Kabanata 8: Si Esmeralda
Gulo pa rin ang isipan ko sa mga sinabi ni Leo. May tinatago ba siya silid kung saan nakita ko ang diary ni Esmeralda? Oo nga pala. Bakit nasa kanya ang diary ni Esmeralda? Ninakaw niya ba ito? Hayy.. Puro na lang katanungan ang nasa isipan ko.
Bumalik kami ni Leo sa Pamilihang bayan. Iwinaglit ko na lang ang mga haka-haka ko at itinuon ang pansin ko sa mga alahas na naka-display sa labas. Ang gaganda ng mga alahas na nakahilera sa isang baul. Nagkikislapan ang mga diamante at brilyante sa mga pulseras at mga hikaw. May mga kwintas rin na gawa sa iba't-ibang uri ng espesiyal na bato. Sadya talagang maganda ang mga ito kaya naman naagaw ang mga attensiyon ng mga tao at pinagkakaguluhan ito lalo na ang mga babae.
"Gusto mo rin bang bumili dun?" tinuro niya ang mga pulutong ng mga tao na kumakausap sa alahero.
"Hindi, hindi, Ang mahal kaya ng mga yan.. " Tsaka.. Hindi ko rin naman kilala ng lubos si Leo. Nakakahiya naman kung bibilhan niya pa ako ng alahas.
"Basta gusto mo." Ngumiti siya at hinila ako papunta sa mag-aalahas. May balbas siya sa mukha at nakasalamin. Naisip ko tuloy si Simoun na isang tauhan sa El Fili. Namangha ako sa mga alahas na binebenta niya. kakaiba talaga ang mga disenyo at iba ito sa mga alahas sa kasalukuyan. Pumukaw ng atensiyon ko ang isang pulseras na gawa sa perlas.
"Magkano po to?" tanong ni Leo sa alahero.
"tatlong daang piso lang. Galing pa yan sa sulu at sinisid ng mga katutubo." Sagot ng alaherong kamukha ni Simoun. Naglabas naman ng pera si Leo at binayaran ng buo ang pulseras.
"Hindi mo naman kailangang bilhin yan dahil natipuhan ko." Sabi ko kay Leo ng makaalis na kami dun.
"Bakit? Ayaw mo ba?" Hangkulit talaga ng lalakeng to ano.
"Hindi naman sa ayaw ko. Kaso nag-abala ka pa tsaka ang mahal-mahal kaya niyan." Hindi siya sumagot bagkus kinuha niya ang kamay ko at sinuot ang pulseras.
"Basta gusto mo. Tanggapin mo na lang ito na parang regalo mula sa isang kaibigan." Wala naman akong magawa kundi ngumiti na lang at tangapin ang pulseras mula sa kanya.
==============================================================================
,.,.,.,.,.,.,.,.,.,.,.,.,.,.,.,.,
==============================================================================
"Uhhmm.. Leo, may isa lang sana akong kahilingan... Kung ayaw mo naman eh okay lang." Sa ngayon eh nasa karwahe na kami ng mga Alejandro at pabalik na kami sa manor.
"Ano yun?" Padilim na kaya naman hindi ko na masiyadong maaninag ang mukha ni Leonardo ngunit kitang-kita ko pa rin ng malinawan ang mata niyang parang lumalamon sa buo mong pagkatao.
BINABASA MO ANG
Ang Misteryo sa Alejandro Manor
Ficción histórica|MYSTERY| HORROR | ROMANCE | THRILLER | FANTASY | Sa bayan ng Lemarris ay may isang mansiyon na tinatawag na Alejandro manor. Paano kaya kapag napunta ka dito at hindi ka na makabalik hanggang malaman mo ang sikretong bumabalot dito. this story is...