Nakatago lang ako sa isang halaman habang minamasdan ang dalawa. Nakaupo lang si Leonardo sa fountain habang pinipinta siya ni Victoria. Ano ba tong napasok kong to? Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip kung bakit ako napunta dito.
"Saan mo naman natutunang magpinta?" Tanong ni Leo sa dalaga.
"pinadala kasi ako ng aking ama sa ibang bansa para mag-aral. Doon ko rin natutunan kung paano magpinta." sagot ni victoria ng nakangiti habang patuloy na nagpipinta.
"ahh.. " Ngumiti lang ang binata. Arrgh! nangangatal na ang katawan ko dito sa katatayo. Sinubukan kong magbago ng posisiyon ngunit nawalan ako ng balanse kaya napahiga ako sa malambot na damo.
Nagulat naman ang dalawa ng makita nila akong nakahiga sa harap nila. Tumayo si Leonardo at lumapit sa akin. Sumunod naman si Victoria sa likod niya.
"Nasaktan Ka ba?" inalalayan ako ni Leonardo na tumayo. Hala! nakita nila ako. "teka.. sino ka? at anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko.
"ahh..uhh. O-oo." napalunok ako. Sasabihin ko kaya? "Ako si Arlene at.. at.. Isa akong bisita dito." pagdadahilan ko.
"Sinong kasama mo dito?" Nakalapit na si Victoria sa amin.
"A..eh. Ako lang mag-isa dito." sana wag na nila akong tanungin ulit. wala na akong maisasagot.
"Uhhm.. Victoria, ituloy na lang natin yung pagpipinta mo." Tumalikod na si leonardo ngunit tumitingin siya sa akin. Parang may sasabihin pa sana si Victoria ngunit sumunod rin siya kay Leonardo at bumalik sa upuan. Sinundan ko sila at tiningnan ang pinipinta ni Victoria.
Maganda ito. gayang-gaya si leonardo at tama nga ako. kahit hindi pa tapos ang painting ay alam ko na na ito yung painting na nakita ko sa nakatagong kuwarto sa manor. nagpatuloy lang si Victoria sa pagpipinta at ako naman ay nababahala na sapagkat tumitingin sa akin si leonardo.
"Tapos na.." Ipinakita ni Victoria ang natapos na painting. Hindi nga ako nagkamali. Ito nga yun.
"Maganda.." Sabi ni Leonardo tapos tumingin ulit siya sa akin. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso dahil nasilayan ko na naman ang kulay abo ngunit mapang-akit niyang mga mata. Nagtititigan lang kami hanggang sa nagsalita si Victoria.
"Uhhhhm.. sa tingin ko. Mas mabuti pa at pumasok na tayo sa loob at mukhang bubuhos na ang ulan." Napatingin kami sa madilim na kalangitan. Mukhang uulan nga maya-maya lang. Pumasok kami sa mansiyon na walang umiimik kahit isa.
Bumalik kami sa lugar kung saan ako napunta kanina. Marami pa ring tao ngunit mukhang may paalis na sila. Balak ko sanang umalis na sa lugar na ito ngunit narinig kong may tumawag sa aking pangalan.
"Arlene! Saan ang punta mo?" Dahan-dahan akong tumingin sa likod. Nakita kong lumalapit si Leonardo sa akin. "Hapunan na.. Hindi ka ba kakain?"
BINABASA MO ANG
Ang Misteryo sa Alejandro Manor
Narrativa Storica|MYSTERY| HORROR | ROMANCE | THRILLER | FANTASY | Sa bayan ng Lemarris ay may isang mansiyon na tinatawag na Alejandro manor. Paano kaya kapag napunta ka dito at hindi ka na makabalik hanggang malaman mo ang sikretong bumabalot dito. this story is...