

Mga huni ng ibon ang gumising sa akin sa araw na iyon.

Iminulat ko ang aking mga mata dahil sa liwanag ng araw na tumatama sa aking mga mata. Hindi ko man alam kung panaginip lang ba o hindi ang lahat ng mga pangyayari noong gabi ngunit alam kong ito'y nagbigay ng ngiti sa aking mga labi.

Iniunat ko ang aking mga kamy at kaagad na bumangon mula sa aking kama at sumilip sa bintana upang pagmasdan ang magandang araw. Napangiti ako ng maalala ulit ang mga pangyayaring hindi ko mawari kung totoo ba talagang nangyari Nakita kong may kausap si Leonardo na isang hardinero at nang maramdaman niyang may nakamasid sa kanya ay tumingin siya sa akin at ngumit. Ngumiti rin ako bilang tugon at kumaway ng mahinhin. Malandi. Mahinang bulong ng isip ko at napatawa na lang mag-isa.

Inalis ko kaagad ang tingin ko sa labas dahil sa naghuhuramentado. Kaagad akong napahawak sa dibdib ko na halos mawalan na ako ng hininga. Anong nangyayari sa akin? Kinalma ko muna ang sarili ko at dahan-dahang sumilip sa manipis na puting kurtina na yari sa seda. Nakita kong tumingin muli si Leo sa kinatatayuan ko at kaagad naman akong napaatras upang hindi makita. Luminga-linga si Leo sa paligid na para bang may pinagtataguan.

Nang makasiguro na siyang wala ng tao ay tumakbo siya ng mabagal hanggang sa nawala na siya sa paningin ko. May tinatago si Leo at nakakasiguro ako dun. Dagli kong sinuot ang tsinelas ko at kaagad na binuksan ang pinto para habulin si Leo. Kailangan kong malaman kung ano ang pakay niya. Baka may kinalaman ito sa 'sikretong hindi mabubunyag' na sabi ni Esmeralda nung gabing nagpakita siya sa akin.

Mabilis kong tinahak ang mga hagdan. Baka hindi ko maabutan si Leo. Nakalabas na ako sa mansion ngunit walang Leo ang bumulaga sa akin. Isang malawak na hardin lang ang aking nakikita. At papaanong biglang naglaho ang lalaking yun? Humakbang ako ng paunti-unti at pilit na inaalala ang daang tinahak ni Leo.

 At papaanong biglang naglaho ang lalaking yun? Humakbang ako ng paunti-unti at pilit na inaalala ang daang tinahak ni Leo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napunta ako sa isang maliit na labirint. Hindi ko na alam kung saan ang daang tatahakin ko. Pinagmasdan ko muna ang paligid. Alam kong pamilyar sa akin ang lugar na ito. At doon na nagsimulang bumalik ang mga alaala ko sa aking isipan. Sure it looks different ngunit alam kong ito ang mismong hardin kung saan ako nahulog at napadpad dito sa bayan ng Lemarris. Nawala man ang mga matataas na mga halaman ngunit alam ko kung ano ang nakita ko.

Maraming mga landas ang lumantad sa akin at hindi ko alam kung saan dito ang daanang tinahak ni Leo. Alam kong mauubusan na ako ng oras kaya kailangan ko ng mag-isip ng paraan para masundan si Leo.

Ipinikit ko ang aking mga mata at ipinalagay ko ang aking sarili sa araw nang ako'y tumastas palayo sa mansiyon. Malabo man ang aking paglalarawan ay nilakad ko na ang alam kong tarundong patungo sa tagong silid kung saan ako bumagsak.

At nang tiyak na ako kung saan ako nakapwesto at iminulat ko na ang aking mga mata at nasilayan ang sarili sa isang tapat ng isang estatwa. Napasinghap ako sa aking nakita. Isang rebulto ang lumitaw sa akin. Ito ay may hawak na sibat at nakapakay sa akin. Ang mga mata nitong nakatingin sa akin ay nagdagdag sa kilabot na aking nararamdaman.

Nasaan na si Leo?

"Arlene!" napaigtad ako nang narinig kong tinawag ako ni Leo. Lumingon ako at naglakad patakbo siya patungo sa akin.

"Wala ka sa kwarto mo. Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko muna siya nasagot dahil sa mga katanungang tumatakbo sa aking isipan. Paanong nakarating siya sa aking silid na hindi ko man lang siya nakakasalubong?

"A eh nabighani lang ako sa ganda nitong hardin." Pagpapalusot ko. Tiningnan ako ni Leo at alam kong may pagdududa siya sa dahilan ko. Alam kong may kababalaghan ang nangyayari ngayon sa manor na ito at alam kong alam ni Leong may naghahanap ako ng mga kasagutan.

"Halika na at lalamig ang mga pagkaing inihanda ni Nana Ising sa atin." Aya ni Leo. Hind agad ako nakagalaw dahil na rin sa aking pagkabigla sa mga pangyayari. "'Lika na." hinawakan ako ni Leo sa balikat at ginabayan ako palabas ng labirint. Nakaramdam ako ng kilabot sa pagdikit ng balat ni Leo dahil sa kanyang misteryosong katauhan. Sino ka ba talaga Leo?

-------

Walang nagsasalita sa amin ni Leo sa pag-almusal. Kumakain lang siya habang nagbabasa sa diyaryo. Nagkukunwari siya na parang walang nangyari. Wala siyang binangit sa mga pangyayari kanina at kahapon.

Kumunot naman ang kilay ni Leo sa knayang binabasa. Gustuhin ko mang alamin kung ano yun ngunit hindi naman ako nakakintindi ng espanyol na siyang lengguwaheng gamit ng nasabing pahayagan.

"Bakit? Anong problema?" tanong ko ngunit di niya ako sinagot bagkus binaba niya ang kapeng iniinom at tinawag si Nana Ising.

  "Nana Ising, pakihanda ang karwae madali!" at kaagad na sinuot ang tsaleko nito. Nakita kong inilapag niya ang diyaryo sa lamesa at kaagad na sinilip ito. Hindi ko man maintindihan ang mga nakasaad sa pahayagan ngunit napasinghap ako sa nakitang larawan. Isang lalaking puno ng mga pasa na animo'y kinulata ng mga guardia sibil.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ang Misteryo sa Alejandro ManorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon