Kabanata 14: Santelmo

668 32 29
                                    

Kabanata 14: Ang Santelmo

Nakatulog ako sa kahihintay kay Leo ngunit sa kalagitnaan ng gabi ay nakarinig ako ng isang boses.

"Arlene.." paulit-ulit niyang binabanggit ang pangalan ko. Akala ko sa panaginip ko lang yun ngunit napagtanto kong hindi ito isang panaginip.

Kaagad kong iminulat ang mata ko at tiningnan ang buong kwarto kung saan nanggaling ang boses na yun.Napansin kong maliwanag sa isang bahagi ng kwarto. Wala namang nakabukas na ilaw ngunit may lumiliwanag talaga.

"Sino ka?" tanong ko. Napaupo naman ako at tiningnang mabuti kung bakit lumiliwanag sa sulok na yun. "Anong kailangan mo sa akin?"

"Kilala mo na kung sino ako..." nagulat na lang ako ng marealize na isang bolang apoy pala ang kausap ko. Isa siyang santelmo- santelmo na kulay asul. "Sumunod ka sa akin."

Agad na nawala sa paningin ko ang bolang apoy dahil lumabas ito sa kwarto. Kaagado kong sinuot ang tsinelas ko at mabilisang lumabas ng kwarto. Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan para hindi makagawa ng kahit anong ingay.

Hindi na nagsalita ang santelmo at marahan koi tong sinundan. Bumaba na ako ng stairs at naramdaman ko ang malamig na landing na gawa sa marmol. Maingat kong binuksan ang pinto para lang hindi makagawa ng kahit anong ingay.

Nakita ko naman ang asul na santelmo malapit na sa gate ngunit hindi ito gumagalaw, animo'y hinihintay ako. Sinara ko na ang pinto at humakbang palapit sa bolang apoy.

Napayakap naman ako sa sarili ko dahil naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na naunuot sa balat ko. Amoy na amoy ko rin ang mabangong halimuyak ng dama de noche. Gamit lang ang liwanag ng buwan na nagsisilbing ilaw sa daanan ko ay nilapitan ko ang santelmo.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko ngunit hindi ito sumagot at nagpatuloy lang ito sa paggalaw habang lumulutang. Lumabas na ako ng gate at sinundan ang santelmo kahit walang kasiguraduhan kung saan ito pupunta.

Napunta kami sa isang kakahuyan. Rinig na rinig ko ang lagitik ng mga punong-kahoy na nadaanan ko. Iniiwas ko rin ang mukha ko sa mga maliliit na sanga sa aking harapan.

"Ikaw ba yan Esmeralda?" tanong ko sa bolang apoy na sinusundan ko. Naalala ko pa kasi nung bata pa ako, ang sabi ng lolo ko ang mga santelmo ay kaluluwa ng mga taong patay na.

Hindi pa rin ito sumagot. Nagpatuloy lang itong lumulutang. Naramdaman ko na rin ang malamig na mga damo. Nasa isang lugar kami kung saan matataas ang mga damo na abot na sa aking tuhod. Mas lumiwanag na rin ang paligid dahil wala ng mga punong-kahoy ang humaharang sa tanglaw ng buwan.

Tumigil muli ang santelmo sa paggalaw. Tinitigan ko lang ito. Kulay asul ito. Maganda. Nakakaakit. May kung ano sa akin ang nag-udyok para hawakan ang bolang apoy na iyon. Nagsimula muli akong humakbang palapit sa lumulutang na nilalang na nasa harapan ko ngayon.

Nagsimula rin siyang gumalaw muli. Itinaas ko ang kaliwang kamay ko animo'y inaabot ang sikat na alamat. Malapit na... Konting hakbang na lang... Patuloy ko pa ring inaabot ang santelmo na para bang nahihipnotismo na akong hawakan yun.

Isang hakbang na lang.... Ayan na...

"Arlene!" Isang sigaw ang narinig ko at may mga kamay ang humila sa akin pabalik. Napasinghap na lang ako ng mapatingin ako sa ibaba. Isang kadiliman na walng hanggan.

Napahiga kami ng taong humila sa akin. Mabilis pa rin ang aking paghinga at pagtibok ng puso dahil sa malapit na kamatayan ko. Ramdam ko rin ang mabilis na paghinga ng lalakeng katabi ko.

"L-Leo?" gulat na tanong ko. Walang ibang tao ang humila sa akin kanina sa bangin kundi si Leonardo. "Anong ginagawa mo dito?"

"Baliw ka ba? Anong pumasok sa kukote mo para tumalon ka sa bangin na yun?" tinuro niya ang bangin na muntikan ko ng lundagan.

"May santelmo akong sinusundan! Hindi mo ba nakita? Ewan ko kung anong nangyari ngunit para akong nahipnotismo kanina para sundan siya."

"Anong santelmo ang pinagsasabi mo?"

"Wala ka bang nakita?"

"Ang nakita ko lang eh ikaw na muntikan ng mamatay."

Humiga na lang ako sa damuhan at tumngin sa kalangitan.

"Hindi mo man ako paniwalaan ngunit alam ko kung anong nakita ko kanina." Hindi na nagsalita si Leo at humiga rin para pagmasdan ang naggagandahang bituin sa langit.

"Alam mo Leo... Naguguluhan na talaga ako kung ano ang ginagawa ko sa panahon niyo, at kung bakit ako gusting patayin ni..." Esmeralda. Hindi ko na sinabi ang pangalan ng taong nagtulak sa akin para ibalik ako sa panahong ito. Tiningnan ko si Leo sa tabi ko.

"Leo.." tumingin naman siya sa akin. "Sino ka ba talaga?" hindi siya nagsalita. Nagtitigan lang kami, Nakipagtitigan lang ako sa matang nagtatanong at tumitingin sa aking kaluluwa.

"Hindi ba't ako dapat ang magtanong? Sino ka nga ba Arlene?" unti-unting lumapit si Leo sa akin. Hindi naman ako makagalaw. Anong gagawin ni Leo?

Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng mga labi ni Leo sa akin. Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa utak ko at sinagot ang mga halik niya.

-----

Pasensiya na sa maikli at sabaw na update na ito.

Ang Misteryo sa Alejandro ManorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon