Ang misteryo sa Alejandro Manor

2K 36 7
                                    

                                                                                Prologue

Buwan ng Marso, 1897- Bayan ng Lemaris, Alejandro Manor

                Nagkagulo ang mga tao sa mansiyon ng mga Alejandro sapagkat nakarinig sila ng isang malakas na pagsabog sa isa sa mga kwarto ng pinakamalaking bahay sa bayan ng Lemarris.

                "Juan anong nangyari?" tanong ng mayordomang si Ising sa isang tauhan.

                "Nana Ising ang laboratory po ni Don Leonardo, Sumabog!" Tarantang sagot ng binata.

                "Ano? Diyos ko!" Anas ng matanda na halos  panawan na ng ulirat.

                Tumakbo lahat ng mga tauhan at mga kapamilya ni Leonardo para puntahan ang don. Naabutaan naman nila itong natabunan ng mga bumagsak na dingding at nanghihingalo na ito.

                "Leo!" sigaw ni Alfred nang makita ang kapatid na duguan. Nilapitan niya ito at pilit na tinatanggal ang mga nakapatong na konkreto sa kapatid niya. 

                "Alfred... pakibigay ito kay-" naputol ang sinasabi ng don dahil nalagutan na ito ng hininga. Inilibing naman ang bangkay ni Leonardo sa tabi ng kanyang dapat na mapapangasawa na si Esmeralda. At sa di kalayuan naman ay nakangiti ang salarin dahil nagtagumpay siya sa kanyang binabalak. SIYA ang pumatay kay Leonardo, pati na rin kay Esmeralda.

                Lumisan siya sa mansiyon at lumayo sa lugar kung saan nagsimula ang lahat. Ang lahat ng sikretong bumabalot sa mansiyon na hanggang ngayon ay walang nakakaalam.

---------------------------------------------------------------------------------------------

Sinara ko ng journal ko pagkatapos isulat ang parte ng istoryang hindi ko pa rin nalalaman ang totoo.

Paano ba ako napunta sa dito? Ewan, ni hindi ko nga alam kung bakit hindi ko pa rin magawang iwan ang napakaling Bahay na to ngunit nababalutan naman ng mga misteryo.

Ako si Arlene at ito ang kwento ko.

                                                  --------------------------------------

                                                  Sa kasalukuyang panahon..

                                             March , 2014- Bayan ng Lemarris

                                                  --------------------------------------

                "Oh no not now!" nasabi ko na lang habang hinihilot ang noo kong kanina pa nakakunot. Bigla kasing bumuhos ang napakalakas na ulan at nagsisimula na ring magkaroon ng makakapal na hamog. Hayy... Sana naman mahanapan ko na ang bahay nila Alex. Kagagaling lang niya mula Amerika at kami namang mga kaibigan niya ay inaasahang pumunta sa kanilang party.

                Malayo ang bahay nila. Actually ngayon lang ako pupunta sa bahay nila kaya naman parang nawawala na ako sa malawak na bayan na ito. Hindi ko mahanapan ang tamang daan at wala na rin akong matanaw na bahay at ang kalsadang dinadaanan ko ay hindi na rin konkretong kalasada. Nawala na yata ako ng landas! Gabi na rin kaya wala na akong masiyadong Makita.

                "Sheez!" nasabi ko na lang habang naririnig ang napakalakas na ulan. Halos mabingi na rin ako sa sigaw ng mga kulog at kidlat. Kinuha ko ang cellphone ko para tanungin ulit si Alex kung saan ang tamang direksiyon at daanan patungo sa bahay nila. Ganoon na lang ang pagkadismaya ko nang makitang wala itong signal na makalap.

                "Aaaaahhh!" kaagad kong niliko ang kotse para iwasan ang kambing na biglang nagpakita sa gitna ng kalsada. Nakarinig naman ako ng nakakabinging pagsalpok ng kotse na sa tingin ko ay sumalpok  sa isang puno. Napahawak ako sa ulo kong nahihilo sa mga kaganapan. Narinig ko naman ang tunog ng kambing tsaka ito tumakbo palayo.

                Naiwan akong tulala sa kinauupuan ko. Muntikan na ako dun! Malabo pa rin ang aking paningin at nanatili lamang akong nakatingin sa pagbuhos ng ulan at ang pagdaloy nito sa windshield ng sasakyan ko. Makalipas ang ilang minuto ay sinubukan kong i-start ang kotse ngunit hindi ito rumisponde. Hindi ko mailarawan ang emosyong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko matukoy kung galit ba?, lungkot?, o takot. Sabihin na nating lahat lahat na.

 Maghahanap na lang ako ng matutuluyan. Maghahanap na lang ako ng talyer para ipagpatuloy ang pagbiyabiyahe ko bukas.

                Kinuha ko ang aking bag na naglalaman ng mga mahahalaga kong mga gamit, pati na rin ang flashlight ko na lagi kong dala-dala. Nilisan ko ang kotse ko at nagsimula ng maglakad kahit saanman ako dalhin ng aking mga paa.

        ☁☁☁☁

             ϟ  ϟ

                Nakakatakot ang paligid. Malakas ang buhos ng ulan at rinig na rinig mo rin ang mga tunog ng mga hayop na hindi mo alam kung aatake sa'yo bigla. Malayo talaga ang bahay nila Alex.  Malayo sa sibilisasyon kaya naman konti lang ang mga bahay ditto.

                Dalawang oras na akong naglalakad sa kawalan at wala pa rin akong mahanapan na kahit bahay man lang. Nagsisi talaga ako kung bakit lumabas pa ako sa kotse at hindi na lang pinagpatuloy ang paghahanap ko kinabukasan sapagkat ang tanging nakikita ko lamang ay  tanging mga punongkahoy at walang hanggang kadiliman.

                Akala ko ay magpapatuloy lang ako sa paglalakad sa kawalan hanggang sa may mahagilap ang ilaw ng aking flashlight. Isang napakalaking gate! At sa tabi naman nito ay may nakita akong malaking sign na natatabunan ng mga halaman. Hinawi ko ang mga nakaharang na mga dahon at binasa ang nakasulat.

                                                ALEJANDRO MANOR

---------------------------------------Edited version (c)2016------------------------------------

Ang Misteryo sa Alejandro ManorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon